Thursday, June 24, 2010

FACEBOOK ERA?

  • Facebook ang pangunahing paksa ng pang-Mayong isyu ng TIME. Ganito katindi ang pagtagos ng daluyang ito sa kamalayan ng tinatayang 500 milyong tao sa buong daigdig. Kasabay nito ay ang usapin ng pagtatakda nito ng moda at ang pagbabago nito sa konsepto ng pribasya.
  • Ayon sa Time, kung bibigyan umano ng isang teritoryo ang lahat ng Facebook users, lalabas itong ikatlo sa pinakamalaking bilang ng populasyon sa buong mundo!
  • Maari itong tanawin bilang isang cultural shift. Binago umano nito ang social DNA ng tao.
  • 28% ng mga gumagamit nito ay nasa edad 34 pataas at patuloy pang lumulubo. Naniniwala itong mas maraming tao ang "nais" maglahad ng kanilang saloobin on-line.
  • Open Graph ang susunod na ipauuso ng Facebook. Ayon sa kanila, "It's a nerdy name for something that's surprising simple: letting other websites place a Facebook Like button next to pieces of content. Nauna na itong nakita sa mga komento.
  • Patuloy ang pagbabago sa settings ng Facebook upang maiwasan ang pagkasawa ng mga gumagamit nito. Ang lumalabas na propaganda nito, excommunicated ka kung wala ka nito.
  • Emotional investment ang itinuturing bentahe ng Facebook sa iba pang kalaban nitong social networking sites o SNS. Sa ganitong paraan ito inilarawan ng Time, "Facebook makes us smile, shudder, squeeze into photographs so we can see ourselves online later, fret when no one responds to our witty remarks, snicker over who got fat after high school, pause during weddings to update our relationship status to Married or codify a break up by setting our status back to Single. Emosyong pinupuhunanan at sinasamantala ng kompanya upang kumita.

Tunghayan kung paano natin maaaring gawing produktibo ang paggamit ng social media at iba pang networking sites. Kung saan gagamitin ang "free social networking" scheme ng new media para sa bentahe ng mga gumagamit nito: New Media to Study Media.



No comments: