PAGBALIKWAS:
Ang Umaalab na Pakikibaka ng Masa Laban sa Kahirapan
2010 Development Studies Practicum Conference
MGA TAMPOK NA DOKUMENTARYO:
TANIKALA: Pakikibaka Laban sa Monopolyo sa Lupa
(Hacienda Luisita, Tarlac)
AGRESYONG PANGKAUNLARAN:
Ang Kabilang Mukha ng Industriyalisasyon
(San Jose del Monte, Bulacan)
BARIKADA: Isang Siglo ng Sigalot sa Lupa
(Hacienda Yulo, Laguna)
UBAN: Karalitaan at Krisis sa Sektor ng Pagsasaka
(Victoria, Laguna)
SUDSOD: Ang Banta ng Ekoturismo sa Lupa at Buhay
(Montalban, Rizal)
AGOS: Pakikibaka ng Masang Namamalakaya Para sa Lawa
(Binangonan, Rizal)
KUMUNOY NG KAHIRAPAN:
Inagaw na Lupa, Inagaw na Kabuhayan
(Naic, Cavite)
TUNGGALIAN: Pakikibaka sa Demolisyon at Karalitaan
(Langkaan, Cavite)
ISANG PAANYAYA!
8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.
sa CAS Little Theater
sa ika-2 ng Hulyo (Biyernes)
__________________
Nang ako'y tanungin ng aking propesor kung paano ko ilalarawan ang karanasan mula sa praktikum (2009), dalawang bagay ang aking naisip: mapangmulat at makapagpanibagong-hubog.
Sa aking pinagmulang kurso, Pag-aaral Pangkaunlaran, ibinabandila ang pagsasanib ng teorya at praktika. Ang taunang praktikum ng programa ay may katangiang alternatibo. Dito,
ang mga praktikumer ay
nabibigyan ng pagkakataong makipamuhay at makiaral sa kanayunan -- mula sa gawaing masa, produksyon, usaping kinahaharap, araw-araw na pakikibaka hanggang sa pakikiisa sa kanilang laban. Tinatanaw ito bilang pagpapakumbaba ng Pamantasan sa mga sektor ng sikil at sadlak. Ngayong 2010, naritong muli ang DevStud Practicum Conference kung saan itatampok ang mga istoryang buhat sa piling lugar sa kanayunan -- mga dokyumentaryong sumasalamin sa umaalab na pakikibaka ng masa laban sa kahirapan.
MAPANURI.
KRITIKAL.
MAKABULUHAN.
DEVSTUD!
No comments:
Post a Comment