Tuesday, June 24, 2008

Hagupit ni Frank


"Ilabas niyo ang pamilya ko, buhay man o patay!
Anong petsa na? Kung sa pagkain yan, panis na yan!"


Romblon, Pilipinas -- Magkahalong galit at lungkot ang nadarama ng mga nangangambang pamilya ng mga pasehero ng lumubog na M/V Princess of the Stars (Sulpicio Lines), sa kasagsagan ng bagyong Frank. Ayon sa isang saksi, ga-bundok umano ang along sumalubong sa barko na nagdulot ng pagbaligtad hanggang sa paglubog nito na ikinasawi ng marami.
  • P200,000.oo kada casualty ang ibibigay ng Sulpicio Lines para sa mga pamilya ng nasawi. Ito ay idineklara ng nasabing transportation company sa press conference.
  • Isang vigil ang isinagawa ng pamilya ng mga biktima kasabay ng counseling.
  • Masamang panahon at hindi engine problem ang dahilan ng paglubog -- Sulpicio
  • Grounded o hindi muna makapaglalayag ang mga barko ng Sulpicio Lines sa utos ng Marina. Patuloy namang naghihintay ang mga kamag-anak ng pasahero sa tanggapan ng Sulpicio para sa alinmang impormasyon. Nasabon naman ng pangulo ang may-ari ng Sulpicio Lines.
  • Ito na ang ikaapat na trahedya sa dagat na kinasangkutan ng Sulpicio Lines. Nauna rito ang paglubog ng MV Princess of the Orient at Dona Paz.
  • Nasalanta rin ng nasabing bagyo ang ilang lugar pananiman sa Bisaya partikular na sa Ilo Ilo hanggang Gitnang Mindanao. Maraming probinsya at ilang lungsod sa kapuluan ang isinailalim sa "State of Calamity".
  • Sinasabing ang bagyong Frank ang pinakamalakas na bagyo na nanalanta sa Pilipinas sa nakalipas na limang buwan. Kaugnay nito, sinuspinde ang mga klase sa lahat ng antas sa Metro Manila. Nanatili namang lubog sa baha ang ilang lugar sa Malabon na nagpanatili sa suspensyon ng klase.
  • Tinatayang higit-kumulang sa 800 pasehero ang nakasakay sa nasabing lumubog na barko.
  • Tila isang see-saw ang itsura ng barko -- ang isang bahagi ng barko ay naka-angkla lamang sa bahagi ng karagatang may lalim ng 60 talampakan, na siyang tanging suporta ng kabuuan, alinsunod nito, isinantabi muna ng mga operatiba ang ideyang butasin ang barko sa pag-aalinlangan dumausdos ang kabilang bahagi ng barko sa lalim na 120 talampakan mula sa kasalukuyang kinalalagyan. Bukod dito, ang ideyang hatiin ng barko ay nanatiling lutang dahil naman sa pangambang pag-release ng air bubbles na siyang magdudulot ng pwersang magpapalubog pang lalo sa mas malalim na bahagi ng karagatan.
  • Iniiwasan ang anumang aktibidad na magdudulot ng "unequal weight distribution" para sa nabanggit na barko.
  • Patuloy pa rin ang rescue and retrieval operation ng pamahalaan katulong ang Marina, Red Cross, Sulpicio Lines, mga binuong task forces at iba pang volunteers.
  • Kagyat namang naghatid ng tulong ang mga foundations ng mga TV Stations, pati na rin ang mga pulitiko sa mga nasalanta o naapektuhan ng bagyo sa anumang pamamaraan.
*Imahe mula ABS-CBN News Online

6 comments:

Railey! said...

Correct! Parang nagrerebyu lang ako ng Bandila at Patrol kagabi. Eto pa, pinag-iingat ng BFAR ang mga tao sa pagbili ng mga isda at pagkain nito.

Baka daw xe contaminated.

E, pano mo malalaman kung saan manggaling yung isda? Sasabihin ba ng mga nagbebenta yun?

Ay, basta, iwasan muna ang mga kilaw ngayon.

P O R S C H E said...

Maaring hindi nila sabihin. Malamang na hindi nila sabihin, kasi hindi mabebenta ang isda nila.

Iniiwasan ang kilaw. Tama, dahil sa ngayon hindi ligtas kumain ng mga ganitong uri ng pagkain. Sa isda naman, nagpalabas na ng bulletin ang awtoridad ukol dito -- at, ayon sa kanila, 1. linisin ang isda (tanggalan ng hasang, lamang-loob)2. masusing lutuin /prituhin 3. isagawa ang nararapat na paraan ng pag-iimbak o fish preservation

Anonymous said...

nice blog dud :)


sulpicio:dpt bng cchn ang pnhon bkit nagun lng b bumagyo sa pilipinas? pang ilang bces n b ito?nd bat cla rin ang nasa likod ng dona paz n mas grabe pa sa titanic?
sa gob(pcg&):. ano bng batas myroon kau at kung idiin nyo ang sulpicio prang wala kaung pagkukulang?

humingi na tulong ang pangulo. hndi ba napapncn ng iba na bakit kailngn natin ng tulong sagot-- dhil hnd ntn kaya ng mag-isa. dhil ngayon lng ngyari sa pilipinas to e. gnu n b? LOL

Railey! said...

I've just received the news! May kamag-anak pala ko dun.

P O R S C H E said...

Hi anonymous!
Salamat po sa pagbisita ng aking blog!

Haha. Hindi naman bago ito sa atin. Nagiging residivism lang ito o yung paulit-ulit na kamalian, walang pagtanda. :)

P O R S C H E said...

To railey:

O? Talaga? Anong balita sa kanya o kanila?