Tuesday, December 30, 2008

Duda

*Mula sa isang "bulag" na nagpakilala at nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaibigan


Iba ang kalakaran kapag sa magulang nanggaling ang puna. Iba 'pag sila na ang nagsabi.
'Pag kapatid, tiya, tiyo, lolo, lola at iba. Gayundin, iba ang kalakaran 'pag sinabi ng KAIBIGAN. Ibang istorya na kumbaga. Iba na ang pinaghuhugutan. Kaibigan, kung kaibigan nga talaga.

Kailan mo ba malalaman kung konstruktibo o hindi ang isang kritisismo?
Kailan mo ba malalaman kung ang adhikain nito ay upang punahin ka at tulungang baguhin ang mga negatibong ito? Kailan mo malalaman kung ang kritisismo ay isang paraan na upang lalo kang ilubog at pababain ang kumpyansa sa sarili? Constructive? Deconstructive?
Kaibigan, kung kaibigan nga talaga.

Kailan mo nga ba malalaman? Depende sa kung sino ang nagsasalita? Subalit, kung gayon naman paano mo malalaman kung sino ang dapat na magsabi? Sino ang karapat-dapat magsabi at sino ang walang karapatan?

Bukod sa magulang, kapatid at iba pang nakakakilala sa'yo, may mga kaibigan ka. Paano mo masisigurong kaibigan din ang turing nila sa'yo? Kung tunay man ang pagkakaibigan, wala bang puwang sa siraan? Paano nga ba masusukat ang pagkakaibigan?

Konstruktibo at hindi.
Kaibigang tunay. Kaibigang huwad (?)

Minsan, kung sino pa ang bulag, siya pa ang mas maraming nakikita.

5 comments:

xchastine said...

sino ang bulag?

depende nga ata sa perspektiba ng tao (kaya iba-iba) at sa mismong feeling nung tao. nafifeel un e, diba? :)

xchastine said...

ang labo ng comment ko, patawad. siguro, half-blind ako. :D

masayang 2009!

Anonymous said...

Minsan kung sino pa ang pipi siya pa ang may mas maganda pang masasabi.

Anonymous said...

ganun rin ang bingi. mas maraming naririnig. bakit kaya ganun?? iba talaga ang nagbibingi-bingihan sa bingi.. (sa pipi, sa bulag)


HAPPY NEW YEAR!!!

P O R S C H E said...

To noongmalapad:

Maaaring ako..si kuya sa kanto.. haha.. malabo lang mata ko,pero di ako bulag. haha. pero, guilty, minsan nagbubuglagbulagan. haha.

masayang 2009 din sa iyo!:D

To hydee lopez:
tama ka jan! Happy new year Hydee! Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa.:D

To hugo:
Sa iyo rin.. Happy new year!:D