Thursday, November 06, 2008

Emo Ka? :(

Isang malaking isketch ng pagkatao ang emo o ang pagiging emo. Binigyan ng lipunan ng isang katangi tanging binyag ang salitang emo, katulad na lamang ng deskripsyong karaniwang tumatakbo sa isipan mo at ng bawat tao. Kulay itim. Mahabang bangs. Scarf. Ga-uling na eyeliner. Atbp..

Sa daigdig ng kulturang pop, isang isyu ang pagiging emo. Isang likha ng isip upang pausuhin. Isang larawan upang may ipagaya muling istilo partikular na sa kabataan. Sa pananamit at moda, ang emo ay nagkaroon na ng sarili nitong anyo babae man o lalaki. Sa midya at iba pang daluyan, isinisingit ang konsepto ng emo sa mga friendster URL's, blog templates at iba pang disenyong makapagsasabing "siya" o "ako" ay emo. Sa wikang pop, naging isang pang-uri na nagkaroon ng ilang variations, depende kung sino ang sinasabihan at paano niya ito tinatanggap.

Maging sa agham, hindi nagpapiglas ang emo at kumapit sa ilang konsepto upang mabigyang katuturan ang pagkakaroon nito, at ang pananatili nito -- partikular na sa psychology's environmnetal nurturing. Bunga nito, may dahilan na kung bakit ang isang tao ay emo. At ang itinuturong dahilan? Hindi lamang ang pagpasok ng kulturang pop ng Kanluran, kundi ang epekto ng kapaligiran sa isang personalidad -- kung gaano ito katatag upang hindi maapektuhan, kung gaano ito karupok upang agad na lingapin ang sinasabing iskriptura ng emo.

Hinahanapan ko ng konkretong depinisyon ang emo sapagkat nagbago na nga ang perspektibong ito sa kasalukuyang panahon. Sapagkat kakaiba na ang konsepto nito, mas minabuti kong hindi gamitin ang diksyunaryo ni Collier at Oxford. Ang mga sumusunod ay mula sa Urban Dictionary* at ang bawat kahulugan ay mula mismo sa mga grupo ng mga taong sinasabing emo sila:
  • Genre of softcore punk music that integrates unenthusiastic melodramatic 17 year olds who dont smile, high pitched overwrought lyrics and inaudible guitar rifts with tight wool sweaters, tighter jeans, itchy scarfs (even in the summer), ripped chucks with favorite bands signature, black square rimmed glasses, and ebony greasy unwashed hair that is required to cover at least 3/5 ths of the face at an angle.
  • An entire subculture of people (usually angsty teens) with a fake personality. The concept of Emo is actually a vicious cycle that never ends, to the utter failing of humanity...
  • Emo guy is just too much of a pussy. His penis is too small, he's too depressed to bathe, and has more mood swings than emo chick, and he doesn't even have a menstrual cycle. Emo chick dumps him, saying "It's not you, it's me."
  • Often acoustic guitar with soft, high male vocals that dwell excessively on the singer's feelings, especially melancholy remembrances of past relationships/mistakes in life. A form of music that diverged from punk in the '80s, the name "emo" is derived from the emotive style of the lyrics and music.
  • "Emo" is not short for "Emotional." "Emo" does not mean Taking Back Sunday and Dashboard Confessional, despite what MTV has lead you to believe in the last few years. "Emo" is not sidebangs, tight pants, and male vocalists who sing like little girls about their failed relationships. "Emo" is not the use of diluted, meaningless metaphors and similes such as "My arms are like pinecones," and most definitely is not the rampant use of words such as "autumn," "heart," "knife," "bleeding," "leaves," and "razorblade."
Ano nga ba ang kahulugan nito? May nararapat bang kahulugan para rito?
Sa ganitong paraan na tayo maaring nauto ng kasalukuyang kapitalismo. Kahit sa simpleng pagbibigay kahulugan ng isang salita. Sila sila mismo ang nagkakagulo sa pagbabandila ng depinisyon nito.

Isyu nga ba ito? Para sa naghahangad ng pagbabago, OO, sapagkat binabago nito ang paraan ng pag-iisip ng ilang kabataang kababaihan at kalalakihan. Binabago nito ang takbo ng isipan patungo sa pagiging mababaw. Binabago ang ayos ng kabataang Pilipino maging sa istilo ng pananamit.

Kabataan bilang pag-asa ng bayan.
Paano nga ba ito maisasakatuparan kung emo sa lahat ng bagay?
Edukasyon at pagkakaroon ng panlipunang kamalayan pa rin ang mga natatanging kasagutan upang hindi masupil ng kapitalismo ang isipan ng kapwa kabataan bilang elemento ng pagbabago at maiwaksi nito ang hangad na pabagsakin ang pamantayang moral ng bawat mamamayan.

*isang internet portal na malayang nagbibigay puwang sa iba't ibang tao para sa kanilang depinisyon sa isang salita

9 comments:

nano said...

Sa kasalukuyan, napakarami na talagang mga salitang walang eksaktong kahulugan (at kadalasa'y wala ring kabuluhan). Malamang, produkto ang mga ito, tulad ng EMO, ng kulturang pilit na pumapangibabaw at lumalamon sa katutubo at mayamang kultura ng ating lipunan. Tama ka, mababaw.

"Isyu nga ba ito (ang pagiging emo)?" Sang-ayon ako sayo poy,Oo!
Sapagkat maraming napakahalagang salik, gaya ng ilan mong nabanggit, ang napakaloob at naaaimpluwensyahan ng paggamit at ng usapin mismong ito.

Ayon nga pala sa isang statement shirt ng isang di ko kilalang tao na nakasalubong ko sa di ko na matandaang lugar ilang buwan na rin ang nakararaan, ang EMO daw ay acronym sa lupon ng mga salitang:
E-Emotionally
M-Motivated
O-Output

Ewan ko lang kung tama ito pero para sa akin ito na ang pinakakatanggap-tanggap sa lahat ng nakita at nalaman kong pagpapakahulugan. Siguro, masyado lang nagamit at nakahon ang salitang emo bilang isang salitang
tumutukoy sa mga "punks not dead" na tao (haha), sa mga parang namatayan dahil sa suot nilang kulay itim mula ulo mukhang paa este hanggang paa pala, at sa mga tila nawawala sa sarili at katinuan sa paraan ng kanilang pagkilos, pag-iisip at pakikitungo sa lipunan. Masyado lang napatingkad ng husto ang pagiging emo(emotional) ng mga taong ito. Para sa akin, gamit ang pagpapakahulugang sa salitang EMO, wala namang masama kung emo ka man o hindi sapagkat lahat naman ng tao ay emo. Karamihan naman ng ginagawa,lalo na ng nararamdaman, iniisip at paraan ng pakikitungo natin sa mga bagay bagay ay Emotionally Motivated, diba? Ang kahamihan sa mga ito ay Emotionally Motivated Output. Ang pagkakaiba nga lang ay ang paraan at/o antas ng pagsasakatuparan ng mga ito. Ganun pa man, kung maraming bagay na ang naaapektuhan, kung maraming mas mahalagang bagay na ang nakaliligtaan at kung lubha nang nakasasama ang pagiging emo sa lipunan..ahh, ibang usapan na yan!haha.

Huhulaan ko ang pinaghugutan mo ng akdang ito, sa bangs mo noh?haha..biro lang!

Railey! said...

I must say that this is again a well discussed and well researched entry.

Kaya naman nagiging emo ang iba, dahil nais lang gumaya. Marami pang dapat iconsider.. like peer pressure, kung ang barkada mo ganun, at bago ka lang.. ang tendency gumaya ka para masabing "in" - KAHIT HINDI MO NAMAN NALALAMAN KUNG ANU YUN. Guilty ako dito, pero hindi sa isyu ng emo. hehe.

Nice one!

Anonymous said...

Yung pagiging emo? Lahat naman tayo may kanya kanyang emo moments.. kaya lang kasi ang kaibhan nila.. masyadong saturated. hanggang sa khuli hulihang strand ng pagkatao nila emo.

Anonymous said...

Emo ako.
Emo siya.
Emo tayong lahat!

EMo tayo, in one way or the other.
The point is, gaano ka emo?

P O R S C H E said...

To Nano:
Isyu nga!:D

Haha. sa bangs nga siguro! haha. hindi naman ako emo, bagsak lang talaga ang buhok ko. hahahaha.

ikaw nga hindi man emo sa labas, imong emo naman sa loob! ayee! haha.

As to the definition, E-Emotionally
M-Motivated
O-Output

Nice point.

P O R S C H E said...

Thanks railey.

Hydee, maybe you're right.. masyado silang saturated the way they interpret emotions. if that's what you call it. hehe.

To hugo:

yung mga sobrang emo.. emong emong emong emong emo na.. PAtola. hehe.

Anonymous said...

haha..nice topic, emo..napapalibutan na tayo ng mga emo!!!!waaa...magtatayo na sila ng emperyo..nyahaha..joke lang,piz

well, sabi nga nung mga nagcomment, lahat naman tayo may kanyakanya sigurong ka emo-han..pero para sa kin ang nakakainis at di ko matanggap na aspeto ng ka'emo'han ay yung to the point the na naglalaslas sila...

yung suicide malalim na bagay yan, maraming nagpapakamatay dahil sa MATINDING depression,..MATINDI..hindi lang dahil di sila sinagot ng isang tao, o hiniwalayan ng syota, o napagalitan ng nanay, o dahil USO, o dahil magandang fashion statement, o dahil trip trip lang...

napakahalaga ng buhay.. araw-araw maraming namamatay sa cancer, sa panganganak, sa aksidente..sana di to sinasayang ng kabataan ngayon...isipin natin ang mga pamilya at magulang natin..


haha.,.dami kong sinabi..xenxa, ngayon na lang ulet..hihi..brr

P O R S C H E said...

to fionski:

Emperyo ng Emo? At imperyalismo ng mga Emo? Hmmmm.. Pwede!!! Hehehe.

I agree. Pag suicide, ay ibang usapan na yan! Nagpapalamon ko na sa ibang klase ng katauhan.. Mali na.

"napakahalaga ng buhay.. araw-araw maraming namamatay sa cancer, sa panganganak, sa aksidente..sana di to sinasayang ng kabataan ngayon...isipin natin ang mga pamilya at magulang natin."

Brr..Magaling, sang-ayon ako:D

Anonymous said...

BRRR..tama!pde na slang magtayo ng imperyo..baka sakupin na nila tyo..yikes.,.