Timbangin.
Aling ang mas halaga ang sarili o ang panahon?
Kung inaakala mong hindi sila pwedeng ikumpara, nagkakamali ka.
Tayo ay nabubuhay sa isang panahon.
Dakila ang buhay na ginugugol sa isang magandang adhikain.
Kung inaabuso mo ang kalusugan mo.
Kung nilulustay mo ang pera sa pagbili ng markang demonyo.
Kung mas inaatupag mo ang layaw ng iyong bisyo -- sa alak/alkohol,sa sigarilyo, sa sugal, droga at iba pa.
Kung pinababayaan mong lasunin ng mga ito ang sistema mo.
At hinahayaan mong maging miserable ang buhay mo.
Wala ka na ngang makain.
Sinasayang mo ang panahon mo.
Hindi na masama ang isang pakiusap na huwag kang mandamay.
Huwag kang manira ng iba pang buhay, kung hindi ka handang tanggapin ang mga kamay na handang tumulong sa iyo.
Dahil habang sinasalba ka ng isa, hindi mo man sadya, maaring hinihila mo silang pababa, maaring kumikitil ka ng mas maraming buhay.
Pang-ilang bote mo na? Ilang beses mo na rin sinayang ang pagkakataon mong umunlad?
Pang-ilang pudpod mo na ng upos ng sigarilyo? Pang-ilang pudpod mo na rin ng tiyansa para magbago? Sa bawat hithit, ilan na sana ang nagawa mo?
Sayang ang panahon para umunlad at magbago.
Sa SOBRANG bisyo, umiikli ang panahong makita mo pa ang kinabukasan ng mga taong mahal ka at ng mga taong mahal mo.
Sa pagsayang mo ng iyong panahon, sinasayang mo rin ang hiram na buhay mo.
Muli, tayo ay nabubuhay sa isang panahon.
Ngayon, alin ang mas matimbang? Mayroon ba o parehong mahalaga?
9 comments:
Huwag lang sobra.
May bisyong mabuti? Ang alam ko wala.
Hindi naman matatakpan ng isa pang bisyo ang isa diba? Sabi kasi ng nakausap ko, alak na lang kaysa droga.
Napaisip ako, parang Lesser Evil?
kung pinapabayaan mo ang sarili mo, sa konteksto ng kalusugan at pangangatawan, sinasayang mo rin ang panahon mo.
tama.
pero hindi ba, lahat ng bisyo, doon din ang punta? sa sobra? kaya din ito tinatawag na bisyo?
kung pinapabayaan mo ang sarili mo, sa konteksto ng kalusugan at pangangatawan, sinasayang mo rin ang panahon mo.
tama.
-- tama ulet!
Huwag lang sobra.
May bisyong mabuti? Ang alam ko wala.
-- alam ko rin wala. Tama, kahit may bisyo, wag lang sobra!
Masasabi ko lang, sariling disiplina.
nasasaktan ako!! wahahaha. JOKE!
ang lahat ng sobra masama.
Haha. Hindi ka naman sobra eh.
Sakto ka lang di'ba?:)
Hi tintastic! Oooh, sounds sexy! Hehe. Welcome to my blog! Welcome to our world!:D
To railey:
Tumpak!Pansariling Disiplina:)
"Hi tintastic! Oooh, sounds sexy! Hehe. Welcome to my blog! Welcome to our world!:D"
- because I am!! hahaha. thanks!! :D
Hahaha. Yes!:)
Post a Comment