Yfur P. Fernandez
Makati, RP -- "CHACHA ni Gloria, Ibasura! CHACHA ni Gloria, Pahirap sa Masa!"-- ito ang nagkakaisang boses ng libong nagsipagdalo sa ginanap na malawakang kilos-protesta sa kahabaan ng Ayala at Paseo de Roxas, Biyernes, Disyembre 12. Ito ay dinaluhan ng mga grupong pulitikal, mass-based organizations, civil society groups, kinatawan ng iba't ibang sektor, pulitiko at iba pang indibidwal sa gitna ng patuloy na pag-igting ng pagkilos laban sa nakaambang Charter Change (pag-amyenda sa 1987 Constitution) ng kasalukuyang administrasyon.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Makati ang pagtatayo ng entablado kasabay ng paghahanda sa rutang daraanan ng mga raliyista. Dumalo sina Dating Pangulong Joseph Estrada, Senador Rodolfo Biazon, Mar Roxas, Franklin Drilon at Manny Villar at mga kongresista kabilang sina Satur Ocampo at Teodoro Casino (Bayan Muna), Luzviminda Ilagan at Liza Maza (Gabriela) at Rafael Mariano (Anakpawis). Dumalo rin ang Whistleblowers' Association of the Philippines sa pamumuno si Sandra Cam. Naroon din si NBN-ZTE star witness Jun Lozada Jr at ibang dating opisyal na binansagang Hyatt 10. Dumalo rin ang iba pang pang grupo kabilang ang Concerned Citizen Movement, Karatula, Courage, Anakbayan, Nacionalista Party, Bangon Pilipinas, National Union of People's Lawyers at iba pang mass-oriented groups. Aktibo ring nakilahok ang mga miyembro ng akademya.
Namataan rin sa pagtitipon ang ilang personalidad tulad ni Armida Sigueon-Reyna na nag-alay ng isang dramatikong tula sa panulat ni Amado V. Hernandez. Sinundan ito ng isang kultural na pagtatanghal mula kay Danny Fabilio at grupong Anakbayan- Iligan. Kabilang sa palatuntunan si Juana Change na gumamit ng komiko upang ipahayag ang mga posibleng epekto ng ChaCha. Nagbigay ng kani-kanilang talumpati sina Carol Araullo at Zenaida Soriano na pinalakpakan ng madla nang sambitin ang mga katagang "Anong klaseng ina ka Gloria Arroyo?." Binigyan naman ng pagkakataon ang lahat ng pulitikong dumalo sa pagtitipon upang makapagbigay ng kani-kanilang mensahe, kabilang na ang pinuno ng lungsod, Jejomar Binay na binansagang "Obama" ni Rez Cortez na siyang tagapagdaloy ng programa.
Nagsimulang kumapal ang bilang ng mga tao dakong alas-kwatro ng hapon sa kahabaan ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas. Tulad ng inaasahan, nagsanib pwersa ang lokal na distrito ng Philippine National Police upang gwardiyahan ang mga raliyista. Kumpleto ang media organizations kabilang ang ABS-CBN2, GMA7, TV5, RPN9, IBC13 at iba pang mamamahayag mula sa print media.
Sa kabuuan, sinasabing matagumpay ang pagdaraos ng malawakang kilos-protesta bagaman may pagtingin na ito umano ay isang paborableng pagkakataon para sa mga pulitikong nag-aasam sa pagkapangulo sa 2010; lahat halos ay kilalang maka-oposisyon. Ayon kay Prof. John N. Ponsaran, "The greatest strength of Gloria/administration is the weakness (disunity) of the opposition." -- News Story December 12, 2008.

7 comments:
Yes it is. Gloria's Charter Change is just one of the many tactics for one obvious reason only - to extend her term! The Filipino people make a stand, and that is to stand against it. Or if the other way, not at this time.
- anne17
The professor sums it all! I agree with him.
You did a very well phrased Filipino news lead.
Well, kahit saang anggulo mo naman tingnan! halatang halata naman! Masyadong attached si GLoria sa kapangyarihan!!!
Nandito rin ako. hehe.
hi porsche :) im sorry about this but I was hoping on catching you in a good mood and ask for an exchange of links :) whatever your response im thankful :)
Rocky,inform me what portal? thanks for visiting my blog! keep coming back!
Post a Comment