Wednesday, October 28, 2009

Ang Sabi ng Bubuwit...


Apat na hakbang pasulong
Apat na hakbang pabalik,
Lilingon sa kana't kaliwa
Tatayo ako, sapagkat 'di pwedeng yumupyop.

Kailangan saulo ko ang pasikot-sikot
Ang lahat ng daanan at kanto kung saan lulusot,
Kailangang kabisado ko ang pinakamadaling ruta
kung paano't saan dapat si
Miss ay ituon.

Mapapahiya ako kung hindi ko alam
Ang sagot sa tanong ng magandang dilag,
Bawas
pogi points kahit anong pustura ko,
Macho pa man din ang dating na kailangan ko.

Lilipat ako makalipas ang tatlong buwan
Sasanayin ako sa buong liligiran,
Sala sa init, sala sa lamig
Rotation sana'y matakasan!
Kakabasiduhin mga pangalan,
Ililipat din naman.

Wala akong magagawa
Dahil utos ni Mr. Sy
Kailangan kong mabuhay,
Bumuhay, magpaaral at magtagumpay.

Sa kaunting halaga,
Aalalahanin ko'ng alalahanin nila,
Sasagutin mga tanong
Walang sinabi ang
interrogation.

Umaasa akong darating ang panahon
Itong asul na uniporme at tsapang ginto,
Kasama ang batuta at pares ng
bota
Itatabi't ipaplastik na lamang sa isang sisidlan --
Sapagkat may napatunayan na't may tiyak nang kinalalagyan.

Sana nga'y matupad ang pangarap kong ito,

Gayundin sa iba pang nagbabanat ng buto
Sa kapitalismo -- manggagawa'y walang ligtas
Tila talunan sa lason ng
"invisible" na ahas.

Ground floor, second floor.
Turn left, turn right.
We've got it all for you!


Umaasa,
Sekyu sa MOA.

___________
Tingnan dito ang iba pang sinabi niya:

- Ang Sabi ng Bubuwit noong September 03, 2008.

- Ang Sabi ng Bubuwit noong September 24, 2008.

No comments: