Bubuhayin ng pula't bughaw
Yaring sinag ng kapayapaan
Soberanyang binabantayan
Kapuluang 'di bansot sa kayamanan
Pilit pinapasok, sinisira ng gahaman
Pamunuang kakampi ng sambayanan?
Hindi makatwiran, 'di tayo pinaglalaban
Koro:
Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay lumaya na,
Demokrasya, taghoy, paninindigan
'Di sinunog sa karalitaan
Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay umalpas na,
Sa kamay ng imperyalista
Kung saan si Juan ay di si Uncle Sam
Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay lumaya na,
Demokrasya, taghoy, paninindigan
'Di sinunog sa karalitaan
Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay umalpas na,
Sa kamay ng imperyalista
Kung saan si Juan ay di si Uncle Sam
O, bandila ng Pilipinas
'Di alipin sa kampay ng Kanluran
Estado, soberanya't mamamayan
Magkaisa para sa pagkakakilanlan
Dugtungan:
Ito na ang ating panahon --
Kumilos ang bawat Pilipino
Yaring dangal at bawat silakbo
Sanib lakas ang sanglaksang sulo!
Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay MALAYA NA
Demokrasya, taghoy, paninindigan
'Di sinunog sa karalitaan
Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay umalpas na,
Sa kamay ng imperyalista
Kung saan si Juan ay di si Uncle Sam
O, bandila ng Pilipinas
'Di alipin sa kampay ng Kanluran
Estado, soberanya't mamamayan
Magkaisa para sa pagkakakilanlan
________________________________________________
Komposisyon ni Yfur Porsche Fernandez
Kwerdas at armonya ni Ma. Lina Eguico
Komposisyon ni Yfur Porsche Fernandez
Kwerdas at armonya ni Ma. Lina Eguico
No comments:
Post a Comment