Kampana ng simbahan ay nanggigising na,
At waring nagsasabi na tayo'y magsimba
Maggising at magbangon, tayo'y magsilakad
At masayang tunguhin ang ating simbahan.

Nandyan na 'yan. Bibingka. Puto bumbong. Mahamog na umaga o kaya naman malamig na gabi. Hindi sa nagpapakabanal. Napapansin ko lang.
Ang Misa de Gallo ay sadyang bahagi na ng buhay Katoliko. Subalit dulot na rin ng pagbabago sa lipunan, nagkaroon na ng ganap na ebolusyon mula sa konserbatibo patungo sa makabagong pamamaraan ng pagdalo sa Simbang Gabi, ang nakagawiang siyam na misa.
Hindi nga mapipigilan ang pagbabago. Ang dati rating alas-kwatrong misa sa umaga, ngayo'y may anticipated mass na. Ito yung pang alas-otso ng gabi na magsisimula sa ika-15 ng Disyembre.
Tulad ng aking nasabi, pana-panahon nga naging takbo ng pagiging Katoliko. Minsan masakit mang isipin ngunit tila nagiging maka-simbhan o banal lamang ang gawi ng iilan sa tuwing may tawag ng pangangailangan -- yung tipong makapasa sana sa graded eksams, makahabol sa pag-akayat ng barko, maipasa ang licensure exam, bar exams at iba pang para sa mga Katoliko ay hihiling ng divine intervention. Bagaman, hindi ko nilalahat. Tayo ay saksi sa mga ito.
Ang misa ay panata at sakripisyo. Ngunit napansin kong muli ang ugali ng iilan. Taliwas sa aking konsepto ng misa. Pananampalatayang huwad, sana'y hindi maganap. Para bang minamadali ang samba. Maraming nagmamadali upang maabutan ang paboritong telenobela (para sa anticipated mass). Maraming nagmamadali upang makabalik sa kama, o di naman kaya'y sa lakwatsa. Pilit na minamadali ang kung tutuusi'y isang oras para sa 24 na oras na buhay, na patuloy na ibinibigay sa atin. Komitments?, sabi ng iilan. Nararapat lamang na bahagian natin ng isang oras ang ang isa sa pitong dimensyong bumubuo sa ating pagkatao -- ang ispiritwal na dimensyon.
Bakit hindi tayo tumigil?
Namnamin ang biyaya ng buhay at ang diwa ng Pasko, o kahit bakit ba tayo nagdidiwang? Bakit ba kailangan ng mga ito? Bago ang paghiling ng tiyak na tuon, bakit hindi tayo magpasalamat sa nagdaang taon?
Naniniwala pa rin ako sa wishes.
Dahil dito, naipapako natin ang ating sarili upang mag-alay ng bahagi ng ating sarili, para bang dedication. Tulad nga ng pagsisimba o pagkumpleto sa siyam na misa.
Huli, sabi nila "look your best, always" kahit saan. Hindi naman ako tumatanggi dito -- dahil nararapat lamang na maging presentable tayo sa pagharap at pagpasok sa ating Simbahan. Ngunit, nais ko lamang ipunto na ang Misa de Gallo ay hindi katumbas ng porma lamang. Napansin ko ang magagarang damit -- Bench, Penshoppe, Human, at iba. 'Yung iba nga, palakihan pa ng font para sa tatak. Naging magarbo ang pananamit ng iilan. Walang masama. Ang hindi lamang katanggap-tanggap ay ang hindi pagseryoso sa esensya ng misa, ang malabnaw na pagtanggap sa Kanya. Para bang simbang gabi at eksibit ng mga brand names.
At minsan, nagiging parke pa ang simbahan ng mga magkasintahan. Para bang Simbang Gabi at ang PDA ng mga magkasintahan. Wala ito sa lugar, at wala sa tamang perspektibo. Isa sa aking natutunan ay ang pag-akto ng nararapat para sa iyong intensyon.
Ang natatanging misa para sa pagbibigayan. Hudyat ng Pasko. Pagpapasalamat. Sa mga ito, maaring matutunan ang halaga ng buhay. Pinag-aalayan ng panahon, sinseridad at tunay na intensyon. Baka, sakaling 'pag ganito, hindi malabong matupad ang iyong hiling sa ika-siyam na araw! '',)
Work on your blessings and He will lead the way to its finality.
Sa pagkumpleto ko ng Simbang Gabi, nakita ko ang kasalukuyan. Kung paano kinukumpleto ng kapwa ko ang kanilang simba.
Nakumpleto mo ba?

No comments:
Post a Comment