Friday, December 21, 2007

Isang Pagbati!

And so, I'm offering these simple phrases...
Although they have been said many times, many ways...

MERRY CHRISTMAS AND A PROSPEROUS NEW YEAR TO ALL!

Sana'y maging masagana ang bawat hapag,
Sana'y manitiling malusog tayong lahat-- walang madadagdag, walang mababawas
Sana ating muling pagsalat, buo pa rin tayo -- sa loob at labas.

Sana maging mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon --
Ibang klaseng ngiti at panibagong pag-asang haharapin.
Sana ang diwa ng mga okasyong ito ay panghabang-buhay.
Magpaligaya at maging maligaya.

Tumigil sandali, at lasapin ang presensya ng Pasko.
Pagmamahalan at kapayapaan para sa darating na taon.

Wala sa handa. Wala sa bagong damit. Wala sa dami ng napamaskuhan.
Higit sa mga materyal, higit sa lahat...
Magpasalamat tayo dahil patuloy pa rin tayong namumulat.
At walang sawang pinatutuloy sa daigdig na ating ginagalawan.

Sana masaya ka. Sana masaya tayong lahat.
Muli, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

2 comments:

Ienne said...

Where are our character sketches?

theporsche02 said...

i'm working on it! ang dami kasi! hehe.