Sa ilang tiyak na pagkakataon, hindi natin inaasahang maisasalba tayo ng mga insentibo -- kabilang dito ang mga bagay na magpapakapit sa iisang daliring natirang nakakapit. Kung sa balyahan ng maraming katulad mong alanganin, nasusubok ang tatag ng pagkakapit. Hindi biro ang sumugal ng swerte sa kasalukuyan. Hindi madali -- parang lahat ay handang makipagbunong-braso para sa kapalit na ginhawa. Ang dating madaling gawin, ngayon ay kabilang na rin sa hamong dapat harapin.
Sa dayalekto ng lipunan maaring mahinhuha ang kasagutan -- ang hindi pag-asa sa swerte at ang pagsusumikap na maabot ang tagumpay. Sa napakaraming pagkakataon, bahagi ng buhay-hayskul at kolehiyo ang insetibo. Rasyunal para sa kapwa estudyane ang makakuha ng insentibo. Ang karagdagang tatlumpung puntos sa isang pagsusulit. Dagdag puntos. Panalba. Ngunit sa piling pagkakataon, hindi rin maiiwasang mapaisip, kung bakit kinakailangan pang magtamasa ng insentibo ang ilang elementong hindi na karapat-dapat para rito -- partikular sa mga taong mataas na ang kinalalagyan at patuloy na pinapaboran ng sistemang hinukot ng katiwalian.
Paano pa ba dapat bigyang kahulugan ang insentibo,
kung sila lamang nakararanas nito?
kung sila lamang nakararanas nito?
Sa buwang ito, muling minamarkahan ng maraming tahanan ang kani-kanilang kalendaryo. Marso, ang hudyat ng isa sa pinakaprestihiyosong pagtitipon ng pamilya -- ang gradweysyon ni Kuya at Ate. Pinaghahandaan, kahit na magkautang-utang. Maaring basag kundi man lutang pa sa mga panahong ito ang isipan ng ilang magsisipagtapos dahil mas abala sa paghahanda ng araw nila. Sa lipunang hindi pantay ang oportunidad, saan nga ba sila dadalhin ng kanilang mga pangarap? Silang kung ituri'y bagong salta sa mukha ng totoong buhay?
Iba na ang usapin kapag nakalaya na sa apat na sulok ng paaralan. Iba na ang usapin sa panahong napagtagumpayan nang sungkitin ang inaasam na diploma. Ang papel na ito ang magsisilbing tiket sa mas mapangsubok na biyahe, at katulad ng pagsakay sa bus o dyip, kani-kaniya ang paraan upang mapangibabawan ang napakaraming kumakalabang pwersa. Iba na rin ang mga entidad na makakasalamuha -- kung sa tingin mo'y magaling ka na, maaring sa kanila'y isa kang malaking basura. Saan mo kakapain ang seguridad upang manatili? Kumpiyansa sa sarili? Maging malapit sa mga nakikinabang sa mas malawak na gantimpala o patuloy na manindigan kahit ginigipit na ng materyal na kondisyon?
Ang katotohanang ito ay hindi lamang ikinakahon sa buhay ng kabataan. Laganap ang sirkumstansyang ito sa iba pang sektor ng lipunan -- sa kaguruan/edukasyon, sa trabaho/paggawa, sa mga may isinusulong na adbokasiya at iba pang masasaklaw na sektor. Sapagkat, nahirati tayo sa insentibong kumakatawan sa mga "bonus", "add-ons", "additional" at iba pang sumasagisag sa mga suplementaryong kapakinabangan, nagiging materyal at nabibilang ang pagtingin natin sa mga insentibo.
Lulan nito, patuloy na nababago ang paglingap sa mga insentibo. Nawalan na ng saysay ang mga bagay na dati'y pareho ang palagay. Ang pinakamagarang mapapasukan ang siyang itinuturing na insentibo. At, nakalimutan nang kilalanin na ang makapagtapos ay isang dakilang uri nito.

6 comments:
Very good! Very very good kuya! ang galing nito, parang iskrip!
mas maganda ang template mo ngayon!
i'll continue reading and promote this to my blockmates. galing talaga! taga-roxas yata yan! hahaha.
- napadaan, franz
winner! d problem with incentives is that it is less for the poor, but vast for the riches. unequal nga!
yeeee! binati ang template nya. tuwa ka naman. haha. :)
wow! evolving blog. perfect!
in the first place, who sets the definition of incentives ba talaga? why do we perceive incentives as material?
i saw you at the RH lobby. was this the one you were writing that moment?
-- anna, orcom major.
Salamat sa inyong lahat!
naipahayag ko na sa aking lahok ang sagot sa inyong katanungan.
to anna, orcom:
hello! hindi kita kilala personally, pero salamat sa pagbisita. palagi mo kong makikitang nagsusulat lalo na pag nag-iisa. hindi ko na matandaan e, baka nga. hehe.
Post a Comment