Friday, December 21, 2007

Trolli

Don't be too busy collecting so many stones.
Because one day, you might realize that you have lost a diamond.

Nasa ikalawa na, nasa U.

Of course, hindi mawawala sa buhay ko ang mga elastik na uod na ito.
Yung mga osong maliliit na walang ginawa kundi magbigay-tinga sa mga may bakal sa bibig.
I mean sa ngipin. Na ngayon ay meron na siya. Tila mga haliging nagrereinforce sa ngipin niyang una kong nakita hubad. Para bang sarap na sarap kumain ng trolli. Ang sarap ngumata ng gummi bears.

Aaminin ko hindi naging madali ang mga panahong iyon sa akin. Naging mabagsik at mapangahas ang mga araw na lumilipas. Marahil na rin sa aking pagnanais na magkaroon ng mga kaibigang iba-iba man, ay kaibigan ko pa rin. Hindi naging madali ang lalim ng aming pagkakaibigan. Mula sa mga projects, assignments, mga moments na supposedly groupwork yun pero kaming dalawa na lang ang gumagawa hanggang sa mga mas komplikadong mga bagay. Nanatili ako. Nanatili kong sandigan ang mga pangyayaring iyon.

Karaniwang tagpuan namin, malamang sa iskul. Iba. Iba siya. Iba siya sa sambayang nakilala ko. At sambayanan talaga? Basta, iba siya.

Nakita ko ang salamin ng isang dedicated na estudyante. Mas malawak na perspektibo. Mas nakatuon sa mga pang-akademikong bagay subalit hindi nakakaligtaan (mas gusto ko tong gamitin kasi nakaliligtaan) ang buhay sa labas ng notebook at aklat. Mahusay! Aprubado sa kahit anong eksam. Halimaw nga raw eh. Hindi evenly distributed ang mga pang-uri ko sa kanya dahil hindi ko siya magawang makulong sa mga salitang ito lamang. Marahil sa ilang punto, nagkaroon ng pagbabago. Ngunit ang lahat ng ito ay itinututing kong bahagi ng patuloy ko pa ring pagtuklas sa kaibigan kong 'to. Siyempre, hindi mawawala ang attitude natin, may pagka-insenstive sa pili ngunit esensyal na bagay. Insensitive daw oh, pano ba yon?! Ahem. Bunsod nito, may mga bagay na nadidiscard, na normal lang din naman.

Siya ang naging kasa-kasama ko umulan man o umaraw. Nakita ko yung pinagsanib-sanib na lakas ng kanyang utak at libro para makamit ang inaasam na kurso. Nakakamiss ngunit ito ang katotohanang ibinibigay ng pagkakataon. At least, masaya ako dahil iyon na ang gusto niya. Doon siya masaya. Isang propesyong alam kong hindi lamang para sa sarili ngunit para sa mas mapwersang hangarin.

Alam ko, magkikita muli kami sa aming paglalakbay, i mean sa field of professions, katulad ng lagi naming napag-uusapan.

Marami man akong maging kaibigan, makakasiguro akong isa siya sa mga diyamanteng hindi ko maiwawala. At yung ang talinhaga ng aming pagkakaibigan.

Naalala ko lang yung mga panahong napadaan kami sa candy corner at nakita namin ang salitang "gummi". Natuwa ako. Natuwa siya.

That's one of the many reasons, I included in my list why I prefer to eat trollis. One, because it's delicious. Two, because it's unique. Three, because it can be in different variants, hindi ka magsasawa. Four, Trolli simply satisfies the desire of my tongue.

And finally, I remember Sarah.

No comments: