Wednesday, April 30, 2008

Banidoso


Kapag iniisip natin na maraming nagmamasid sa atin, mas lalo nating nararamdaman ang halaga ng pagiging banidoso. Ang pagiging banidoso ay hindi lamang limitado sa mukhang nais mong ipakita sa tao, ito rin ay ang pagmamatyag sa gawain mo.

Walang masama sa pagiging banidoso, pero ang hindi pag-amin sa katotohanang ito, oo.
Walang masama sa pag-amin na ikaw ay banidoso, ngunit ang higit sa pagiging ganito, oo.
Hinihingi nga ba ng pagkakataon na maging banidoso tayo?
Produkto nga ba ng pagiging banidoso ang patuloy na pag-usbong ng mga "cosmetic products", "medical tourism" at pagsikat ni Belo at Calayan? O, sadyang sumusunod lamang ito sa propisiyang binibigyang-diin ng kawalan ng "human satisfaction" -- kawalan ng kuntento at kasiyahan sa itsura mo.

Maraming kuro-kuro ang maaring itala sa puntong ito, ang etika mula sa Simbahan hanggang sa pamantayan ng lipunan tungkol sa kung ano ang maganda. Hindi pinipilit ang kagandahan o kaguwapuhan. Nalalaman nating hindi lamang pisikal na anyo ang batayan sa daigdig na ating ginagalawan, at maraming istorya na ang naghuhugpong sa mga kuwentong ito. Nakalap natin ang ilang konsepto ukol dito.

Una, ang pagmumukha mo ay may sariling awra sa pinakasimpleng itsura nito, ang paglalagay ng kosmetiks sa mukha ay isang pamamaraan upang mapaunlad pa ito -- ang resulta, pagtaas ng self-esteem, confidence at presentation. Ang mga nakikinabang sa uring ito ay ang mga sinasabi nilang "physically challenged" o simple lamang ang punto nito, nais mong gumanda lalo o nais mong maging maganda.

Ikalawa, ang pagiging banidoso ay hindi lamang ang tipikal na pghawak sa salamin, at pagsuri sa sarili. Ang pagiging ganito ay isang pamamaraan ng pagbabantay sa kalusugan, "health consciousness" sapagkat nabibigyang lunas ang mga hindi kaaya-ayang istruktura, maging ang hindi kanais-nais na amoy ng katawan.

Ikatlo, ipinapalagay na ang pagiging "vain" ay ang pinakasimpleng pamamaraan ng paghusga sa sarili. Sa isang daang paraan ng pagpapaganda, ito ang una sa listahan. Ito ay nakaayon sa intelektwal na pananaw.

Bago natin bigyang puna ang iba, bakit hindi muna natin bigyang puna ang sarili? Sa pagiging banidoso binibigyan mo ng pribelihiyo at karapatan na husgahan ang sarili mo. Sa pagharap mo sa salamin, direkta mong nakakausap ang sarili mo. 'Pag humaharap ka sa salamin, natutunan mong sagutin ang mga tumatak na tanong sa iyo, na hindi mo masasagot kapag hindi mo nakikita ang iyong sarili. Nakikita mo kung paano inaarte ng iyong mukha ang iba't ibang emosyon. Napapaisip ka kung hindi ba malaswa ang dating ng repleksyong 'yan sa ibang tao.

Kapag humaharap ka sa salamin, nakikita mo kung karapat-dapat pa ba ang mukhang nakikita mo, na manghusga sa kapwa mo tao.

*Mas maraming mas mahalagang isyung dapat bigyang-pansin, ngunit sa isyu ng maling paghusga, bigyan natin ng panahon ang pagtingin mismo sa ating sarili.

9 comments:

xchastine said...

"ganda mo ah!"
(haha. pasensya na, yan ang naalala kong linya habang binabasa ko ang iyong entry. :D)

xchastine said...

kung minsan, hindi mo nakikita sa salamin ang tunay na ikaw, bagkus, ay ang isang repleksyon na sinasabi mong, ang tunay na ikaw. hindi ba?

P O R S C H E said...

Sa salamin, nakikita mo ang kaibhan mo sa iba, kahit sa pisikal na anyo lang.

Tama ka, MINSAN pinaniniwala mo lamang ang iyong sarili na ikaw nga ang repleksyong nakikita mo sa salamin pero kung bibigyan mo ng patotoo ang lahat, hindi malabong magkaroon ka ng "Self-realization" -- ang tunay na ikaw.

Tulad ng aking sinasabi, ang eskapismo at pagpapanggap ay kasali sa proseso ng pagpapakatao o sasabihin ko bang pagpapaka-ikaw? :)

xchastine said...

ang eskapismo at pagpapanggap ay kasali sa proseso ng pagpapakatao?
-oo.

ang eskapismo at pagpapanggap ay kasali sa proseso ng pagpapa-ikaw?
-hindi.

yan ang language game ko. haha. :D

P O R S C H E said...

Sa ganitong paraan, mas nakikita ang hangganan ng pagpapakatao at ^pagpapaka-ikaw.

Kung iisipin, ang eskapismo paminsan - minsan ay isang daan upang makita nating muli ang dating ikaw? "Re-examining ourselves".
Tulad na lamang ng kagustuhan mong makapasok muli sa zoo. Ito ay hayagang pagpapasakop muli sa ating dating ulirat, dahil hindi naman ito ang mundong ating ginagalawan ngayon.

Sa gayon, maari ko ring masabi na bahagi nga ang eskapismo't pagpapanggap sa proseso ng pagiging ikaw.

Dito, natututo tayo, at nagninilay sa kung ano na tayo sa ngayon. MAY PAGABABAGO MAN O WALA.:)

xchastine said...

lagi bang kaakibat ng eskapismo ang pagpapanggap?

P O R S C H E said...

Maari. Depende sa pagtingin.

Sa iba, maaring sila'y magkaakibat.
Sa iba, ang dalawa'y magkakumplementaryo.
Gayon din sa akin, depende sa sitwasyon.:D

xchastine said...

okay :)

P O R S C H E said...

Hmmm.:)