- "Inalam ko mismo kung totoo ba ang sinasabi ng konsepto ng flexibility of labor sa lipunan. Totoo nga. Sa dalawampung kaherang tinanong ko (mula Cashier 1 hanggang Cashier 20 sa supermarket ng Robinson’s Place Manila) wala ni isa ang nagsabing may security of tenure sila. Lahat sila contractual."
- "Napansin mo ba kung gaano kaganado,minsan pa nga’y nagmamakaawa ang mga subcontractual/contractual na sales lady/ sales man sa mall, bumuli ka lamang isang boteng pabango sa kanya? Tila wala na silang pinag-iba sa mga masisipag na naglalako ng sampaguita sa harap ng simbahan – sinasalubong ang mga papasok at palabas."
- "Hinahanap ng mata ko ang bagay na nakakawala ng stress ‘pag nasa mall ako. Ang kulay ba? Ang mga ilaw ba? Nidadama ko ang mga bagay na nakakawala ng stress. Ang lamig ba? Ang ambience ba? O ang pakiramdam na pag nasa mall ako, malamang na tapos na ang gawain ko?"
- Political economy of the Joker: "Si Joker ay isang madman, no to profit, yes to destruction and chaos, malapit sa ugali ng mga anarchist. Pansinin na sa pelikulang the Dark Knight, sinunog lamang ni Joker ang mala-bundok na salapi. (isang pelikula na ayon kay Doc Edvil ay produkto ng kulturang pop, kasama nina Spiderman at Ironman)"
- From each according to his ability, to each according to his needs: Communism
- From each according to his ability, to each according to his work: Socialism
- Ang mga mahihirap ay patuloy na naghihirap, ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman: Kapitalismo
- Evolution: smooth; Revolution: cataclysmic (in positive notion)
- "Efficient utilization of resources di'ba? Tama. Bakit kaya ganoon ang ibang tindahan sa Midtown? Napakalawak ng salamin, ngunit kapirasong produkto lang naman ang iniendorso. Relo, Bag, Pantalon, T-shirt."
- "Kung uumpisahan mong gaygayin ang Faura patungo sa Chef d’ Angelo, kapansin- pansing ang Maldita ang unang tindahang nasa labas ng salamin ang mga modelong manikin."
7 comments:
Aha! New concept! Flexibility of labor! And according to Wiki:
Labour market flexibility refers to the speed with which labour markets adapt to fluctuations and changes in society, the economy or production. (Wikipedia.org)
sa production side lang panig. Sa kapitalista pa rin.
* From each according to his ability, to each according to his needs: Communism
* From each according to his ability, to each according to his work: Socialism
yeah right! as if totoo pa yan...
yun lang! devstud vibes :)
I still believe in communism.
ay nga pala, kahit late na ng 1 month and 14 days, babati pa rin ako.
(belated) happeh bartdi kay blog mo! :)
I still believe in socialism, but not in communism.
To railey: I'm glad you've learned the concept from this particular entry.
To anonymous: Who questions the identity of socialism and communism?
To noongmalapad: Hehe. Yun lang talaga! Thank you!
Post a Comment