Hindi ko rin masasabing hindi ako nagmumura.
Hindi rin naman sinasabing palamura ka, o siya.
Pero isang paham ang nagsabing --
sa tuwing nagmumura ka, nagsasayang ka ng titik.
Sa halip na anim na buwan lamang ang ilalaan ng mga titik upang bumuo ng awitin, tula at iba pang katha -- nangamba silang bigla at itinutok ang aksyon sa mga salitang kahit aso'y hindi kayang sikmurahin.
Sa tuwing nagmumura ka, hindi lamang laway ang nagagamit o nasasayang sa pag-usal.
Pati titik. Pati ang salita. At ang diwang kinakatawan nito.
Put...muntik na naman akong magsayang.
No comments:
Post a Comment