Ang kalalaba lang na pekeng puting tsaks teylor ay bahagyang naging kulay abo. Mas litaw na ang putik at ang ilang patak na kumapit na sa telang sapatos. Ang plantsadong tiket sa bus na kanina'y hawak ko, di ko namalayang nagkapunit-punit sa tindi ng hawak ko. Hindi ko alam kung paanong bitbit ang gagawin para buksan ang itim na payong ko, kasabay ang napakaraming taong nagtutupi at nagbubukas ng mga tumutulong payong nila. Basa na rin ang bag ko.
Tumutulo sa balikat ko. Sinipsip na ng tela ng damit ko na gumapang na hanggang sa likod. Pareho rin pala ang kaso nito sa pantalon ko. Sinipsip na pataas ng pantalon ko ang tubig-ulan na may halong putik, na ngayon ay umabot na sa bandang tuhod. Basa na ang manggas ko, siguro dahil sa maliit na saklaw ng payong na ito. Basa na rin ang kamay ko.
Hindi nga magkamayaw ang mga tao para sa mabilis na paglakad. Kanya-kanyang diskarte para makatawid sa kabilang kalye o makauna sa sasakyang jeep, FX o kaya nama'y pila sa LRT. Ang ibang walang payong, napilitang gawing pandong ang sliding folder at clearbook na hawak nila. Samantalang sa di kalayuan, panalo na ang gabi ng mamang nagtitinda ng tig-P50.00 na payong. Dito ko nabili ang itim na payong na gamit ko.
Kahit bali na ang isang bahagi ng kalansay nito, naihatid ko pa rin naman ang isang kaibigan sa dorm at pati na rin ang sarili ko.
__________________
*Ang pangalan ng bagyo ay Karen, na may international name na Nuri. Binabagtas nito ang daan pahilaga at direktang natatamaan ang mga lugar sa Hilaga -- Cagayan at Isabela. Dala ng buntot ng bagyo, nagdudulot ito ng malakas na pag-ulan sa Kamaynilaan, gayon din ang mas lumalang BAHA.
"Typhoon NURI (KAREN) now bearing down along the coast of
Extreme Northern Luzon. This system may enhance the SW Monsoon
Rains across Western Luzon. (Typhoon2000.com)"
Extreme Northern Luzon. This system may enhance the SW Monsoon
Rains across Western Luzon. (Typhoon2000.com)"
Sa mga may katanungan sa pinakahuling balita sa lagay ng panahon, pangalan ng bagyo, bilis/galaw, saan patungo, apektadong lugar, maging ang kasalukyang estado nito, abot-kamay niyo na ang mga eksaktong detalye ukol dito, sa aking sidebar link sa pangalan na "MAY BAGYO BA?" Ito ay mula sa typhoon2000.com.ph.
7 comments:
Yes. We share the same ulan blues. Hahaha. Lalo na sa TAft!!!
Buti nga tayo yan lang ang dilemma eh. pero come to think of it ang mga rural people? tsk.. buhay ang iniisip. buti na lang nakaalpas na si karen.
nice blog theporsche. padaan ah.D
-pinoytektek
Kaya umabot sa tuhod ang baha dahil bungkal nang bungkal. Mas lumala tuloy ang sitwasyon. kung di ako nagkakamali, sa buong Metro Manila yan, dahil pinapalitan nila ang mga tubo ng bago. Tsk Tsk.
the problem is: ayan na yung problema, pero sa isang bukas, sa isang bukas, sa isang bukas pa ang solusyon.
To hydee: Haha. Napapadaan ka rin pala dun. Lubog kung lubog no? :D
TO pinoytektek: Tama ka! Salamat po!
To hugo: tama ka, pinapalitan po ang mga tubo sa Kamaynilaan sa panahong ito.
To brokendamsel: hindi lang sa isang bukas, baka sa isang taon pa. Hehe. :D
ay late na. hehehe. pareho ng blues ng mga taga marikina at malabon.
SA INYONG LAHAT:
Magdala ng payong. Hehehe. At magbaon ng tsinelas. Baha sa Taft. Sensya na sa late comment.:D
Post a Comment