Hindi 70 - 30. Hindi 60 – 40. Hindi 50 -50. Kundi 100% ownership.
Dekada ’80, nakilala ang terminong “grameen methodology,” isang pamamaraan ng mga institusyong pangpinansya para sa mga sektor na sadlak sa karalitaan tulad ng mga magsasaka. Ito ay halaw sa bansang Bangladesh kung saan inilunsad ang Grameen Bank, isang rural bank na nagpapautang para sa pabahay, irigasyon, seasonal loan programs at iba pang mga probisyong inilalaan para sa mga tagapagbungkal ng lupa. Isang metodolohiyang lumawig sa mga bansang kabilang sa Ikatlong Daigdig.
Sa orihinal na mungkahing inilatag ni Muhammad Yunus sa Kongreso ng Bangladesh, pinagtitibay nito ang solidong 100% para sa mga magsasaka. Ngunit sa laganap na burukrasiya sa sistemang pampulitika, iginiit ng ministro na nararapat lamang bigyan ng bahagi ang gobyerno upang maging mas madali ang pagpasa ng panukalang ito – samakatuwid, ang rural bank bilang isang negosyo; 60-40 o 60% sa magsasaka at 40% sa gobyerno. Ngunit, sa pinakamasahol na kaganapan, ikinagulat at ikinagalit ni Yunus ang naging reversed proportion nito sa aktwal na deliberasyon sa Kongreso, samakatuwid ay naging 40-60. Sa kaayusang ito, tahasang naging government-owned ang Grameen Bank. Gayunpaman, pinangakuan ng ministro ng pinansya si Yunus na babaligtaring muli ang proporsyong ito sa loob ng dalawang taon matapos maestablisa ang batas – isang pangakong pinanghawakan at inasahan ni Yunus. Hindi humantong sa dalawang taon, nagbitiw ang ministro at bigo itong napatupad ang kanyang pangako.
Magkatambal ang interes na maka-korporasyon o corporal greed at ang masahol na burukrasiya, nilamon ng sistema ang inaasam na pangarap para sa mga magsasaka. Hindi na ito muling naamyendahan sa mga nagdaang gubyerno dahil sa maka-uring hangarin nito pabor sa mga magsasaka. At sapagkat walang mahigpit na koneksyon, walang kaalyado, walang kompadre at walang makakapitang “malakas” sa proseso, ito ang nakadidismayang tugon ng burukrasiya sa mga panukalang tulad nito: “I’m sorry -- as you had difficulties with our officials!”
Isang daang porsyentong pagmamay-ari sa bankong magtataguyod sana sa pangangailangang materyal ng uring magsasaka – ito ang pangarap ni Muhammad Yunus. Isa umanong lunsaran upang palaganapin ang tinutukoy niyang poverty-free world!
Ang kabiguan na mailarga ang alternatibong polisiyang ito para sa isang agrikultural na ekonomiyang karaniwan sa mga bansang kabilang sa Ikatlong Daigdig ay nakapagpabatid ng isang nakapanlulumong katotohanan – na ang gobyerno ay hindi tunay na nagisislibi sa publiko ngunit naging isang institusyong kinasangkapan upang yanigin ang mga maka-mayoryang polisiya at maisulong ang interes ng mga nasa puder bilang mga politiko at negosyante, ika nga “the political entrepreneurs.” Ayon kay Yunus, the unforgettable lesson here was the failure to foresee government’s “obtuse” functions!
_____________________
Lathalain ukol sa librong Banker to the Poor: Micro Lending and the Battle Against World Poverty ni Muhammad Yunus .
Chapter 7: A Bank For the Poor is Born
Sa orihinal na mungkahing inilatag ni Muhammad Yunus sa Kongreso ng Bangladesh, pinagtitibay nito ang solidong 100% para sa mga magsasaka. Ngunit sa laganap na burukrasiya sa sistemang pampulitika, iginiit ng ministro na nararapat lamang bigyan ng bahagi ang gobyerno upang maging mas madali ang pagpasa ng panukalang ito – samakatuwid, ang rural bank bilang isang negosyo; 60-40 o 60% sa magsasaka at 40% sa gobyerno. Ngunit, sa pinakamasahol na kaganapan, ikinagulat at ikinagalit ni Yunus ang naging reversed proportion nito sa aktwal na deliberasyon sa Kongreso, samakatuwid ay naging 40-60. Sa kaayusang ito, tahasang naging government-owned ang Grameen Bank. Gayunpaman, pinangakuan ng ministro ng pinansya si Yunus na babaligtaring muli ang proporsyong ito sa loob ng dalawang taon matapos maestablisa ang batas – isang pangakong pinanghawakan at inasahan ni Yunus. Hindi humantong sa dalawang taon, nagbitiw ang ministro at bigo itong napatupad ang kanyang pangako.
Magkatambal ang interes na maka-korporasyon o corporal greed at ang masahol na burukrasiya, nilamon ng sistema ang inaasam na pangarap para sa mga magsasaka. Hindi na ito muling naamyendahan sa mga nagdaang gubyerno dahil sa maka-uring hangarin nito pabor sa mga magsasaka. At sapagkat walang mahigpit na koneksyon, walang kaalyado, walang kompadre at walang makakapitang “malakas” sa proseso, ito ang nakadidismayang tugon ng burukrasiya sa mga panukalang tulad nito: “I’m sorry -- as you had difficulties with our officials!”
Hindi 70 - 30. Hindi 60 – 40. Hindi 50 -50.
Kundi 100% ownership. Bank of the Poor.
Ang kabiguan na mailarga ang alternatibong polisiyang ito para sa isang agrikultural na ekonomiyang karaniwan sa mga bansang kabilang sa Ikatlong Daigdig ay nakapagpabatid ng isang nakapanlulumong katotohanan – na ang gobyerno ay hindi tunay na nagisislibi sa publiko ngunit naging isang institusyong kinasangkapan upang yanigin ang mga maka-mayoryang polisiya at maisulong ang interes ng mga nasa puder bilang mga politiko at negosyante, ika nga “the political entrepreneurs.” Ayon kay Yunus, the unforgettable lesson here was the failure to foresee government’s “obtuse” functions!
_____________________
Lathalain ukol sa librong Banker to the Poor: Micro Lending and the Battle Against World Poverty ni Muhammad Yunus
Chapter 7: A Bank For the Poor is Born
2 comments:
nice post...sana nga magsucceed ang bank for the poor dito atin.
Kung mananatili ang mga politikong malakas ang kapit sa burukrasiya at patuloy na uunahin ang pansariling interes gamit ang pampublikong opisina, parang hanggang panaginip na lang yata.
SANA NGA.
Maraming salamat sa'yo Siling Labuyo sa pagbisita sa aking blog at ka-Connect na!:)
Post a Comment