Dahil sa isang salitang ito, nabatid kong walang katapusan ang paghanap ng mga kasagutan sa ating mga tanong. Lubusan ko nang naiintindihan kung saan nagmumula ang napakaraming kwento – tsismis man o totoo. Dahil sa salitang ito, nabubuo ang isang kaaya-ayang istorya ng buhay mo.
Sa salitang ito, nabubuhayan ng dugo ang mga nagkukwento. Nakukumpleto nito sa iisang tagpo ang ano, sino, kailan, saan at paano. Napapahaba nito ang dating kapirasong ideyang napulot kung saan man. Naipalalaganap nang mahusay sa malalim na paraan ang mga hindi lubusang mawaring konsepto. Nabibigyang-halaga ang paggalaw ng bawat isa bilang isang magkaka-konektang sistema.
Ang salitang ito ang huhubog sa kamalayan ng isang paslit. Sa paggamit ng salitang ito, napalalawak niya ang saklaw ng de-kahong pag-iisip. Nalalaman niya na ngayon kung saan huhugutin ang diwang magbibigay linaw sa mga bagay-bagay habang lumalaki siya. Kapag nasasambit ang salitang ito, ang mga simpleng salita ay nagiging bulto ng mga magkaka-ugnay na pangungusap. Hindi ka man paslit, dahil sa salitang ito, natututo ka kung paano tanggapin ang walang hanggang pagpapanibagong-hubog sa iyo at sa kapaligirang ginagalawan mo.
Dahil sa salitang ito, maaring tukuyin kung paano humantong sa kasalukuyan ang hindi mo lubos maisip na pangyayari. Sa mga tanong na binubuo ng iilang pantig, sa palagay ko, ito ang may pinakamaraming sagot. At, natitiyak kong dalawa lamang ang kalalagyan ng sagot mo ‘pag ibinato ang salitang ito sa iyo – marami kang masasabi o wala kang masasabi.
Sa salitang ito, maaring napagsasalu mo ang emosyon at ang iba pang aspeto. Dahil din dito, maipakikita mo ang interes sa isang bagay na nais mo o kinawiwilihan mo. Dahil dito, napayayaman mo ang iyong kaalaman sa napakaraming pamamaraan. Kailangan ito upang malaman ang napakaraming dahilan ng halos lahat ng bagay sa mundo. Halos.
Dahil dito, maaring mabigyang-kulay ang tigang na liriko, sanaysay, kwento ng buhay, karanasan at iba pang katha mula sa milyong tao. Sa salitang ito, napagbibigyang pagkakataon ang isip at layaw mo upang hanapin ang pinakamagagandang rason sa mga kaganapang parehong ikinasisiya at pinagsisisihan mo.
Kung bakit nangyari ito sa buhay mo at sa kapwa mo tao.
Kung bakit kailangan pang pagnilayan ang iba pang bagay sa mundo.
May buhay man o wala, inuusisa ang mga ito para mabuo ang isang konsepto.
Dahil dito, napapagana natin ang tulirong isipan na magbigay ng parehong konrekto at malabong dahilan kung bakit nga ba nagkagayon.
Haay… Mabuti na lamang at natuklasan ang salitang ito.
Dahil dito, kahit ikaw, mabubuo mo na ang isang bahagi ng liriko:
_ _ _ _ _ ngayon ka lang dumating sa buhay ko?
Bakit nga ba? Bakit? ;o
14 comments:
So, this post dwells with the creation of the word why?
Why, o why? Nice.:D
Are you a feature enthusiast? Because we're looking for writers.. if you're intrsted, please communicate thru ronald_star@yahoo.com
Thanks a lot.
Dahil sa isang salitang "Bakit?" - at least nalalaman natin kung anong dahilan kung bakit narereject, naa-accept ang pinaghirapang resume..
Astigin! Bakit. nice nice.,.
Tama ka. Higit sa mga sagot sa sino, ano, saan, kailan at paano. kailangan ang "bakit?"
Salamat po ronald_star sa paanyaya!
Ngunit, ang tuon ko pa sa ngayon ay ang makatapos ng pag-aaral. Opo, feature writer po ako, at bukas po akong matuto sa iba pang kategorya.
Salamat po.
To railey:
Hmm.. Mukhang hindi natanggap sa trabaho ah.. Bakit kaya?
TO hugo and brokendamsel:
Salamat sa pananatili sa pagsubaybay!:)
ang ganda naman ng paksa. HAHA. dahil sa salitang 'bakit', nagkaroon ng mundo. :)
To noongmalapad:
Salamat! isa ka sa mga driving force para isulat ang post na ito.:)
Alam mo yan.. humanap lang ako ng tiyempo..:D
Walang anuman. Desisyon kong basahin ang blog mo, kasi maganda ang nakapaloob dito, mahusay ang pagkakasulat. Sana ganon lagi. Keep it up bro.
Hmm.. medyo eh. Naga-apply kasi ako sa isang building diyan sa makats.. ayun. Malas. tsk tsk. Makabawi sana sa susunod.
Good luck sa iyo!
bakit..
bakit ba umaalis lahat ng nurses? :D
bakit nga ba? napa-tanong ako sa post mo ah. ayuz! =]
Hehe. Hindi ko din alam. BAKIT?
Hahahaha:D
Post a Comment