Sunday, December 07, 2008

Vacant

Sa unang bahagi ng oras, pinilit kong ubusin agad ang bawat kalahati ng minuto -- pagliyabin ito upang bumilis ang takbo. Marahil, minsan mas gusto mong mabagal na lang sana ang oras, lalo na pag eksam o kaya naman kung bakasyon. Sana'y mabilis naman kung nakasalang ka sa recitation o gisa ng prof.

Pinag-iibayo ko ang pang-aaliw sa aking sarili.

Limang minuto na rin ang lumipas at narating ko na ang mall. Pinababayaan ko lang mawaglit ang oras. Hinahayaan kong maging katulad ng tubig na umaapaw sa balde. Naaksaya at hawakan ito sa pinakamaluwag na paraan.

Dalawpung minuto na ang lumipas at naikot ko na halos ang buong ground floor ng mall. Mabuti na lamang at nakita ko ang isang garage sale ng libro at doon tumunghay ng mga prospektibong aklat na hindi ko nakikita sa silid aklatan ng pamantasan. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang umabot na sa ikaapat na istol ng libro, inunat ko nang muli ang tuhod ko.

Hindi pa rin abot sa tantiya kong oras. Marami pa ang nalalabing panahon. Pumunta na lang ako sa isang CD store upang alamin kung magkano na nga ba ang isang CD ng Caregiver na nakatakada kong ipadala sa aking ina sa labas ng bansa. Nakakareleyt ba. Sinabayan ko na rin ng pagtingin tingin sa mga posibleng regalo pamasko.

Hanggang, maya maya pa'y inabot na nga ng pitumpu't limang porsyento ang nakonsumo kong oras. Mabuti at patuloy akong inaaliw ng kung anong uri ng gayuma meron ang mall. Sa puntong ito, sa mga 50% sale na damit at pantalon linihis ang paningin.

Aktong nararapat nang bumalik sa eskwelahan, para sa natitirang sampung minuto. Pabalik ang ruta mula sa Pedro Gil patungong Faura. Tsaka ko lamang napagtanto, sadya bang ganito ang kontradiksyon sa ilang aspeto katulad na lamang ng oras at panahon?

Mababatid,

Mahirap din pa lang ubusin, kung "nakatiwangwang" lang ang isang oras.
Kulang naman kung marami ka pang dapat gawin.
Kay bilis, sa mga pagkakataong hinihiling mong sana'y mabagal na lang.
Kay bagal naman, sa mga pagkakataong sana'y mabilis na lang...
.......................................
........................
...............
.......
..
.
Sa wakas, natapos rin ang vacant.

7 comments:

Anonymous said...

follower na ako ng blog mo. :D
ayan. taga-UP Manila ka pala, taga UPLB ako.
Development Studies ka.
Development Communication ako.


Salamat sa pagbisita sa aking site.

Anonymous said...

inilagay na rin pala kita sa blogroll ko. :D

thanks!

P O R S C H E said...

Hello!
Wow! Development tayo pareho. hehe.. studies nga lang sa akin sa'yo communication. e di mahilig ka ring sumulat?

maraming salamat. :D

Anonymous said...

korek!

Anonymous said...

I want to see more of your works! Very nice! Have just visited your blog.

- anne

Anonymous said...

yes yes. i agree. diba kung sa oras, parang mas mabilis sa umaga kaysa gabi...

P O R S C H E said...

To anne: Maraming Salamat, dalaw ka ulet :)