Pala-palagay.
Kung kanino ang may pinakamatingkad, magarbo o maluho,
marahil, sa aspeto ng materyal na kondisyon, nakaaangat ka nga sa lipunan.
Kung iisipin mas marami pang mas mahahalagang bagay ang nanaising bilhin ng iba,
kaysa sa mga palamuting hindi naman nakakain.
Binubusog ng nagtitingkarang ilaw, christmas ball, ribbon, bulaklak
at minsan pa nga'y mga stuff toy o kahit anong maisipang gayahin sa Kanluran!
Kung kanino ang may mas mataas, mas bongga kung tawagin nila,
marahil, nakaaangat ka nga sa lipunan.
May anghel o tala sa tuktok,
pinalilibutan ng hugis dambanang kolorete,
pinalilibutan ng pulang hugis medyas
at minsan, may thematic element pa!
Motif para sa iilan.
Kulay ng Pasko para sa nakararami.
Sa pagdaan ng ilang Pasko, hindi ko maiwasang maitanong:
Bakit kaya hugis tatsulok ang Christmas Tree?
Simbolo nga ba ng Pasko? O sagisag ng katayuan sa lipunan?
Simbolo pa nga ba ng Pasko o simbolo na ng hindi pagkapantay-pantay?
Hindi nga masusukat ang diwa ng Pasko sa ganitong paraan.
Ngunit hindi maitatanggi ang pagkakaiba sa eksposison ng dalawang magkatunggaling uri.
Habang para sa nakararami'y maganda na ang mula sa Dibisorya,
Sa Rustans, sa SM, sa Rob -- dito lang ang tanging bilihan ng iilan.
Sa mga ganitong pagkakataon, may mas maliwanag na mensahe o larawan na nais ipabatid ang pagkakatayo ng Christmas tree, higit sa rikit nito.
Pataasan. Pamahalan.Parikitan.
Pagaraan ng Christmas Tree --
Palawakan ng Pagtitingkad.
Pa'no kaya kung pabaligtad?
(Google Image)
8 comments:
So, baligtarin ang tatsulok! haha. nice connection huh.
Oo nga no. Tama tama. siyempre nga naman kung kanino yung mas maganda at mahal na ginamit.. probably nakakaangat nga sa lipunan.. kasi kung mahirap ako.. di ko pag-aaksayahn ng panahon yan.. mas maraming bagay ang mas importante isa na dun ang pagkain! oo, hindi dapat masukat sa ganyan ang Pasko.. pero pumapasok ang katotohanang ipinapakita ng Christmas tree e. e hindi naman dapt ipagsawalang bahala ito. magaling!
may thematic element pa!
Motif para sa iilan.
Kulay ng Pasko para sa nakararami.
yes yes. right! me too.. i live in orlando and people are saying kulay ng pasko which is the same thing as kulay ng pasko. i can understand filipino though! i love your blog.. very very unique and interesting
Ang pagtatyo ng christmas tree dati okay lang.bilang bahagi ng Pasko.parang tradisyon.pero, ngayon.OO maaring mababaw sa tingin ng iba, pero naging status symbol na nga.
mas maganda nga ang christmas tree kung pabaligtad. :)
Pataasan. Pamahalan.Parikitan.
Pagaraan ng Christmas Tree --
Palawakan ng Pagtitingkad.
tatsulok at pagbaligtad.
magaling. brrrr.
To hugo:
Haha. Socialism.
To hydee:
Ang punto ko rito, kahit sa mga bagay na ito (na sa palagay ko ay hindi simple) kasi kung gipit ka, hindi ka na mag-aaksaya ng panahon para magtayo ng Christmas tree, mas marami pang dapat asikasuhin. Alangang may Chrsitmas tree ka, pero wala kang pangkain, hindi ba?
May tama ka diyan!:D
To anna:
Hi! Welcome to my blog. Visit again, thank you very much...
To Railey:
May tama ka rin diyan!:D
To noongmalapad:
Wow, tunog Tibak? hahaha.
To anonymous:
Kilala kita.. haha.. kasi may brrrr ka e.. haha. salamat,,brrrr.
Post a Comment