"Ang Human Rights Activism ay ang pakikipagpaban para sa pagrespeto, pagkilala, pagtataguyod at pagprotekta sa mga karapatang pantao."
Binigyang-diin ng National President ng GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership and Action) miyembro ng Komite sa Karapatang Pantao na hindi lamang sa kasalukuyang administrasyon nagsimula ang paglabag sa karapatang pantao. "Napakahalaga na patuloy nating itinataguyod at ipinaglalaban ang karapatang pantao. Napakatindi ng paglabag sa karapatang pantao sa pamahalaang Arroyo -- extrajudicial killings, enforced disappearances, torture, sexual abuse, custody under the agents of the states, lalo na ang pagpapalikas ng taumbayan sa kanayunan sa mga operasyong militar, kung kaya't sila ay nagigiit sa mga pangunahing pangangailangan upang mabuhay."
Saan maiuugat ang paglabag sa karapatang pantao?
- wide gap between the rich and the poor; naghihirap na mayorya
- mga nasa kapangyarihan (paggamit ng militar, batas at iba pang kapangyarihan ng estado upang supilin ang karapatan ng mga mamamayan; at sa prosesong ito, panatilihin ang pamamayani ng kanilang interes sa posisyon)
"Ang kalayaang mabuhay...alam mo this sounds funny no? kalayaang mabuhay? hindi ba dapat natural na lang yan?"
*Hinihingi ko po ng paumanhin kay Rep. Liza Maza ang pagtawag sa kanya bilang "Congressman Maza" sa aktwal na daloy ng aking panayam. Ito po ay magsisilbing aral sa akin, partikular na sa pagiging sensitibo sa kasarian/gender sensitivity. Congresswoman Liza Maza, Mabuhay Po Kayo!
**Litrato mula sa google image
- kalayaang mabuhay
- karapatang magsalita
- karapatang mag-organisa at magmobilisa
- karapatan sa pagkilos
- Women's Right and Human's Right (pagturing na pantay sa isang lipunan)
- karapatan sa nakabubuhay na sahod
- karapatan na magkaroon ng hanap-buhay at pagkakakitaan
- karapatang tamasahin ang "basic necessities of life"
- pag-apruba ng bicameral conference sa Magna Carta of Women na magsisilbing "mother legislation of women's rights in the Philippines"
- naihapag na resolusyon kaugnay ng imbestigasyon sa mga kaso ng mga kababaihang pinapatay, nawawala at iba't iba pang porma ng karahasan
*Hinihingi ko po ng paumanhin kay Rep. Liza Maza ang pagtawag sa kanya bilang "Congressman Maza" sa aktwal na daloy ng aking panayam. Ito po ay magsisilbing aral sa akin, partikular na sa pagiging sensitibo sa kasarian/gender sensitivity. Congresswoman Liza Maza, Mabuhay Po Kayo!
**Litrato mula sa google image
5 comments:
I muat commend you this interview. But, come to think of it, siya pa namana ang natl pres ng Gabriela... tapos, biglang congressman? hehehe. tama, magsilbi itong aral sa ating lahat. be gender senstitive.:)
*I must commend you for this interview... *naman
wow. level. liza maza. hehehe.
tama naman! ipaglaban ang karapatan!
Clap Clap Clap!
San na yung sa isa pa? Kailan mo ipopost? Aabangan ko a. Hehe.;)
Ang ganda ng sinabi niya! Panalo!! Mabuhay ang kababaihan!
Post a Comment