Sharing with the people in your life.
Facebook. New Media.
Hindi iba sa iba pang social networking websites ang catchphrases na ipinalalaganap ng Facebook sa kasalukuyan. Susulpot, papatok, sisikat, lalaganap, kasasawaan, malalaos, lilipas at muling may susulpot. Isang penomenong nakita na natin "from Friendster to Facebook shift."
Anuman ang maging gamit ng mga site na ito sa bawat isa -- mapatambakan ng litrato dahil sa walang limitasyong kapasidad nito, blogging space, video montage, games, "boxes" at iba, hindi dapat sayangin lang ng ibang may akses dito ang pagkakataon upang umugnay sa mga tao o elementong makapagbibigay sa atin ng karununga't kaalaman -- kabilang ang mga eksperto mula sa iba't ibang larangan, mga propesor, propesyunal, alagad ng sining at panitikan, aktibista, manunulat at mga mamamahayag. Sa paraang ito, mamaksimisa natin ang ating kakayanan bilang mga estudyante at bilang kabilang sa uring may akses sa world wide web. Gamitin ito upang mapalalim ang kaalaman at maituwid ang mga di-makatwirang konsepto kasama ang mga garbage entity o discards na nagkalat sa internet. Maging matalas at makiaral kina Axel Pinpin, Prop. Danilo Arao, Teddy Casino, Dr. Jaime Galvez Tan, Ellen Tordesillas, PCIJ, Bulatlat at iba pang bukas na gawing instrumento ang kani-kanilang networking sites upang magbigay-alam at makapangmulat! Maaari silang gamitin bilang mga batis ng impormasyon.
Lubusin ang pagkakataon -- maliban sa panahong inuukol lang sa pagbabad sa games, pagsagot ng mga quiz, pag-tag ng litrato, pag-upload ng videos, pagpapalitan ng disengaging comments at iba pa; KAYSA magpabulag lang sa iskema ng new media at ng kaakibat nitong liberalismo, pagkasalaula sa pangkultural na pagkakakilanlan at ang pagbago nito sa perspesyon ng tao sa iba't ibang antas (moral, etikal, atbp. -- malawakan man o hindi).
Gawing instrumento ang new media sa pagpapakalat ng iba't ibang porma ng propagandang makatutulong upang mapatalas ang pampolitikang edukasyon -- (1) pagtatampok ng videos na may alternative concepts, (2) pagpapalitan ng kuro-kuro o komentaryo sa isang panlipunang isyu (dahil ito na rin ay isang public space marami ang maaring mamulat,matuto at maimpluwensyahan ng matalas na bahagian ng opinyon) (3) pagsusulat ng mga artikulong makapagbibigay-alam at makapanghihikayat sa layunin at iba pa.
Hindi masasayang ang mga palasak na catchphrase ng new media -- "information order," "information revolution," "transnational journalism" at ibang mapanlinlang na konsepto kung babaligtarin natin ang sitwasyon, kung saan gagamitin ang "free social networking" scheme ng new media para sa bentahe ng mga gumagamit nito. Mas gawing kawili-wili at makabuluhan ang pag-aangkop at paggamit sa libreng daluyang ibinibigay ng Internet kasabay ang tripleng ingat sa mga kaisipan, ideya at ideolohiyang nauna nang ginamit ng mga nagsasamantala sa internet domain upang isulong ang "makasariling interes" -- mapapulitiko, kompanya o ng mismong "dotcom" na pinupuntahan mo. Ito ay sa kadahilanang hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin malinaw kung hanggang saan ang hangganan, ang kalayaan, dimensyon, tunguhin, prinsipyong etikal at kung paano kokontrolin ang pag-iral ng new media at ang implikasyon nito sa lipunan. Dito, tiyak na susubukin ang ating pagiging mapanuri.

No comments:
Post a Comment