Friday, March 20, 2009

Panayam sa Kinatawan ng Bayan Muna

Teodoro Casiño, Batasang Pambansa
Bisitahin: Bayan Muna Site

"Mahalaga ang pagtatanggol sa karapatang pantao dahil hindi pa rin ganap na demokratiko ang Pilipinas. Upang maging ganap ang demokrasya sa Pilipinas, isang malaking salalayan ang pagrespeto at pagtataguyod sa karapatang pantao."

Pinuntuhan ng lider ng Bayan Muna ang karupukan ng mga demokratikong institusyon sa bansa kasabay ng sistematikong pagpapahina at pagsasabutahe nito sa masang Pilipino. Direktang tinukoy ng mambabatas na ang pangunahing naglalabag sa karapatang pantao ay yaong mga nasa puder -- gobyerno at state security forces. Sa ilalim ng international conventions, ang gobyerno ang binigyang kapangyarihan sa dapat sana'y pagtatanggol sa batayang karapatan. Samakatuwid, ang gobyerno ang dapat itinuturing may pinakamalaking pananagutan sa mga pagpatay nang walang "due process", torture, nagugutom, mga iginigiit sa edukasyon, kawalan ng matutuluyan at iba pang panlipunang serbisyo.

"Napakadaling sukatin kung ang karapatang pantao ba ay nirerespeto, niyuyurakan at kung ano ang tunay na estado nito."
  • Ang esensyal na elemento ng karapatang pantao ay nararapat na sumaklaw sa mga aspetong ekonomik, pulitikal, panlipunan, kultural at sibil: Right of the Citizens. Karapatang magsalita at mag-isip.
  • right to life
  • right to liberty
  • right to education
  • right to a free press; expression
  • right to a decent wage
Panig sa ulat ni Philip Alston ukol sa karapatang pantao:

"Ito ay totoo, taliwas sa ipinapahayag ng gobyerno. Walang makakatanggi na laganap ang extra-judicial killings sa ating bansa, enforced disapperances, torture, pagtugis sa mga kritiko ng gobyerno -- pagbansag sa kanila bilang enemies of the state."
  • Binabaling ng gobyerno sa iba ang mga paglalabag na ito, partikular sa mga rebelde.
  • Ang pasismo ng estado ang siyang elementong patuloy na ginagamit upang sagkaan ang karaptang pantao mula pa sa panahon ni Marcos hanggang ngayon.
  • Hindi napanagot ang mga entidad na responsable para sa mga ito. Naging bahagi na lamang ito ng tradisyon ng kawalang kaparusahan o culture of impunity.
  • Ang nakakalungkot na bahagi rito: Hindi sinusunod ng gobyerno ang mga akmang rekomendasyon ni Alston at nanatiling nasa "state of denial" ang pamahalaang Arroyo.
Bayan Muna at ang Karapatang Pantao (sa kasalukuyan)
  • Nasa ikalawang pagbasa na ang panukalang batas laban sa torture at enforced disapperances (naasahang bago matapos ang taon ay maging isang ganap na batas na ang panukalang ito)
  • Pangunguna sa pag-iimbestiga sa Kongreso kaugnay sa mga tiyak na kaso ng paglabag sa karapatang pantao
  • Pagsasagawa ng mga ocular and on-site hearing sa Mindanao at ibang panig ng bansa
  • Sa karapatang pang-ekonomiko: patuloy na pakikipaglaban upang maitaas ang sahod ng mga manggagawa, kasama rin ang karapatan at seguridad sa paggawa
  • Pagbabandila sa karapatan ng kabataan at ng pambansang minorya
Sa kongreso, maraming komprehensibo at depinitibong batas ang ipinanunukala, anu-ano ang mga tukoy na dahilan kung bakit bigo ang mga labang tulad nito?

"Ang gobyerno ay itinaguyod para labagin ang mga karapatang ito -- itinataguyod ang interes ng iilan lamang (may ari-arian, may kaya, panginoong may-lupa), at hindi nakatuon sa pinakamalawak na mamamayan at ang mayorya ng Kongreso ang isa sa mga institusyong nagtataguyod ng ganitong uri ng sistema."

Dagdag pa ng mambabatas, ang pagtataguyod ng mga karapatang pantao ay nangangahuhulugan ng alokasyon ng badyet -- sa usapin ng edukasyon, pabahay at kalusugan. Sa mga isyung papabor sa mga mahihirap, ang gobyerno ay tradisyunal na nagtitipid. Samakatuwid, nasa mababa kundi man wala sa tuon ng pamahalaan ang mga ganitong laban sa kaakibat nitong "prioritization measures."

Ang Panawagan sa Pagkilos:

"Ang pagiging human rights activist ay ang pagtataguyod ng pagkatao at dignidad sa ilalim ng Universal Declaration of Human Rights. Everybody should be a human rights activist. Kapag ikaw ay nanahimik sa ganyang klase ng paglabag sa karapatan ng iba para mo na ring nilabag ang sarili mong karapatan."

__________
*Story ended. IMPUNITY: Ang Kulturang Sikil sa Karapatan.
Larawan mula sa aklanforum

Bayan Muna: AWIT NG PAG-ASA



3 comments:

Anonymous said...

Ipaglaban ang masang anak-pawis!
Ipaglaban ang karapatan ng manggagawa!
Manatiling mulat.
Mabuhay Ka!

Anonymous said...

tama si ka teddy. pag nanahimik ka sa ganyang pyudal na relasyon sa lipunan. hinyaan mo na ring tapakan ang iyong karapatan!

Anonymous said...

Kaya naman pla e. pinamimihasa kasi ng mga nasa administrasyon na hindi naipapasa ang mga batas na ito. sa kbilang banda, nakakainis ang oposisyon, kasi hindi sila nagkaksundo sa loob mismo. ewan, parang laht gustong tumakbo.