Monday, July 21, 2008

Paano Mo Tutulungan Si Mang Juan?

Sa pusod ng Maynila, malinaw nating masisilayan ang kabaligtaran ng lahat. Taliwas sa rikit at kagandahan ng Maynilang ipinakikita sa mga banyagang mamumuhunan at mga opisyal partikular sa Kanluranin. Malayo sa ningning ng kalunsuran. Isa rito ang Baseco Compound.

Napakarami ng modelo ng pag-unlad ang inihain sa atin ng mga paham sa agham-panlipunan. Napakaraming teorya na ang nagbibigay tindig sa kasalukuyang estado ng lipunan. Mahaba-haba na rin ang diskusyon sa gampanin ng mga Pilipino para sa pag-unlad. Subalit, sa bandang huli, hindi pa rin nanaig ang tunay na pangangailangan ng nakararami. Natatakluban pa rin ng usok ang pangarap na mamuhay nang marangal, patuloy pa rin lumulubog sa putik ang napakaraming bayan dahil sa krisis ng korapsyon -- napakarami pang pwersang panlipunan ang nag-uudyok sa tao upang kitilan na ng pag-asang ipagpatuloy pa ang pakikibaka sa kasalukyang pamumuhay.

Marahil, marami na tayong itinuturong salarin. Marami na tayong naiisip na rason, sinisising tao, pangyayari at iba pang gawi. Marami na tayong pagbibintangan sa pananatili nating sagrado sa lusak. Sa pananatili natin sa kumunoy ng mga di-makamasang presyo ng mga pangunahing bilihin, sa mga hindi makatarungang polisiya na ang tanging makikinabang ay ang iilan, sa pag-aasam na makakubra ng swerte sa ibang lugar upang takasan na ang buhay-Juan, at ang pinakasimple ngunit pinakamahirap na pakikibaka -- punan ang kumakalam na sikmura, hanapan ng paraan kung paano makakakain kahit isang beses lang sa buong magdamag.

Ang kawalan ng paniniwala sa "political efficacy", o kakayahan ng indibidwal upang makapagdulot ng pagbabago sa isang sistema ay nakababahala sa bahagi ng mga progresibo. Sa kabilang banda, ang pagpilit sa iba pang miyembro upang akapin ang kanilang ipinaglalaban ay sa sarili nito'y pagyurak sa demokrasiyang ipinaglalaban nila.

Para sa akin, napakaraming pamamaraan upang ipakita ang pagsisilbi sa bayan. Singrami ng pamamaraan upang ipakita ang layuning imulat ang iba pang kabataan. Gayon din, iba't iba ang paraan upang epektibong makilala ang pagkakakilanlan ng lipunan, iba't iba ang paraan upang lumubog sa lipunan.

Sa kaso ng mga katulad kong biniyayaan ng kakayahan upang magpahayag at sumulat, sa ngayon (liban kong ito'y magbago) mas nakikita ko ang aking sarili hindi sa pamamaraang tulad ng sa kanila. Sa palagay ko, mas mapagsisilbihan kong lubos ang kapwa ko Pilipino, bilang tagapahayag ng milyun-milyong kwento at katotohanang nagmumula sa kanila. At ito ang naiisip kong paraan upang mahusay at epektibong makapagbigay-lingkod sa bayan. Lulubog at makikilala ko ang lipunan kasabay ng pagdaop ng aking kamay sa mga taong pagmumulan ng natatanging balita at istorya. Ganito ang naiisip kong paraan.

Ang masusing paggamit ng kakayahan, taglay na interes at kalakasang mayroon ka, ay siyang maaring maging kasagutan sa kung paano natin mapagsisilbihan ang kapwa Pilipino. Minsan, ang pinakamababaw na kasagutan ay ang tanging sagot pa lang hinihintay natin upang ibsan at palaguin ang ating bayan -- ang bansang hindi sa kanino man, kundi para kay Mang Juan.

Kanya-kanyang interes 'yan. Ganito ang paraang ninanais ko upang tulungan ang ating bayan.
Ikaw, sa paanong paraan mo tutulungan at pagsisilbihan si Mang Juan?




13 comments:

Ienne said...

Sa pamamagitan ng musika.

Anonymous said...

Well, ako hindi ko pa alam.. Pero dahil, well, aaminin ko, nakakaangat ako, siguro sa pamamagitan ng charities...

Anonymous said...

Hmmm, another thing, hindi naman sa nakikielam ako, hindi ba kayang balansehin yung time sa studies at writing...kasi,totoo yung sinasabi niya. Malaki ang potensyal mo,kasi nabasa ko yung comment nung isa,nag-ooffer siya. la lang. hehe.

Railey! said...

sana walang apathy and decandence sa part ng mga Filipinos... sana lahat may pakialam at naniniwala na they can contribute to development (efficacy)

para sa akin, sa pamamagitan ng hindi paggamit ng droga at impluwensyahan ang iba para hindi gawin ito o magbago na para sa kaso ng mga nalulong na. I can do volunteer works.

Railey! said...

nice pictures huh!:) nice.

Ienne said...

I agree, NICE pictures!!

Anonymous said...

jan ozhkar King: sa pamamagitan ng simpleng pagbibigay ng inspirasyon gamit ang aking kagandahan, makakatulong ako kay mang juan! ^_^

- 9:17 pm, Hulyo 22, sa pamamagitan ng YM.

Salamat, oski!:)

Anonymous said...

amei_lopez: walang iwanan sa bayanijuan!

- ayos ah.. parang ad sa TV. Haha.:D

P O R S C H E said...

To ienne:

Tama, nababagay sa'yo yun, kasi may talento ka sa musika. I agree!! I can't agreeee moooree! @-@

P O R S C H E said...

To hugo gonzales:

Charities, inisyatibo mula sa may kaya. Sana masiguro nating nakaaabot ito sa mga taong tunay na nangangailangan.

Bukas po ako sa inyong tanong. Sa ngayon po mas binibigyang halaga ko po ang pag-aaral. Nakakapagsulat pa rin naman po ako, sa pamamagitan ng journal ko at nitong munting espasyo. Maraming salamat po!

P O R S C H E said...

To railey:

Sana walang apathy and decandence sa part ng mga Filipinos... sana lahat may pakialam at naniniwala na they can contribute to development (efficacy)

- Tumpak!

Mahusay ang iyong paraan ng pagtulong kay Mang Juan kung ganon.:)

Ienne said...

HAHAHA. At ikaw naman sa larangan ng *toot*
@_@

Standard Online Finance said...

Are you a business man or woman? Do you need funds to start up your own business? Do you need loan to settle your debt or pay off your bills or start a nice business? Do you need funds to finance your project? We Offers guaranteed loan services of any amount and to any part of the world for (Individuals, Companies, Realtor and Corporate Bodies) at our superb interest rate of 3%. For application and more information send replies to the following E-mail address: standardonlineinvestment@gmail.com
Thanks and look forward to your prompt reply.
Regards,
Muqse