Wednesday, October 29, 2008

Kastilyong Buhangin

  • "Ang pag-apak sa puting buhangin ng Gale ang iisang bagay na nagbibigkis sa mga elementong matutunghayan dito. Sa dami ng taong umaapak, kasabay ng paglubog at pagbakat ng mga paa – naiiba ang karaniwang ayos ng buhanging sahig at nagmimistulang iginuhit na disyerto o ginusot na istilo ng damit ang kabuuang landscape."
  • "Quantitave vs. Qualitative. May mga katutubo kayang nadisloka kapalit ng pagpupunayagi ng turismo sa Puerto Galera, Oriental Mindoro? Kung meron, saan na sila naroroon o saan kaya sila naipangakong ililipat? Nasususugan naman kaya ng kasalukayan nilang tirahan ang kanilang pangangailangan at nakalakhang pamumuhay? Masaya kaya sila?"
  • "National Happiness. Hindi mawawala ang halakhakan ng mga grupo ng barkada at siyempre pa ang PDA (Public Display of Affection) ng mga magsing-irog na karaniwan ay galing sa lungsod -- nagnanais na pansamantalang takasan ang masalimuot na tagpong hatid ng kalunusuran."
  • "Sa lugar na ito, ilang pangako na rin kaya ang naisakatuparan? Ilan ang nabigo?"
  • "Marahil, tama ang liriko, na ang isang pangako ay maihahambing sa isang kastilyong buhangin – guguho sa ihip ng hangin, guguho sa maling alon ng damdamin..."
  • "Bakit kailangang may kalapitan sa tubig ang pagbuo ng kastilyong buhangin? Hindi ba’t upang mapanatili ang pagiging buo ng mga pinung-pinong mga partikulo nito? Kailangan ang bahagya o sapat na tubig sa pagmolde nito – sapat lamang at hindi sobra."
  • "Kung ang pagbuo ng mga kastilyo ay maihahalintulad sa pagbuo ng relasyon, isang imahe lamang ito na may pangangailangan pa rin sa iba't ibang salik na makapagpapatibay sa isang relasyon kahit na ang ilan ay mula sa kasalungat (kaaway, nanunulot, at iba pang obstacles ika nga...)"
  • Sa kaso ng kastliyong buhagin, ang tubig-alat at ang hampas nito ang gumaganap bilang mortal nitong kaaway.

7 comments:

Railey! said...

Kailangan ng mga kaaway sa buhay para may thrill!!!

Anonymous said...

Yes, this post reminds me of my parents..one of their most admired songs ever! It starts like.."minsan ang isang pangako'y maihahambing sa isang kastilyong buhangin...bla bla"

right?

Anonymous said...

Yes! I know how to sing this! haha. it's an classic ballad OPM standard. ANthony Castelo if I'm not mistaken! to spice up a relationship these things are needed, however, dapat adequate lang.. lahat namn ng sobra, nakaksakal.

Anonymous said...

* a classic

nano said...

"May mga katutubo kayang nadisloka kapalit ng pagpupunayagi ng turismo sa Puerto Galera, Oriental Mindoro? Kung meron, saan na sila naroroon o saan kaya sila naipangakong ililipat? Nasususugan naman kaya ng kasalukayan nilang tirahan ang kanilang pangangailangan at nakalakhang pamumuhay? Masaya kaya sila?"

Sa kasalukuyan, mga dayuhan ang karamihang nagmamay-ari ng pangunahing kalakalan sa Puerto Galera. Sa pagkapal ng mga pribadong pook aliwan sa baybayin ng lugar, malaki ang porsyento ng mga nadislokang katutubo ng lugar. Hindi ako sigurado pero marahil at malamang, mga Mangyan ang karamihan sa mga ito. Tulad ng karaniwang nangyayari, nasa kabundukan na sila ng Puerto Galera at paanan ng Mt.Halcon sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro. Ayon sa ilang mga ulat sa telebistyon, pahayagan at sa sariling pagmamatyag at karanasan, kapos sila sa pangunahing serbisyo tulad sa kalusugan at tamang edukasyon. Halos buwanan lang ang pagdalaw ng mga manggagamot sa kanilang pamayanan at kadalasang sa mga pribadong pagamutan na lang sila dumudulog sa paniniwalang hindi sila naman binibigyann at bibigyan ng sapat na pansin ng lokal na pamahalaan. Kakaunti ang mga guro, kulang ang mga gamit sa pag-aaral at hindi rin sapat ang mga silid-aralan. Halos 3 oras ang nilalakbay ng mga katutubong mag-aaral para lamang makapasok sa malayo nilang paaralan. Kung makadadalaw sa bayan ng Puerto Galera lalo na kapag nalalapit na ang kapaskuhan, gaya sa pinagmulan kong bayan ng Socorro, nagmimistulang mga pulubi at palaboy ng lugar silang mga Mangyan--nanglilimos ng mga barya at mga pagkain. Nakakaawa sila. Siguro, sa usapin ng buhangin...sila ang kastilyong buhangin na lubhang nabasa ng tubig-alat, naanod na ng alon at tuluyan nang nilamon ng makamundong karagatan ng pagnanasa sa kayaman at pansariling interes ng iilan. Hindi sila masaya sa kinalalagyan nila ngayon.

P O R S C H E said...

Marami akong natutunan sa komentong ito... Maraming Salamat!:D

P O R S C H E said...

To hydee lopez:

yes, you're right!:D
...sakdal rupok at huwag di masaling, guguho sa ihip ng hangin...(and so on...)

To hugo:

Hindi ako sigurado kung anthony castelo classic ito. as to your description, classic ballad OPM standard, i agree.