Thursday, December 27, 2007

Day Off/s

Madalas napupuna ko na mayroong kulang. Parang may kulang! Kung gaano kadalas ang pagpansin ko sa mga bagay na iyon, ganoon rin kadalas na wala siya. Tila ipinapaintindi sa akin ng pagkakataon na hindi na ito bago bagkus isang kalikasang kahit pandayin ng panahon, ay may bakas pa ring mananatili.

Sa mga panahong iyon, malaki ang pinagbago ng aking mga gawi. Naging pala-kaibigan ako. Nasasabayan ko na rin ang tono at galaw ng campus chatters. Sa gayong paraan, napansin ko siyang lalo. Pinilit kong lapatan ng ankop na ugali at matagaumpay naman akong nakapagbahagi ng oras sa kanya.

Oras. Mahalaga sa aing ang oras kapag kasama ko siya. Kapag siya ang kaharap ko, para bang isang pribileheyo ang makapiling siya sa limitadong panahon. Marami kasing factors to be considered. Minsan, busy siya. Minsan, may problema. Minsan sa lablayp. Kasing halaga ng butil ng bigas ang bawat segundong lumilipas kapag kausap ko siya. Dahl na rin sa kasabikan kong pakinggan siya, nakita ko ang aking sariling walang kibo at patuloy na lamang na nakikinig sa kanya. Gayon rin naman, tuwing sumasapit ang usapan ng barkada, tila may kompetisyon ng kuwento, sa sari-saring kuwentong bumubuhos sa isipan ng bawat isa. Ngunit sa huli, siya pa rin ang unang-una sa paglalahad ng punto, kuro-kuro, salobin at mga antics n'ya. At sa iba pang nakaayon sa porma ng pasalita at nangangailangan ng bibig, laway, boses at megaphone?

Napapatahimik na lang ako. Nakikinig.

Malupet na ang dumating siya one second bago dumating si Prof. Suki siya ng early Christmas vacations, semestral breaks at summer vacations, at procrastinations.

Kaya naman, sa mga oras o araw na nariyan siya -- sinusulit ko na, sa pakikipag-usap, pakikipagtalastasan at hindi natatapos na pakikipagkaibigan. Dala nito ang sobrang lawak ng pag-intindi at patuloy na paglingap sa kanyang personality. Pinipilit namin siyang magbago, hindi sa kahit ano pa man, kundi ayon sa kung ano ang wasto at tama para sa ikauunlad ng bawat isa. Walang hilahan, diba?

Her day-off/s. Those were the times when we missed her so much. The hardest part is, her day-offs subsequently alienates her to where we stand in every single moment. But the easiest and the greatest part is the way she treats us and the other way, every time she is around.

For the next years, I'm looking forward for her straight answer whenever our professor calls her name, with dignity and bravery...Tecson, Marcia Kristina?

Present.

No comments: