Mga elementong ga-sardinas ang ikakasa.
Nakaririmarim na militarisasyon sa kanayunan.
Bagaman lubusang nakapanghihinayang ang dapat sana'y paglarga sa komunidad ng Quezon, pinanatili ko na lamang bilang isang malaking ambag sa karanasan ang nangyaring indibidwal na interogasyon ng mga militar. Sumambulat sa akin ang reyalidad sa kanayunan -- kung paano silaban ng mga militar ang matahimik na pamumuhay ng mga residente at kung paano nagiging malaking paghihinala sa kanila ang kaunting kaluskos. Nasaksiha't naranasan ang represyon ng mga pwersang panseguridad ng estado -- hindi sa mga kalaban nito, kundi sa mga marangal na naghahanap-buhay sa kanayunan pati na sa mga sibilyan.
PURE LAWS WITHOUT GENUINE JUSTICE.
Article II, Declaration of Principles and State Policies, Secs. 7 and 8:
"Civilian authority is at all times, supreme over the military. The Armed Forces of the Philippines is the proctector of the people and the State. Its goal is to secure the sovereignty of the State and the integrity of the national territory."
Silipin: Batas sa Pagitan ng Militar/Katihan at Sibiliyan sa Pilipinas
Tunghayan: Kaso ng Militarisasyon, Aktibismo atbp. - Bulatlat
Pakinggan: Filipinos have not benefited from VFA - C. Araullo, RG Simbulan
____________
*Mula sa naudlot na paglubog sa Quezon, nilipat ang buong grupo sa San Jose Del Monte, Bulacan.
2 comments:
Some quick notes:
1. We can assume that most, if not all, of the people in the highly rural areas are not aware that such a provision exist in our Constitution.
2. We can assume further that the military men are also unaware of the said provision, or they may just play unaware even if they are truly aware of it.
3. We can assume further that the military is taking advantage of this ignorance.
4. We can assume further that the military men are receiving orders from their immediate superiors. Then their superiors are taking orders from the higher officers of the AFP. Defiance would mean subordination and therefore, dismissal from service.
5. We can assume finally that both are victims of the situation. Though we can say that the military men are less considered victims.
Hindi naman kailangang maging teknikal pa sa usaping ito. Ang inilalahad sa Konstitusyon ay ang pangunahin/primarya o "fundamental" na impormasyong ipinaalam sa pwersa ng militar.
mahalaga ang iyong mga punto, pero sa katotohanang buhay at base na rin sa karanasan, alam ng mga militar ang probisyong ito ngunit mas nanaig ang utos/atas ng mga nakatataas o yaong mga superior.
isa pa, sadyang mainit at tila "allergic" sila kapag ang pinanggalingan mo ay ang Pamantasan ng Pilipinas -- sari-saring pangalan na ang ipinararatang.
Lahat ito ay maiuugat sa saligang ugat ng kahirapan. Mga manipestasyon at malupit na bunga lamang ang mga ito.
Sa mga pagkakataong ganito, hinihingi ang ating paninindigan maliban na lang kung makikiisa rin tayo sa pagbali ng batas.
Post a Comment