Saturday, September 13, 2008

Pieces

  • Sa panahong ito, kung saan marami at iba't iba ang paraan upang maitawid ang pahayag, mensahe, katha, maging ang ekstensyon ng lecture at mismong politikal na edukasyon sa pamamagitan ng channels at iba pang midyum tulad ng blog -- lahat ay maaari nang maging journalists. At, dahil iba-iba rin ang estilo sa pagsusulat, magkakatalo na lamang sa kung ano ang mga nararapat isulat (convergent journalism).
  • Electronic na (gamit ang USB at iba pang computer device) ang paraan upang makakuha ng impormasyon sa City Hall. ARTICLE III SECTION 7, PHILIPPINE CONSTITUTION: The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents, and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law. May isang pagkakataong nangailangan kami ng local development planning at socio economic profile ng munisipalidad / lungsod kung saan kami kabilang. Sa Manila City Hall, walang bayad. Samantalang sa Cavite, P55.00. Bakit kaya? Kung wala akong P55.00, hindi ko pala abot-kamay ang pampublikong impormasyon.
  • Mula sa dalawang mamamahayag (sa magkaibang panahon at kondisyon):
    • Benigno "Ninoy" Aquino: "The Filipino is worth dying for."
    • Ces OreƱa- Drilon: "No story is worth a journalist's life."

6 comments:

Anonymous said...

Correction, Php 110.00 ung bayad tas 50% discounted na daw un kasi student. Ayun.

Railey! said...

sa cavite? sa mandaluyong nangailangan ako, wala ring bayad. aba grabe ah.. revilla clan?? ano yan??

kahit pa mag 50.00 yan.. mahal pa din.

Anonymous said...

Sa palagay ko, magkaiba ang tunguhin ng 2 quotes na nilagay mo. pero, sa bagay.. filipino rin naman ang pinagsisilbhan ng mga journalists (ces drilon).

sa magkaibang kondisyon nga.

Anonymous said...

Aba.. grabe lang ah! dapat yan walang bayad!

ultimate violation of the fundamental law of the land! TSK.

Anonymous said...

GO Ces! true journalist!

P O R S C H E said...

To anonymous:
I stand to be corrected. Salamat po.

TO railey:
I agree. Dapat walang bayad. kasi, access to public information yan. Kung meron man, the public has the right to inform, where these payments will go.

To hydee lopez:
That's why i indicated there "sa iba't ibang posisyon at kondisyon"