Monday, January 26, 2009

Buhay-Estudyante

Ikinagulat ko ang tawag na iyon kaninang umaga.

Sa tawag mula sa linya ng telepono, mababatid mo agad kung anong mga bagay ang kulang sa kanya -- pahinga, espasyo at malamang, makakausap. Sa tindi ng panginginig ng boses niya sa mga oras na iyon, madaling gumana ang imahinasyon ko sa posibleng istura ng kanyang mukha. Kung hahanapin ang salita, "breakdown", ika nga ang nangyari sa kanya -- sa panahong may serye ng ulat, rekisitos, quiz, eksam, recitation at marami pang iba. Dito, mas nakita ko ang malapit na halimbawa na maaring may direktang epekto ang pang-ekonomikong kalagayan ng estudyante sa pag-aaral nito.

Sa napakamapanghamon at madalas pa nga'y mapanuksong mundo ng estudyante, mahalaga ang pag-oorganisa at pangangasiwa ng panahon o ng oras. At dahil hanggang sa ngayon ay status symbol pa rin ang pamantasang nakalathala sa curriculum vitae, hindi nagiging "basta-basta lang" ang pagsungkit ng toga.

Hindi madali ang buhay kolehiyo sa henerasyon ngayon. Ito ang henerasyong maugong ang pagsikil sa kalayaan ng mga estudyante para sa abot-kamay na pampublikong edukasyon. Ito ang henerasyong binabalot ng napakaraming banta ng kawalang katiyakan, lokal man o pandaidigan o kahit sa loob lang ng pamantasan. Ito ang henerasyong binabatbat ng napakaraming kontradiksyon sa aspetong panlipunan, kultural, ekonomik at politikal. Ito ang henerasyong bulnerable sa iba't ibang porma ng represyon mula sa kasalukuyang kultura, na may kaugnayan sa kolonyal na karakter nito. Ito ang henerasyong lito sa kanyang pagkakakilanlan. Sadlak sa kahirapan ang nakararami. Walang pakielam ang ilan.

Natatangi ang mabigyan ng pagkakataon upang libangin ang sarili sa prestihiyosong pangalang ibinabandila ng Pamantasan at katambal nito ay ang malawak na kahulugan ng "likas" na buhay-kolehiyo -- ang pagpataw ng mga mabibigat kahilingan sa iba't ibang kurso, kasabay ng pagiging "anak", "kaibigan", "mamayan" at iba pang gampaning panlipunan. Sa pagkakataong ito, isinusuko natin ang higit na bahagi ng ating panahon sa mga bagay na ito -- sa kahit anumang paraan ng pag-aaral ang naisin ng bawat isa. Sa sitwasyong ito, nakikita kung ano ang pinagkaiba mo sa iba pang buhay-kolehiyo.

Masinop ang sinumang makapagbibigay ng ganap na hustisya sa mga aralin sa loob at labas ng classroom. Ang tambak na kahilingan ng kurso ay tintitingnan ko na lamang bilang bahagi ng kanilang pang-akademikong pagsasanay (kahit tingin ng iba'y mukha na talagang nananadya).

Ang tumbasang inihahain ng buhay-estudyante ay sing linaw ng epekto nito sa pagkatao ng bawat isa sa atin. Pagiging mas responsable. Mas matapang. Mas masipag. Mas may tindig. Mas matibay. Sanay. May paroroonan. Buo, at patuloy na binubuo.

Sa pagbaba ng telepono, siniguro kong magkikita pa rin kami sa loob ng kampus -- tiniyak na hindi pa rin nawawala ang inisyatibo upang hindi bumitiw at ipagpatuloy pa rin ang buhay-estudyante, ang yugtong naghahanda para sa mas masalimuot na buhay.

Simula pa lamang ito.

Tuesday, January 20, 2009

Pop Culture

Pop Culture is the vernacular (people's) culture that prevails in a modern society. The content of pop culture is determined in large part by industries that disseminate cultural material, for example the film, television, and publishing industries, as well as the news media.* Furthermore, it can be stated that this phenomenon has something to do with the Western strategy trying to infiltrate the consciousness of its neo-colonies if not prospects. However, the understanding of pop culture should not be limited as just the aggregate of the aforementioned industries and power wielder, respectively; instead, it can be viewed as the prevailing result of a continuing interaction between societies (producers who sell, consumers who buy), hereafter called as the culture of consumerism.

Pop culture has diverse origins:
  • Set of industries that make a profit by inventing and promulgating cultural material
  • Powerful countries working to subjugate weaker states (with rich resources; cheap labor, raw materials, working conditions; weak legislation and West-influenced state policies; underdeveloped socio-political system)
  • Folkloric element or the earlier layer of culture persisting in the form of jokes/slang, which spread through the population by word of mouth (i.e. Internet as new channel of folkloric transmission, giving a renewed strength of this pop culture)
  • Set of professional communities that provide the public with facts about the world coupled with interpretation (news media, scientific and scholarly communities)
Pop Culture may exist with the following themes:

fads and trends, the appeal for current music star, fascination with rituals, nature and power of celebrities, fashion TV, the magnet of shopping malls, the culture of toys, kikay films, the imitation/franchise of American game shows (Family Feud, Deal or No Deal, Big Brother, etc.), formulas in best seller books turn into movies (Harry Potter, Twilight, etc.), the remaking of TV novels, pop culture of fifties and sixties and many more.

*Ma. Monette Dator's Media Education


Wednesday, January 14, 2009

Missing Children

Human trafficking refers to the recruitment, transportation, harboring, or receipt of people for the purposes of slavery, forced labor, servitude* (and even more than these things) This phenomenon describes another untold account of oppression in the Indian Peninsula -- where teenage/underage women are being used in one of the fastest growing industry in the world, sex trafficking.

Unreported World with journalist Sam Kiley unearths the story of trafficking and kidnapping of young Indian ladies for prostitution. This documentary is called, India - Land of Missing Children.

(Video courtesy of youtube)






India - Land of Missing Children Part 3 of 3


*http://en.wikipedia.org/wiki/Prostitude

Mabuti't meron pa ring mga lahok na may kabuluhan ang portal (youtube) na ito.

Sunday, January 11, 2009

Taghoy ng OFW

Tulak

Ayaw kong makipagsapalaran
Dito sa malayong bayan
Tulak ng paghihirap,
Binulag pa ng pangarap
Inang bayan ang umiyak;

Pag-aaral kong natutuhan
Banyaga pa ang nakinabang
Ama't Ina ang nangalap,
Sa pag-unlad nitong anak;

Oo, mali ako, turing ng bayan
Silaw sa ginto at kamunduhan
Bulag na naglakbay,
Bilanggo ng mga pangako
Ama't Ina'y sinuway;

Nalason na ang isipan
Ngunit ito'y wala nang saysay,
Rehas na hangin ang kayakap
Narating mo ang tagumpay


__________
*mula sa panulat ng aking ama; halos isang dekadang nakipagsapalaran sa Middle East

Thursday, January 08, 2009

Banta

Lumipas na namang muli nang napakabilis ang isang buong taon para kay Aling Nena*.
Lumipas ang isang taon at nanatiling bukas ang mga mata niya. Bagaman hindi maikukubli ang pagod sa pagkapa ng kahit munting liwanag sa napakalawak na dilim, pinilit niyang mamuhay, magpapanibagong-buhay at muling mabubuhay.

Sinasabing ang buhay ay parang isang gulong -- marahil, naikot na ni Aling Nena ang kabuuan nito. Naranasan na ang kaginhawaan at kagipitan, kapayapaan at lumbay, tamis ng tagumpay at pait ng pagkakadapa. Kung hanggang saan pipiliin niyang suungin ang pagbabago -- hindi na rin niya alam. Walang nakakaalam.

Inakala niyang agarang makakaahon sa mga pagkakataong nakalubog.
Ngunit hindi inaasahan ang posibilidad ng paglubog sa mga pagkakataong nasa tuktok.

Iniisip niya kung lason bang matatawag ang pag-asa sa hanap-buhay, at marahil buhay na pinili niya sa ibang bansa. Direksyong hindi niya aakalaing babaluktot pabalik sa kung saan siya iniluwal ng kahapon. At ngayong napauwi, hindi man lang niya naranasan ang rangya ng pinagpaguran. Manggagawa sa ibang bansa. Tagapag-alaga ng anak na hindi kanya. At marami pang sakripisyong ayaw na lang niyang isipin. Pagod doon. Pagod pa rin hanggang dito.

Pakunswelo na lang niya -- napagtapos niya ang dalawang anak sa kolehiyo. Isa na lang ang hindi pa. Hindi man materyal ang napundar, higit na dakila ang elementong kailanma'y hindi mananakaw. At ngayon, hindi niya alam kung paano niya bubuklatin ang panibagong yugto ng buhay. Paano magsisimula, saan nais tumungo at saan lilimos ng pag-asa sa pagbalik sa bayan niya.

Sa panahong kasalukuyan, katulad niya ang marami sa atin --
Bulnerable. Walang Kasiguruhan.
Nawalan na ng pag-asa. Pagod.

___________
*Napauwing OFW

Wednesday, January 07, 2009

Tseklis

  • Natupad mo ba ang New Year's Resolution mo 'nung nakaraang taon?
  • Nakumpleto mo ba ang Misa de Gallo?
  • Natupad ba naman ang kahilingan mo nung nakaraang taon?
  • Puno ba ang mga garapon o lalagyanan ng asukal, kape at gatas sa pagsalubong ng 2009?
  • Nakumpleto ba ang labindalawa hanggang labintatlong bilog na prutas na magkakaibang uri?
  • May malagkit ba sa hapag noong Medya Noche?
  • May pansit o pasta - pampahaba ng buhay?
  • Nakatikim ka ba ng hamon sa Noche Buena?
  • May Queso de Bola ba?
  • Nakapamasko ka ba sa lahat ng ninong at ninang o nasuyod ba ang lahat ng nakatatandang kamag-anak?
  • Naregulahan ba ang lahat ng dapat regaluhan?
  • Nagsaboy ka ba ng barya sa kwarto sa pagputok ng alas-dose?
  • Nagsuot ka ba ng kahit anong polka dots?
  • Nakatalon / Nakitalon ka ba sa unang segundo ng Enero 2009?
  • - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
  • - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
  • Kapiling mo ba ang pamilya mo noong Pasko?
  • Kumpleto ka pa ba -- sa loob at labas sa pagpasok ng Bagong Taon?
#

Sunday, January 04, 2009

The Broken People

India known as the largest democracy places it in a much different way -- democracy that is according to the number of people who practice and believe the political system. Voice of the people reigns in a supposed democratic charter but real democracy is not given to a class called Dalit. (literally means the broken people) India's famous caste system has been structured to show the hierarchy among Indian people -- those who do belong to the upper caste system, the lower caste system and the bottom class, dalits who are previously called "the untouchables".

Join journalist Ramita Navai in her conquest to possibly dig the Truth behind India's caste system through a documentary called Unreported World which sheds light on the plight of these people in one of the most oppressed countries in the world, India -- the land of injustice.
(Video Courtesy of youtube.com)





Friday, January 02, 2009

Pilyo

Pampatigas, Pampatayo, Atbp.

Mayroon akong alam na nagpapatigas, nagpapatayo at marami pang iba. Sa dami nito, mamimili ka ng klase. May mild lang kung tigasin ka. May strong kung talagang bagsak. May soft kung gusto mo lang ng basang ilusyon. Mayroon din naman yung pakiramdam tuwing umaga! 'Yung tipong kagigising lang!

Pero, pinapatigas mo ba? Pinapatayo? Tumatayo ba naman?

Boring naman kasi kung hindi mo iibahin ang istilong yan. Kahit paminsan minsan, dapat sigurong iayon natin sa suot ang timplang ito. Hindi ka naman siguro ikinulong ng anim na talampakan sa lupa para hindi mo makita ang naglalakihang billboards sa kalsada ng mga pinakaabalang bahagi ng lungsod.

Hindi ka ba napapaisip? Nainsekyur? Kahit pa alam nating na-photoshop na ang mga yan, hindi maiiwasan ang mga katagang, "buti pa siya", "sana ako rin" o "ang pangit kaya!"; "grabe ang ganda/gwapo niya" at "sana maging katulad ko siya!"

...At dudugtungan ng mga katagang:
"Kaya mga p're, ugaliing basahin ang label at hanapin ang "zero-alcohol" tags.
Pili na ng swak sa iyo! At hanapin ang style and hold na bagay sa'yo sa pagbili mo ng hair gel, hair wax at kahit ano pang hair reinforcer!"- (sabay bandera ng tatak ng produkto at ang catchphrase nito)

Sa pagpasok ng ideyang mula sa Kanluran, nagbago na ang packaging at anyo ng produktong ito. Hindi na rin biro ang halaga nito sa merkado. At, napakaraming stall sa mall ang nagbebenta nito -- Bench, Human, Penshoppe at marami pang iba.

_____________
*Ang mga pilyong patalastas sa Pilipinas ay gumagamit ng humor-Pinoy, na may halong humor-Kanluranin; katulad ni Bob Ong sa kanyang mga panulat, ito ay isang paraan upang maitawid ang mensahe gamit ang kiliti ng mga Pilipino -- upang maging mabenta, patok at gawing "usal-tahanan" ang mga linyang ito. Sa storyline hinihiling na makita ng isang karaniwang Pilipino ang repleksyon ng kanyang sarili o ng kanyang kapwa sa patalastas - at ganitong uri ng panghihimok ay napatunayan nang epektibo sa Filipino mainstream television.

*Sa journalism, ang paggamit ng ganitong iskema ay sa pagsulat ng lathalain o feature writing. At ito ay mabibilang sa isang uri na kung tawagin ay "novelty feature writing." Ang hamon dito ay mapanatili ang interekasyon ng babasa sa artikulo hanggang sa matapos ito -- suspended interest style. Sa kabilang banda, ito rin ay nararapat makatotohanan o halaw sa tunay na kaganapan kundi man posibleng mangyari sa totoong buhay.

HAPPY NEW YEAR! Cheers.