Wednesday, October 15, 2008

Professor X

Ang pagbabalita gamit ang teleprompter (news casting) ay sampung porsyento lamang ng layuning maghatid ng impormasyon sa publiko. Kapag sinabi nating responsableng pamamahayag, ito ay nakaangkla sa etika ng nabanggit na propesyon. Gayundin, ay sumasaklaw sa parehong mabubuti at masasamang mga balita. May karapatan ang publikong malaman ang nangyayari sa loob at labas ng lipunan. At ang tungkuling ito ay nakaatang sa lahat ng uri ng midya at iba pang kaugnay na behikulo ng impormasyon.

May mga balitang hindi saklaw ng sosyal at pulitikal na mundo katulad ng nakikita natin sa telebisyon. Karaniwang tanawin ang mga tunggalian sa pagitan ng mga pulis at manininda. Gayundin, ang huling balita sa Senado at Mababang Kapulungan – ika nga ang mga top stories of the day. Ang mga human interest stories ay mapapansing naisasantabi at halos walang lugar sa mga formal newscasts. Ang mga ito hindi man bumubuo sa konkretong balita ay singhalaga ng mga pangunahing balita/ ulo ng mga balita sapagkat ang mga ito ay mula mismo sa kuwento ng bawat tao. Hindi dapat mawalan ng puwang ang mga ganitong klase ng istorya sa daigdig ng pamamahayag, dahil kung gayon, hindi nito tuluyang naisasakatuparan ang malawakang at mala-alamat na layunin nito.

Sa kabilang banda, hindi dapat maging sensationalized ang mga isyu. Ibalita ito nang tama, wasto, at ang tanging pagkiling ay sa katotohanan lamang. Bagaman may lugar ang mga komentaryo sa himpapawid, ibang genre na ito at hindi na sakop ng isang news program o newscast sa telebsiyon man o sa radyo. Hindi rin nararapat magkaroon ng pabor sa midya ang mga pulitiko sa anumang paraan -- envelopmental journalism. Ang pagsuko sa ganitong uri ng represyon at panunupil sa larangang ito ay isang pagtataksil sa publikong pinagsisilbihan ng mga mamamahayag. Hindi dapat supilin ang larangang ito. Hindi rin naman dapat abusuhin.

Tulad ng sinabi ni Professor X kay Jean Grey sa paggamit ng kanyang pambihirang kapangyarihan,

"Either the power will control you,
or you will control the power..."


At sa ating pagkontrol, hindi ibig sabihin na tayo na rin ang gagawa ng dahilan upang isuplong ang kapangyarihang ito sa dimensyong mapanganib na sa sangkatauhan.

Ganito kakapangyarihan ang larangan ng pamamahayag.
Inform not to deform. Express not to impress.

6 comments:

Anonymous said...

At, talagang nagawa mong ikonek ang journalism sa x-men! hAhAhaaa..

Anonymous said...

Of course, we should control our power. the same way sa paggamit.. control lang.

Ienne said...

At sa ating pagkontrol, hindi ibig sabihin na tayo na rin ang gagawa ng dahilan upang isuplong ang kapangyarihang ito sa dimensyong mapanganib na sa sangkatauhan.

- TAYO? Hmmm. Okay. Hahahaha.

Anonymous said...

Professor X and media.. i can't imagine na nagkaroon sila ng connection.. hehe. yes, i agree. moderate control. yung sapat lang. lahat naman ng sobra, hindi na maganda.

P O R S C H E said...

Sa lahat:

Mayroon talagang koneksyon ang pamamahayag sa maraming paraan dahil maiiuugat ito sa mekanismo ng lipunan.

Railey! said...

we will control our power. yung tama lang. lahat naman ng excessive wasak!