Unang Tagpo: Disyembre, Hudyat ng Pasko
Sana hindi maling sabihing ginawa lang ang Pasko ng mga greeting card company. Sana rin mali kung sasabihing ang Paskong Pinoy ay isang tiyak na panahon kung saan kikita na naman ang mga retailer ng christmas lights, christmas balls, magarbong parol at iba pang dekorasyong pupuno sa christmas tree. Isa pa, mabenta rin ang bagay na mabilis na pumalit sa mga liham -- ang text. Paskong burgis.
Pasko -- isang araw kung saan magbubunyi muli ang mga cellphone company para ikansela ang mga promotion nila. Siyempre, pagkakataon nila para muling saksihan ang maaksayang paggamit ng regular load ng mga cellphone user. Paniniwalain na naman ang mga konsyumer na makanismo ito upang maiwasan ang text traffic -- tipong dapat ipagpasalamat ang panandaliang pagkansela ng mga unlimited call and text promotion. Terible.
Mahigpit ang kompetisyon ng itim at puti, 'sing higpit ng network war ng Dos at Siyete. Christmas season, aabangan muli ang pagsasahimpapawid ng kani-kaniyang station IDs. Makikita ulit ang mga artisita na kunyaring dadalo ng simbang gabi. O kaya naman, teen at drama star na nag-aayos ng parol, nakikiluto ng putobumbong at bibingka, kasali sa grupo ng paslit na nangangaroling. Kasama ang mga tema, at adorno ng bagong komposisyon. Kani-kaniyang pasiklaban at kompetisyon sa samabahayang kahihinga lang sa unos at delubyo ng kalikasan. Sa totoong buhay, ginagawa naman kaya ng mga artistang ito ang ipinakikita nila sa paggiling ng kamera? Kahit ikaw, masasagot mo ito. Maging ang seryosong grupo ng news and current affairs, kasali na rin sa piging na ito. Sabay bibirada ang tagline nila. Emotion economy. False hopes -- na sa gitna ng krisis, may dahilan pa rin para ngumiti, magsaya at magtatatalon sa tuwa.
SILIPIN: Christmas Tree, Status Symbol
No comments:
Post a Comment