Tuesday, December 18, 2007

SAWSAWAN

Makakarleyt ka din kasi maaring ang kuwento ng buhay nila, ay hindi iba sa mga besprends mo! Malililigyang Pasko!

Sa bawat pagpatak ng oras, nasagap ko ang ilang mabubuting balita sa loob ng kampus. Siyempre naman, hindi mawawala ang mga balitang sadyang nakakapukaw ng nerve. May unli pa non e. Huwag na nating balikan 'yung mga kuwentong pare-pareho lang na makapagpapalungkot sa atin, o di naman kaya'y makapagpapainis. Mga bahagi ng talaalarawan na wala namang ibang dulot kundi balikan ang mga dating nangyari na, ewan pero totoo na-iinspayr daw ang iba. Bunsod nito, huwag na nating balikan ang enrolment, ang pasukan at yung mga dark nights natin (kahit minsan, hindi naman talaga maiiwasan). Bakit? Kasi lagi na lang yun ang karaniwang tagpo sa mga blog, mga reminis, mga season-ender, mga year-ender, kumbaga, yo'n na lang nang yun ang mga naisusulat. Hindi ko naman sinasabing huwag ka na magsulat! Wala kong sinabing ganon.

Higit sa mga pwedeng kong maisulat, pwede ko kayong gawan ng isketses. Ang lalamanin? Bukod sa kanya-kanyang angst at kanya-kanyang attitude; huwag tayong masyadong umasa sa mga papuri. Dahil kung ganon, masaya ka!! Lahat sabihin natin. Hindi kailangan nang malaliman. Swabe lang kumbaga. Hay, napakahirap talagang magsulat ng ganitong uri ng entry. Sana lang. Yung tema nito, parang ganito: mas gusto kong gamitin ang nakakapagod kaysa nakapapagod.

Tigil muna tayo.

Bali, wala talaga kong ideya kung pano ko sisimulan. Walang sumisirit na ideya sa isip ko. Nagdadamot ng mga adjectives para sa inyo, baka kasi hindi niyo deserve!!

Malayong lugar yun. Teka lang.

Dahil nga paangasan muna. Tapos yung iba pabaitan. Tapos yung iba the real he/she na ang inaakto. Lahat naninimbang. Lahat gustong maging bida-bida sa buhay ng bawat isa. Yung tila struggling to save a certain place in our heart, parang ganon. Lahat datu puti at silverswan. Iba ibang timpla. Lahat sawsaw.

Pero, siyempre nanatili sa huli ang tunay na pagkakaibigan. And that's the same reason we're celebrating the birth of what we call "friendship" -- at least everyday? Sawsawan na ng buhay!

Moving on...

1 comment:

xchastine said...

husay. sana mabasa lahat ng mga kaibigan natin. :)