“Most transactions in the market improve efficiency
because they make both parties better off –
and don’t harm anyone else.”
STARBUCKS – kape sa halagang isang daang piso.
Kung bibili ka ng kape sa Starbucks, tinutulungan mo ang industriya ng kape at pagkakape. Sa bawat pagbili mo ng kape ay nasasahuran ang libu-libong coffee farmers. Sa bawat pagbili mo ng kape, natutulungan mo ang bawat pamilya ng coffee farmers. Sa bawat pagbili mo ng kape ay ang trabaho at pasahod para sa mga serbidor nito. Sa bawat pagbili mo ng kape ay ang trabaho at pasahod sa manggagawa ng mismong pakete at nagpapakete – ripple effect ang tawag sa kondisyong ito. May apat na saligang rason kung bakit umiiral ang ganitong uri ng interconnectedness o pagkakaugnay-ugnay – bagay na direktang nakaapekto sa pagpepresyo ng mga kompanya sa mga produkto nito.
Una, companies produced products in the most efficient way. Walang dapat masayang at nararapat lamang tiyakin ang kaangkupan ng pwersa ng produksyon batay sa katangian ng produktong nililikha. Samakatuwid, lahat ay dapat na mamaksimisa.
Ikalawa, companies are making the right things. Ang presyo ng produkto ay sumasalamin ng kabuaang kagastusan sa paglikha nito. Ang itinakdang presyo ay siyang maglalahad ng tumbasan para sa prodyuser at mamimili. Sa kaayusang ito, makikita ang isang mamimiling may kakayahan upang ipagpaliban ang isang bagay para sa isang higit na nagustuhan – trade off, ika nga. Sa ganitong paraan, ang presyo o halaga ng produkto sa merkado ay maituturin bilang isang “paraan ng komunikasyon.”
Ikatlo, things are made in right proportions. Ibinebenta ang produkto o inilalako ang serbisyo nang walang labis. Ang presyo ay katumbas ng kagastusan. Walang insentibo upang lumikha nang mas kaunti o lumikha nang mas marami kaysa sa inaasahan.
Ikaapat, things are going to the right people. Ang produkto ay napupunta sa mga mamimilling may kagustuhan at may kakayahan upang bilhin ito batay sa isang itinakdang halagahan.
“In the longer term, a price system will transform a high willingness to pay
for good products or services, just as surely as it will transform
high demand for a thing to another.”
THE VALUE OF PRICE. Ang presyo sa merkado o market prices ay ang suma-tutal ng parehong kagustuhan o preference at priyoridad ng lahat ng konsyumer. Maliban sa tiga-dikta ng salaping ilalabas mo sa iyong pitaka o bulsa, ang presyo bilang isang komponyente ng pamilihan sa anumang ekonomiya ay may dalawang mahalagang papel: una, isang paraan upang mapagdesisyunan kung kanino nga ba maipagkakaloob ang limitadong suplay ng produkto o serbisyo at ikalawa, ang magsilbing pahiwatig o senyales sa pangangailangang lumikha pa ng mas maraming bilang ng produkto relatibo sa karaniwan. Sa kontekstong ito, ipinakita ni undercover economist kung bakit may dalawang pang-uri tayong naiuugnay sa presyo ng isang produkto – “mahal” at “mura.”
________________
Dagli mula sa The Undercover Economist. Tim Harford. Random House Trade Paper Back: New York, USA. 2007.
No comments:
Post a Comment