at sanay sa dulas ng paroroonan
ang paang lubog sa karukhaan --
makatwiran ang tingin sa kapwa mamamayan.
Sa mas malawak na batayan,
saan mang anggulo tingnan,
"sila" ang dapat lumayas.
Kumawala sa maling pangil ng batas.
Titigil sa pagdurusa sa sistema
na siyang nagkukulong sa lakas ng magsasaka.
Ipaglalaban anumang tarik ng dalisdis
dumapa man mga damo, hindi palilihis.
Kasabay. Kasabay nating mapagpasya.
Kasabay ng pag-aalab ng kamao,
sa binhi ng sitiong malaya!
_____________
*Muli kong nakita sa imbakan ng aking telepono. Binasa sa DALUYONG: Ang Pakikibaka ng Masa sa Gitna ng Krisis, Development Studies Practicum Conference 2009, UP Manila CAS-Little Theater bilang pangkalahatang pagpapasalamat at bahagi ng pagbibigay-pugay ng mga kapwa praktikumer sa mga nagsilbing giya, guro, magulang at tagapagmulat. Walang katapusang pasasalamat.
No comments:
Post a Comment