*A feature story?
-----------------------------------
Tatlong taon na tayo.
Parang kailan lang 'no?
Naalala ko pa nung nagpapakiramdaman pa lang tayo dati sa bus papuntang Ilocos. May kanya-kanyang grupo pa tayo 'nun pero di rin nagtagal, nagkapalagayan na rin ng loob, nagtatawanan at nakilala ang bawat isa.
Masaya tayo nun. Naalala ko pa rin yung pagdideal or no deal natin sa antique shops dun at ang pagnganga kong mag-isa sa picture habang pinagtatawanan niyo ako. Masyadong madaming alaala. Napakasarap balikan. Buti na lang pala't taga-Mindoro ako, kundi hindi sana Mangyan ang pangalan natin. Mangyan -- ang sarap sa tenga.
Natatandaan mo pa mga group lunch date natin sa Popeye's? Madami tayo nun e, halos tatlong tables ang nasasakop natin. Sana di na lang nawala ang Popeye's, buo pa rin sana tayo ngayon. Sana may siyam na tao pa rin akong nakakasabay kumain. Sana.
Kaibigan ko yung siyam na tao na yun e. Naging kapatid ko na rin nung akala kong wala na kong mga kapatid, di kasi nila ko iniwan e. Kaya lang di talaga maiiwasan, nagkahiwa-hiwalay din kami. Sana pala di nalang ako nagpahula kung ano ang ibig sabihin ng FOURTHGAP na di nagtagal at naging FOURTHGAMP. Nakakalungkot kasing isipin na parang hanggang acronym na lang ang pagkakaibigan na yun. Sana hindi. Miss na miss ko na yung dating tayo e. Yung uso pa yung d*tan ko. Yung may puntong probinsyano pa ko. Yung favorite ko pang magshort kasi wala naman akong matinong pantalon noon. Yung nag-Mr. Freshie pa ko. (Kailangan talagang ipasok to? Hehe.) Yung lahat nung first year pa tayo. Yung kung paano tayo nag-aaway at nagbabati (to reconcile). Yung dati. Yung ako at kayo. Yung tayo. Miss ko na yun. Miss ko na kayo.
Alam kong kahit may mga bago na tayong kaibigan. mananatili pa ring buo ang FOURTHGAMP. (NAMAN. Yun o!) Mananatiling buo pa rin ang FOURTHGAMP sa puso niyo. Kahit may mga bagong pinagkakaabalahan na tayo, darating pa rin ang panahong magkikita at maririnig kong muli ang tawagan natin. Hanggang sa muli nating pagkikita... salamat at maligayang kaarawan. Salamat sa lahat!
Buti na lang nakilala ko kayo at tinanggap niyo ang nagpakilalang ako -- yung bata, pilyo, makulit at mayabang na si Janno. Takot na takot ako dati e kasi baka mahirapan akong magkaroon ng kaibigan. Buti na lang naging kaibigan ko kayo. Salamat! Di ko talaga balak na pahabain tong text na ito kaya lang di ko mapigilan (Oo nga e, akalain mong ang buong entry na ito ay galing sa text.) Sayang kasi yung pagkakataon, yun nga lang, nakisabay din yung pagpatak ng luha ko. Iyakin pala talaga ko. Di ko na iisa-isahin pa ang mga pinagsamahan natin. Mula sa'yo Bok (present!), sa'yo Senia, sa'yo Bugan, sa'yo Nobya ko, sa'yo Shaynie, sa'yo Cheezy ko, sa'yo Ki-te, sa'yo Bespren kong Prinsesa ng Brunei at sa'yo Cedie. Mahal ko kayong lahat. Sobrang miss na kayo ni Bok, Nano, No, Gibbs, Nobyo, Cheddy at ng Janno niyo. Salamat sa lahat. -- mula sa text ni BOK
2009/08/27; 12:53:36 AM
No comments:
Post a Comment