Wednesday, April 21, 2010

ISANG PASASALAMAT

Sa buong kaguruan ng aking kursong Pag-aaral Pangkaunlaran, sa mga masisigasig na dalubguro, sa mga giya, sa nilubugang komunidad at sa mga nagsilbing tiga-hubog -- sa pagbabahagi ng karanasan at aral ng kahapong hindi na bahagi ng balangkas ng kurso; sa patuloy na paninindigan para sa mga sektor na sikil at pinagsasamantalahan; sa patuloy na pagbabandila ng ALTERNATIBONG dulog ng aralan mula sa silid hanggang sa praktikum; sa walang pag-iimbot na pag-uukol ng panahon, lakas at husay sa pagtuturo upang ipabatid ang kahulugan ng tunay at makabayang edukasyon;

Sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila at sa Kagawaran ng Agham Panlipunan -- sa Pamantasang nagmulat at patuloy na magmumulat sa kabataan ng bayan; Dr. Edberto M. Villegas, Prop. Roland G. Simbulan, Atty. Karol Sarah Baguilat at Prop. John N. Ponsaran -- sa paggampan nang higit pa sa inaasahan bilang mga guro at tagapayo;

Sa aking mga KAIBIGAN sa loob at labas ng Pamantasan -- sa lahat ng tulong, suporta, bukas na palad, nakahandang balikat mula sa panimula hanggang sa ating pagtatapos. Sabay-sabay nating natunghayan ang pag-unlad ng bawat isa.

Sa aking mga magulang, Rufy at Lolit; kay Tita Joy Claudio, sa aking mga kapatid, Pria at Maw; Sa tumayong ikalawang magulang, Tita Baby at Tito Pepito, sa mga kamag-anak at sa mga naniniwala -- sa walang sawang pagbabahagi ng ‘di matutumbasang tulong, aral, karanasan, inspirasyon, suporta at pagmamahal;

Sa kapwa mag-aaral na nanindigan at nagdesisyong maging kaanib sa makabuluhang pag-aaral ng LIPUNAN.

ISANG MATAAS NA PAGPUPUGAY.


Lubos na nagpapasalamat,


Yfur Porsche P. Fernandez
Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Pag-aaral Pangkaunlaran




No comments: