1. Tukuyin ang layunin ng AVP: (1) makapanghikayat/to persuade (2) makapag-ambag ng kaalaman/to inform (3) makaaliw/ to entertain, at iba pa. Ang layuning ito ang magdidikta sa kabuuang tono at tunguhin ng AVP (serious, investigative/docu style, humorous, satirical, etc.) Ang mga bagay na ito ay dapat mapanindigan mula sa pagkakasulat ng iskrip/voice over hanggang sa aspetong teknikal ng pag-eedit.
2. Hinihikayat na magpatulong sa mga may sapat na kaalaman hinggil sa computer program na gagamitin para sa editing (Windows Movie Maker, U-Lead, atbp.) Siguruhing nakaayon pa rin sa tono ng AVP ang mga gagamiting visual editing effect at transition effect (fade out, fade in, shutter to the left, shutter to the right, sepia, grayscale, etc.) Sa karanasan, ang paggamit ng mga simple ang naging pinakaepektibo at madaloy partikular na para sa ating nasa larangan ng panlipunang pananaliksik. Ang paggamit ng mga hindi angkop na effect ay nakapagpapababa sa kalidad ng AVP at maaring makapagbigay ng maling konotasyon sa mga taong nasa likod nito. Maging maingat po.
3. Tandaan sa pagbuo ng AVP, ang ating mithiin ay makapagpahayag (to express) at sekondarya lamang ang makapagpakitang-gilas (to impress). To express and not to impress. Gayunpaman, nakasandig sa mga bubuo nito ang magiging daloy at ang paraan sa pagsusustini ng atensyon ng mga manonood.
4. Tiyaking maliwanag ang ilang bahaging nangangailangan ng clear audio register tulad ng mga panayam, voice-over o eksena. Isaalang-alang ang soundbites. [Soundbites may be a cut from a long speech or an interview with authority or even the average man on the street; a minimum of sound with a maximum of sense (Mark Twain)] Sa mga pagkakataong hindi malinaw ang mga ito, responsibilidad ng mga bumubuo ang maglagay ng tamang subtitle. Kung hindi mauunawaan ng tagapanood ang ilang bahaging ito, hindi lamang bigo ang AVP na panatilihin ang atensyon ng tagapanood, kundi bigo rin ito sa itinakdang layunin ng grupo. Tiyakin po natin ang mahigpit na relasyong mabubuo sa pagitan ng ating AVP at mga manonood. Maging sensitibo at matalas sa bawat anggulong bibigyang-pansin.
5. Hindi kinakailangang napakahaba ng AVP. Tiyakin lamang na may diskursong mabubuo rito (bagay na dapat taglayin ng isang social science student). Ito ay magiging katambal ng iskrip/voice over. Dapat ay lohikal at hindi lutang. Mahalaga rin po ang tinig sa likod ng voice-over -- kinakailangang malinaw at may angkop na pwersa (partikular na sa mga informative at persuasive AVP). Hindi kinakailangang maging tunog-news anchors o investigative journalists. Kinakailangan lamang itong maging engaging, bagay na karaniwang naiuugnay sa propesyong midya.
6. Gamitan ng angkop at epektibong mga tunog o musical scoring (kung kinakailangan). Kaugnay ng mga naunang nabanggit, ang musical score ay dapat nakaayon pa rin sa tono ng AVP. Ang bagay na ito ang siyang nakapagpapataas sa kalidad ng AVP. Siguruhin lamang na mas mananaig pa rin ang ating diskurso dahil ang mga ito ay magsisilbing filler at supplementary editing tool lamang upang maiwasan ang mga dragging scene o mga tagpong maaring kabagutan ng manonood.
7. Makatutulong ang pagbuo ng package script para sa mas madali, sistematiko at organisadong pagbubuo ng AVP. [A package refers to an edited set of video clips for a story read by a narrator. It is a story with audio, video, graphics and syntax.] Tandaan, may kaibhan sa pagsusulat ng iskrip na pang-voice over, sa pagsusulat ng talumpati o anumang teksto bilang reading material. Ang iskrip na pang-voice over ay hindi gumagamit ng mga kumplikadong pangungusap at hangga't maari'y gagamit lamang ng mga salitang mauunawaan ng mga manonood. Magiging disengaging ito kung nagbabanggit ng mga terminong hindi naman naipaliliwanag. I-float sa video ang mga salita at pigurang nangangailangan ng diin o emphasis. Narito po ang isang halimbawa: (CLICK here: Package on the Political Economy of Ethical Recruitment).
8. Maging tapat sa paglalahad ng impormasyon at detalye. Maging masipag sa pananaliksik at pag-aaral. Ang isang AVP ay isang buhay, produktibo at makabuluhang diskurso. Research, verify the truth, process the information before making a sound and logical discourse. Huwag isandig sa Internet ang mga impormasyon. Maging mapamaraan sa yugto ng information-gathering: panayam sa isang eksperto/propesyunal, pagsisipi ng mga news and current affairs material, dyornal, mga lathalain at situationer mula sa IBON, Bulatlat, PCIJ at marami pang iba. At siyempre, hindi pa rin dapat mawala ang mahahalagang kaalaman mula sa mga panitikan/libro.
9. Matutong kilalanin ang mga batis (kredito): mapa- video clip mula sa Internet, sipi, kaalaman, termino, konsepto at iba pa. No to plagiarism. Makabubuti kung gagamit ng orihinal na video at mga photo inset. Ikonsidera rin ang etika sa responsableng pag-uulat. Salain po ang mga mahahalagang punto at iayos ang mga ito sa paraang lohikal at makatwiran.
10. Bago ipalabas sa mas maraming manonood, panoorin ito nang paulit-ulit. Sa yugtong ito, kinakailangang maging fault-finder ang mga bumubuo. Huwag po itong katamaran. Hanapin lahat ng mali maging sa mga simpleng detalye at iwasto. Makatutulong din po ang paghingi ng opinyon sa iba upang mapahusay at patuloy na makinis ang inyong AVP. Sa aktwal, siguruhing naka-format ang CD ayon sa teknolohiyang gagamitin. Kumuha ng back-up. Kung ang final output ay mahusay at kahanga-hanga, maari niyo po itong ilahok sa inyong CV/resume sa hinaharap.
Paghusayan po!
Mapanuri. Kritikal. Makabuluhan.
___________________________________
"A development researcher makes a value commitment to side
with the poor masses against all forms of social oppression."
- Dr. E. Villegas, Development Research as Committed Research

2 comments:
yfur! i am so amazed at how much dedication you show to achieve ur dreams, and i am sure that day will truly come, all the best and never forget to keep ur feet on the ground:)stay happy and be happy!
Maraming salamat po sa inyo!:)
Sino po sila?
Post a Comment