Monday, September 07, 2009

Armchair

Minsan ba naisip mong tingnan kung ano ang mga nakasulat sa upuan? -- 'Yang mga hugis na yan, yang mga letra, yang mga tinatawag nilang angst. Ano nga kaya ang nais iparating ng sumulat nito? Anong dahilan? Para saan? Bakit? Hanggang sa pinuno na ng tanong ang diwa mo – may malalim, may mababaw, may malabo.

Ayaw mong sabihin -- dahil iniisip mong may pakielam sila sa'yo!
Natatakot kang sabihin kaya ibinabaling mo sa ibang bagay ang nararamdaman mo,
'Yang pangamba, pagkalito, magulong disposisyon, takot
'Yang sarili o ang ipinaglalaban? 'yang mga hinanakit na ibinubulalas mo sa mga bagay na alam mong walang palag sa kahit anong isulat mo.

Pinipilit mong ikipot ang mga salita sa mga sulok ng upuang pinagsamantalahan ng iba. Partida ha, nakikita mo nang patung-patong na ang mga letra, pero...nakiisa ka pa rin sa pang-aalipusta.

Aktibismo. Aktibista. Tibak.
Parang A(H1N1) kung pangilagan mo,
Parang AIDS kung pandirihan mo,
Parang lason.
Pero, ni minsan ba sinubukan mong tingnan ang ibang mukha ng imaheng hinuhusguhan mo?

Di man tibak. Di ka man mulat. May maiiaambag kang tiyak!

No comments: