Sunday, March 14, 2010

STATUS: FB

"What's on your mind?"
Ito ang mas masiglang sinasagot kaysa sa pangangailangan ng thesis.

Nauubos na ang panahon. The time is running out. (Salin, 2010)

Sa kada pagkakataong makapagpapahinga, gagapang ang mga daliri sa keyboard at makikita na lamang ang sariling sinasagutan ang nag-iisang tanong na "What's on your mind?"-- at yan ang magsisilbing status sa Facebook. Nanakawin ang sandali. Halu-halong emosyon. Sari-saring pasaring sa adviser-prof. Iba-ibang paraan ng pagsasalaysay ng pag-asa upang agad nang mairaos ang itinuturing isang kalbaryo. Idadamay pa ang Diyos, with prayers. Hanggang sa mabatid mong puro pahinga na lang at mahihinuhang nauubos nang lalo oras kakasali sa mga fan page sa Facebook.

May panahong tuliro. Ilang litro ng kape na ang naiinom para labanan ang magnet ng unan, kumot at kama. Ilang energy drink na ang tinimpla para sa "extrang lakas."

'Yun nga lang, maiisip mo biglang 3 units lang pala ang thesis writing at may iba pang asignaturang dapat ipasa. Aanhin mo nga naman ang makapasa sa thesis writing kung babagsak ka naman sa mga huling subject na kinukuha mo. Magiging alisto kang tiyak. Bibilangin kung ilang liban na ang ginawa upang bigyang oras ang thesis. Ilang assigned reading na ang kailangang basahin dahil nalalapit na ang eksaminasyon. Itatanggi sa sarili ang lahat ng mga nagawa. Name cleansing, "Ay hindi naman e, maayos naman ang grades ko dun, hindi nga lang ako pumapasok." Sige, lagyan natin ng maraming dahilan at baka makumbinsi ang sarili sa mga pangyayari. Ibang usapin pa ang mga bagay na pinagsusumikapang ayusin.

Ang pinakadramatikong bahagi ay ang pagsusulat ng dedikasyon at pasasalamat. Maiiyak ka -- dahil sa panahong maabot mo ang bahaging ito, nangangahulugang tapos ka na at aprubado na ang thesis mo. Panahon na upang gapusin ang mga piraso ng diwa. STATUS FB. Status: "For Binding!"

Ngayon, ang susunod mong haharapin ay ang kalituhan sa kung paano gagamitin ang salitang bind sa normal na usapan.

"Ay, naka-bind na!"
"BindED na!?"
"Bounded??"
"Hard bound??"
"ANO?!?"

Hindi mo na ito ginagawang isyu at iniisip mo na lang ay kung paano masusulit ang nalalabing araw ng buhay estudyante. Iba pa rin kasi ang buhay sa undergrad. Isa itong hudyat na malapit ka na sa inaasam mong graduation. Kinakailangan mo na lamang maipasa ang mga natitira pang subjects. Inaalam mo na rin kung kailan ang graduation upang mapaghandaan ang anumang bayarin. Presto, Abril na ang pagtatapos.

Congratulations! Ito ang susunod na hamon:
SINO KA PAGKATAPOS NG PAGTATAPOS?


2 comments:

J. R. Ramos Go said...

Nice entry, Yfur! Point is very well taken. :D

P O R S C H E said...

Thank you Kuya Robert! :)