Saturday, February 16, 2008

Subalit

Sa buong isang linggo, nakapunta ako sa isang sulok ng lipunan, kung saan naramdaman kong maswerte pa rin ang isang tulad ko.

Hindi ko inilapit ang sarili ko sa destinasyong iyon. Maaring sinadya dahil ako lamang sa buong klase namin ang pinakamatagal sa lugar na iyon. Hiningi ng pagkakataon. Nagpabalik-balik ako.

Sa istruktura nito, alam ko na mahirap. Mahirap ang mga tao. Mahirap makapasok. Masikip. Sa paglakad ko sa iilang bulawagan nito, nakita ko ang mukha ng publiko. Kung hindi ka sensitibo sa senaryong iyon, malamang ay hindi mo ito mararamdaman ni mapapansin. Isang gabi rin ang lumipas matapos akong matulog sa kama habang natutulog sila sa kahoy, sa bato, at minsan sa bakal na nilapatan lang malabot na bagay na kakaunti lang talaga ang ikinakapal sa punda ng unan.

At lagi akong maaga sa lugar na iyon, dala ang samples ko para sa tinutukoy nilang karamdaman, kung karamdaman man. Panik-panaog, Kaliwa't kanan ang mga tao, tila may hinahabol na buhay. Sa iisang saglit, nahinto ako sa isang obra, kung saan papalapit sa akin ang isang nanay kasama ang kanyang anak. Nakasakay sa isang de-gulong na upuan habang hawak ng ina ang isang boteng nakabaligtad, konektado sa kanyang sistema. Napatingin ako sandali. At nagkatinginan kami ng paslit. Tanging mata niya lang ang nakikita ko, dahil halos kalahati ng mukaha niya'y nakatikip ng mask. Naninilaw. Hanggang sa paglampas sa aking ng de-gulong kung saan kasakay siya, nakatingin pa rin sa akin, humihingi ng tulong.

Hindi na bago sa akin kung makakakita ako ng matanda sa loob. Ang mas nakapukaw sa kin ay ang mga inosenteng paslit. Mas maaga ang pakikibaka. Sa iisang katawan, nakikipaglaban sa napakaraming suliranin ng lipunan. Sa puntong iyon, alam ko mas matapang sila sa akin, subalit wala akong ibang magagawa kundi mag-alay ng panalangin at ipakita ang siglang magmumula sa akin para sabihing, "Bata, kaya mo yan!".

Sana naglalaro pa sila subalit suko ang katawan nila.
Kung pwede lang sanang maglaro ng tumbang preso, ng piko at ng tagu-taguan.

Sana nag-aaral sila subalit mas importante ang tagpong pinagdaraanan nila.
Ayoko na sanang magmasid subalit habang pinipigilan ko, mas lalo kong nararamdaman ang tindi ng kanilang pangangailangan.
Ayoko sanang maging masyadong emosyonal subalit hindi ko kaya, nauuna kong damhin ang hindi ko naman dapat pang ramdamin. Naririnig ang bulong ng mga paslit.

Sa mga susunod pang araw, malalaman ko na ang resulta.
At alam ko pa ding, pinagpala ako dahil nagagamot ang karamdamang iyon.

Sana natutulungan ko na sila sa subalit hindi pa ako tapos. Sa ngayon, ang pagpapatuloy sa mga kathang nakapaloob sila ay ang iisang tanawing maari ko munang gampanan bilang isang estudyante, mas marami pa sa mga susunod na panahon subalit alam kong ang iba sa kanila ay hindi ko na maabutan, isang masaklap na katotohanang tatanggapin.

Basta,alam kong matutulungan ko sila hindi nga lang ngayon.
Sana lang hindi ako magkasakit katulad ng sakit na meron sila.

Pinagpala pa rin talaga ako.
Alam kong hindi naman kailangan.
Hindi ko lang alam kung kaya kong maging martir.

6 comments:

Anonymous said...

Yes, we're still lucky. The misfortunes we're experiencing currently are nothing compared to theirs.

By the way, I'm very glad to know that you're physically fit based on the results :)

P O R S C H E said...

thank you!

yeah, finally,you appreciated a human-interest feature.

Anonymous said...

Human interest?

P O R S C H E said...

yeah, human interest...
see, you didn't notice that you've just embraced an interesting one.

well, it's a type of story some journalists wanted to cover.

Anonymous said...

Journalists wanted to cover?
And you covered it?
Hmmm :)

P O R S C H E said...

I won't say anything. Hehe..