Friday, December 21, 2007

Bwitre

Ang unang kabanata ay pinamagatang BWITRE.

"Hindi kasi pwedeng hindi ko isipin.."

Aminin man o hindi, may tono ng pagsisisi.

Sa araw-araw na pagdaop ng aking kamay sa iba't ibang uri ng tao, natutunan kong maging sino dapat ayon sa hinihingi ng panahon. Hindi ito kaplastikan, dahil kung iisipin mo lamang na ipakita ang tunay na ikaw lagi -- parang sinabi mo na rin bawal makisama sa Pilipinas. Makasarili pag ganon.. Kasi gusto mo ikaw lang lagi ang iintindihin. Nais mong makiangkop agad ang iba sa iyo. At sinasarado mo na ang pinto sa posibilidad na maaring ayaw niya ng mga kaugaliang ito. Dahil dun, mababadtrip ka, at hindi na kayo magiging bukas para sa isa't isa.

Pero, iba ang nangyari. Taliwas sa inaasahan kong mayabang at hambog. Well, hindi naman sa lahat ng aspeto, may tam rin ako. Kasi minsan, hindi talaga naaalis ang hangin na nasa ulo ng bawat tao.

Minsan, napaisip lang ako sa mga pwedeng kahinatnan ng pagkakaibigan 'yon. Subukin ang bawat anggulo ng pagkakaibigan. Ito yung tipong tanchahin ang mga ayaw sa gusto. Sa mga attitude. Na tila kailangan na ng store of understanding. Mabibili sana yung pag-intindi.

Humaba na rin naman ang panahon, at tila nakikilala ko pa kung sino s'ya. Hindi dito natatapos ang mga dapat sabihin. Parang negatib yan, na lumilinaw habang nilulubog mo sa kemikal. Mas nagliliwanag ang mga dapat pang makita. Pero sa ngayon, ang tangi kong pakiramdam?

Ayokong mangaral, kasi hindi ko rin naman nasisigurong magagawa ko ang lahat. Magiging imposible ang lahat ng mission kung lahat tayo ay hindi tatanggap sa ating mga limitasyon, right? And that sets the record. Dito, nag-uugat ang insecurities.

Sabi nga ni Prof. Ponsaran, ito raw ay paghuhugutan ng lakas. Napa-oops ako.
Kasi problematic 'pag excessive. Sana lang hindi ako mukhang nangangaral nito. Tulad ng sinabi ko, lahat tayo ay may kaniya-kaniyang kahinaan gayon din ang kalakasan. 'Pag excessive ang insekyuritis natin para tayong humahakbang sa pagitan ng dalawang batong walang puwang. Hindi na natin nakikita ang self-development kasi parating nakatingin sa iba. '',) Bunga nito, nawawala tayo sa pokus, at nakapagsasabi ng masama sa kapwa.

Ngunit, sa kabilang dako, hindi natin dapat isantabi ang attributes. Yes, he always prove na art is his middle name! Nakakahanga ito sa kanyang mga eksposisyon sa kung anong nais niyang sabihin sa pamamagitan ng sining. Nakakabilib ang creative minds. Sabi pa niya be open-minded. Ok, sorry naman, real creative persons have open minds.

Brilliant characterization is "bwitre". From which I do understand the beast in Filipino. Through times and tests of friendship, he continue to present himself in an artistic manner, in a more developed man. The same case how Janno reveals his thoughts and ideas to all of us. Habang tinatanggal ang maskara ni Beast, nakikilala ko kung sino siya. Salamat dahil pinababayaan niya. '',)

1 comment:

P O R S C H E said...

Paumanhin.

Erratum:

Ang beast ay hindi bwitre. Sabi nila, isang uri daw ng ibon.

*Ang nais kong ipakahulugan dito ay yung isang karakter na tulad ng Beast.