"Danilo Arao analyzes in his Asian Correspondent weekly column how "public information" is being used to serve the interest of the Philippine government and recommends that a REAL public information system be included in the platform of government of presidential aspirants. Comments most welcome. Thanks!"
Yfur Porsche P. Fernandez:
"Sir, nangangahulugan po ba ito na dapat paigtingin ang alternative journalism?"
Danilo Arao:
Yfur: Tama ka. At sa konteksto ng "public information," kailangan ding baguhin ang oryentasyon ng PIA, NBN at iba pang kaugnay na ahensya para magbigay ng mahahalagang impormasyon sa paraang obhetibo ang pagkakalahad.
Yfur Porsche P. Fernandez:
Nakuha ko po sir. Salamat po. Kasama rin po sa pagbabago ang mga prominenteng istasyong midya - ABS-CBN, GMA. Paano po tayo makasisigurong mababago ang oryentasyon ng mga ito sa konteksto ng "public information" kung ang mga kompanyang ito mismo ay pag-aari ng mga burukrata at ng uring naghahangad na manatili sa kanila ang kapangyarihan? Salamat po nang marami!
Danilo Arao:
Yfur: Ang konsepto ng "public information" na tinalakay ko sa artikulo ay nakatutok lang sa mga ahensiya ng gobyerno, hindi sa mga organisasyong pang-midyang pag-aari ng pribadong sektor tulad ng ABS-CBN at GMA. Pero tama kang ang "public information" ay malawak ang saklaw dahil lahat ng organisasyong pang-midya ay nagpapalaganap ng mga ito, bagama't mas ginagamit ang terminong "PSA" o "public service announcement." Mahirap talagang ibalanse ang interes ng mga may-ari at iba pang gatekeeper sa interes ng publiko, lalo na sa malalaking network na ang pangunahing hangarin ay kumita nang malaki. Ito ang dahilan kung bakit bukod sa pagpapalakas ng alternatibong midya, may malaking tungkulin din ang pamahalaang baguhin ang oryentasyon ng mga katulad ng PIA at NBN dahil makakaya nitong gampanan ang gawain ng paghuhubog ng opinyong pampubliko nang hindi iniisip ang ratings o kita mula sa mga patalastas.
Posible bang mangyari ito sa kasalukuyang administrasyon o kasalukuyang kaayusan? Iyan ang malaking tanong, kaya mainam na maging isa sa mga pangunahing isyu ito sa darating na eleksiyon.

Maraming salamat po sir! Hinihingi ko rin po ang inyong pahintulot na maibhagi ko po ang inyong mga kasagutan sa aking mga kapwa mag-aaral sa pamamagitan po ng aking blog. Maraming salamat po.

Yfur: Sige, puwede mong ilagay sa blog mo ang ating palitan dito sa FB. Salamat.
_____________________
*Using the "new media" to study the dynamics of Philippine media.
**Silipin ang kaugnay na link: "New Media" to Study Media

3 comments:
ang taray. :D APIR!
NYAK! anong mataray dun? HEHE, DISAPIR!
Batid ko ang iyong interes sa komunikasyon at pamamahayag! Magaling!
Post a Comment