Sunday, July 26, 2009

NYUSPEYPER

Moralidad at ang Pagturin sa Balita

Ayon kay Dr. Edberto Villegas, eksperto sa ekonomiyang pulitikal at pananaliksik, bagaman iba't iba ang batayan o pagtingin natin sa estetika, tukoy ng bawat lipunan kung ano ang katanggap tanggap sa bawat isa. Ang lohikang ito ang mismong babagtas sa konsepto ng moralidad sa usapin ng pamamahayag sa kabuuan. Bagaman kinikilala ang iba't ibang anggulo sa pagsasaalang-alang ng tama at mali, tukoy ng lipunang Pilipino kung ano ang mga konsepto o ideyang morally apprehensible sa hindi.

Makikita ang matalas na pagkakaiba ng broadsheet at tabloid sa usapin ng pagpili ng istorya. Sapagkat mas maliit ang espasyo sa tabloid, mas maliit rin ang inaasahang pagkonteksto sa mga balita. May puntong naisasantabi na ang mga pambansang isyu. Sa kaunting espasyong ito, nagkakasya ang maraming sambahayan para sa balita at impormasyon. Nagiging matibay na dahilan ang mababang presyo ng tabloid relatibo sa broadsheet upang hindi maging abot-kamay ng sambahayan ang sapat na impormasyong kinakailangan upang magampanan nito ang pananagutan bilang mamamayang mapangmatyag at kritiko -- isang esensyal na elemento sa isang "ipinapalagay" na demokratikong lipunan. Mahalaga ang gampanin ng responsableng pamamahayag upang patuloy na matustusan ang kakulangang ito.

Pansining ang banner headline o pinaka-ulo ng balita ng mga pahayagan -- mas binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga police stories (panggagahasa, pananamantala/molestation, kidnapping, atbp.) at mga kwentong ikamamangha ng mga mambabasa kumpara sa pambansang isyung inilalatag ng mga broadsheet. Sa anyo ng balita hanggang sa paggamit ng termino, pumapasok ang isyu ng tama o mali.

Sa kabilang banda, ang ganitong senaryo ay maiuugat natin sa labanan sa hanay ng pahayagang tabloid sa Pilipinas. Maaring ang dami at mahigpit na kompetisyon sa grupong ito ang nagtutulak upang maging sensationalized ang pagturin sa balita (news treatment) maging sa pagpili ng mga salita.
Ito ay nagmimistulang laro ng salita upang kilitiin ang emosyon ng publikong mambabasa. Muli, tukoy natin ang mga salitang alam nati'y hindi angkop na ilahad sa mambabasa, kasabay nito ay nararapat ding tukoy ng mga mamamahayag ang mga bagay na aayon at tataliwas sa "Etika ng Pamamahayag." Layunin nitong isaayos ang paraan ng pagbabalita ng mga mamamahayag mula sa teknikal hanggang sa pagkonsidera sa human conscience o konsensya sa iba't ibang daluyan.

Mahalaga ang papel ng mga independent instituitions na nagbabandila ng interes ng mamamayan para sa makabuluhang impormasyon (PCIJ, NUJP, Center for Media Responsibility, KBP), gayundin ang mga natatanging daluyan ng alternatibong pamamahayag tulad ng Bulatlat at IBON Foundation upang sambutin ang kakulangan ng tabloid journalism sa bansa. Kung hindi magbabago ang news treatment hindi lamang sa pahayagang tabloid kundi maging sa lahat ng uri ng midya, bulnerable pa rin ang bawat Pilipino sa kulturang dekadente sa dapat sana'y lipunang di-bansot sa impormasyon o information-rich society.

Monday, July 20, 2009

The Bluebook Review: Elections

Election as a hallmark of democracy

Election aggregates the preferences of the voting public. It is a direct manifestation of the practice of sovereign will. This encompasses the following:

1. leadership selection
2. performance review
3. renewal of consent
4. index for political purposes
5. access channel


Through election, people choose leaders who they think can best represent their ideals, aspirations and interests -- a tenet of democracy as supreme power comes from the people and government authorities emanate from them. Election exhibits the political will of the public.

People gives authority to aspiring leaders to act in the name of the people.
(A COMPLETE REVERSE!)

"Demokratiko ba ang Pilipinas? I believe that we don't have a democracy, I believe that we have democratic forms (like election) but we don't have democratic processes for a simple reason that we don't have a material base for it."

- Sis. Mary John Mananzan
in my interview on
human right's activism

_______________
Political Science 14: Philippine Government and Politics
Prof. Carl Marc Ramota (Dept. of Social Sciences, UP Manila)

Monday, July 13, 2009

NYUSPEYPER

(Ikalawang Bahagi) Ekonomiyang Pulitikal ng Tabloid Journalism sa Pilipinas
Silipin ang unang bahagi

Kung tutuusin, walang masama sa tabloid journalism bilang isang lunsaran ng pamamahayag. Nagkaroon na lamang ng malaking lamat ang imahe nito bunga ng negatibong pagtanggap mula sa mga kritiko, kasabay ng pag-ibayo ng mga konotasyong nagdidiin sa katangian nito bilang isang midyum. Ito ay isang usapin ng imahe at pagkakagipit sa materyal na kondisyon.

Bastardized Journalism?

Nagsisimula ang gusot nito sa mga pagkakataong naisasantabi na ang etika at propesyunalismo sa pagsusulat ng mga artikulo. Bininyagan ng masamang konotasyon ang tabloid sa bansa -- at tila pinaninindigan na ang konotasyong ito magpasahanggang ngayon. Ang paglalakip ng deskripsyong "epitome of bastardized journalism" sa mga tabloid ay isang ideolohiya ng mga may kapangyarihan upang patuloy na isulong ang interes ng mas malalaking media outfit/outlet na kadalasa'y pagmamay-ari nila.

Isang SUGAL.

Pansinin na ang nagmamay-ari ng mga malalaking media outfit sa bansa ay pawang mula sa mayayamang pamilya (Lopez, Gozon, Cojuanco, atbp.) Agawan sa trono kung sino ang numero uno sa ratings game ang kani-kanilang istasyon. Ang masaklap pa rito, hindi na lamang sa telebisyon ang okupado nila, kundi maging ang lahat ng porma ng daluyan -- TV, radyo at maging sa print. Sa gayong kalagayan, nagiging estratehiya ng mga maliliit na media outfit katulad ng tabloid at iba pang kasapi ng maliliit na print media outfit na maglabas ng mga istorya, lahok, balita o artikulong hindi kayang pangatawanan ng mga istasyon tulad ng ABS-CBN, GMA 7, TV5 at iba pa. Inilalahok ang mga kuwento ng romansa, sex, emosyon at libangan -- sa puntong tuluyan nang nakukumpromiso ang kaangkupan ng mga salitang dapat gamitin, maging ang pamantayan sa responsableng pamamahayag -- lahat ng ito ay isinusugal makasabay lang sa daluyong ng mga higanteng media entity sa nagmomonopolisa sa viewership/subscription sa kahit anong porma ng news media. Gayunpaman, ang ganito ka-liberal na paraan ng pamamahayag ay nararapat pa ring kondenahin at baguhin!


Malaki ang gampanin ng mga mamamahayag upang maipasa ang istorya sa takdang panahon, ika nga beat the deadline. Bunga nito, maaring hindi mabigyan ng kumprehensibong pagsusuri ang veracity/worthiness o sukatan kung gaano kahalaga ang tampok na balita, gayundin ang kalidad ng gramatika at pagsasalaysay ng balita ayon sa teknikalidad at journalistic standards. Itinatampok dito ang mga madaliang pangangalap ng "scoop" na walang alalahanin sa kaayusan ng pagkakasulat. Ang mga ito ay maaring maiugat sa dalawa: (1) upang maparami pa ang tumatangkilik kasabay ng pagtaas ng benta (2) relatibo sa una, upang ipakilala ang pahayagan na laging una sa balita (wala pa rito ang usapin kung anong katangian ng balita o sa paanong paraan ito nakalap).

Hindi rin nabibigyang atensyon ang balanseng distribusyon ng mga artikulo -- kung ano ang pawang mga balita, lathalain, balitang pampalakasan, showbiz at panlibangan; kung ano ang dapat nasa harapan at likod. Halu-halo at may kakulangan sa organisasyon. Ang nagiging batayan kadalasan ay kung ano sa palagay nila ang bebenta sa mata at kikiliti sa emosyon ng mga mambabasa -- isang malaking pagtatangka na makabutas sa solidong bahagdan ng mambabasa ng mga nanaig na print medium; isang penomenon kung saan hindi na dapat pang magtaka kung bakit may double standard sa usaping ito. Ibang- iba ang pagtingin sa tabloid at broadsheet. Tiyak ang pagtatangi at matalas na iginuguhit ang pagkakaiba ng dalawa.

Para sa mga
kritiko ng moralidad at konserbatibong panahanan, malaswa at hindi na dapat pang tangkilikin ang tabloid at kaugnay na midyum, ngunit kung tatambalan natin ng malalim na pagsusuri, mauunawaan natin kung bakit nagkaganito ang katangian ng tabloid journalism sa ating bansa sa mahabang yugto ng pag-iral nito bilang behikulo ng impormasyon.

Itutuloy.
Susunod: Moralidad at Midya

Saturday, July 11, 2009

NYUSPEYPER:

Pinoy's "Tabloid Journalism"
_____________________

"Kalaboso ka ngayon,
Mister kinana ang dalagitang anak!"

"Himas rehas ulit si Erap,
Panibagong "deal" bumukol!"

"Jacko Wacko: Namatay o Pinatay?"


Bulgar. Pilipino Star Ngayon. Bomba. Tiktik.
People's Tonight. Taliba. At Iba Pa.
Dyaryo. Tabloid. Nyuspeyper.

Ang print media ang isa sa pinakamabilis na paraan upang maipahatid sa publiko ang mga balita, lalo't higit kung pag-uusapan ang presyong kayang balikatin ng karaniwang panahanan. Sa mainstream media, hindi nabibigyang-pansin kung ano ang mga ilalahok na artikulo bago ang publikasyon ng mga ito.

Magaspang. Hilaw. Puno ng emosyon.

Sa tindi ng kompetisyon sa hanay ng tabloid, naisasantabi ng buong grupo ng tigakalap ng balita (news gathering group) at ng editorial staff ang mga karapat-dapat na mailinya sa ulo ng mga balita. Mapapansin ng karaniwang mambabasa ang malalaking font sizes and styles ng mga tabloid -- lahat ito ay kasama sa pagpapakete ng produktong binubuo ng ilang pahabang newsprint na hinati sa dalawa.

Bukod sa kagila-gilalas na tiklada ng mga letra, ibang istilo rin ang ipinamamalas ng mga tabloid journalist sa pamagat ng kanilang mga artikulo. Ang punto, isang kahanga-hangang tagpo ang gamitin ang ating sariling wika, ngunit hindi ang mga salitang kalye (hind angkop na salita) at mga pariralang binabansot ng konteksto at etika -- halimbawa, umiskor, binrotsa, kinana, bukol, a-putol-ari at iba pang salitang maaring magdulot ng double meaning o di kaya'y kalituhan sa pinatutungkulang mambabasa.

"Punung-puno ng mga litrato, hitik sa mga balitang itriga at showbiz, may balitang pampulitika man ay bubusugin ka ng iba't ibang bahid ng kontrobersiya -- tabloid na tabloid ang dating." -- ganito ang pagturin sa ating tabloid journalism. Sa pagdaan ng panahon, makulay ang naging kasaysayan ng tabloid journalism sa Pilipinas. Maliban sa pagiging mura nito (P8.00 - 10.00 bawat isa - arawang isyu) kumpara sa mga broadsheet, madaling nakaeenganyo ng mamimili ang daluyang ito sapagkat: (1) madaling maunawaan at makaugnay ang publiko dahil sa ginagamit nitong midyum, (2) agresibo ang paglalagay ng mga picture fields at iba pang eye-catching elements sa harapan ng pahayagan (3) nakabubuo ng ilusyong "eskapismo" o pansamantalang pagtakas reyalidad ng buhay sa anggulo ng pagsisiwalat ng buhay ng mga artista, selebriti at pigurang pampubliko -- mula sa karera nito, love triangle, mga pinaretoke at salamat dok, sekswalidad, sex life at ibang tawagin nating "matters of personal interest" -- LAHAT ITO, may layuning kilitiin ang interes ng mga mamimili kapalit ang pagkasalaula ng kaluluwa ng "PAMAMAHAYAG."

Itutuloy.

Monday, July 06, 2009

News "High Light":

On Michael Jackson and the News Media*

Today's media has once again proved its character of being celebrity-centered. When Michael Jackson's death was confirmed, American media outlets were in a rush to get the latest buzz dealing with stories on what triggered the death of the pop legend. They were eager to scrutinize the premises of the late icon including their initiatives prior to police investigations. They even demanded to get the statements of Jackson's family on specific issues which were beyond people's concern. I must agree that one of the most publicly recognized profiles of today's media is telling what the people wanted to know (or should I say, what the people wanted to hear). All of these, the luminaries say are grounded on the public's right to know, right to information and right to be informed principles -- these concepts were overstretched, were given extreme interpretation that they no longer suffice the real concept of journalism for the people but rather journalism to gain greater media mileage by way of advertisement-catch and household ratings.

Martin Bashir, a British news correspondent, filmed a documentary entitled "Living with Michael Jackson." Bashir fronted MJ with a commitment to air his story and nothing more, but in its official airtime, MJ and viewers were surprised to see the fabricated and twisted story of Jackson. This surfaced issues on childhood, career, music, relationships the controversial Neverland Ranch, child molestation cases, facial surgery and other matters of personal life. It was only proven then when a take two entitled, "MJ: The Videos You Were Never Meant to See" was aired, this time using the "savior" camera of MJ himself which captured the details of Bashir's interview including conversations when Bashir's camera crew was off. This documentary served as a rebuttal to the alleged first manipulated film. It was further revealed that Bashir cut and spliced most of his interview clips to favor his projected storyline. Not to mention his pleasing statements on the actual interview, which were turned into harsh words in his documentary. Without a doubt, this example showed the downlay of legitimate news to favor scoops which will arouse public interest -- doing it the unethical, sensationalized, unprofessional way. Lessons from which must be learned and applied.

Jackson's superstardom plagued with wins and controversies up to his sudden death merely shows how news media has become an instrument to either denounce or promote personalities and events. Too bad for it, that it seems that this kind of media treatment is favored by the people, as what TV ratings show. There are many stories to ponder on, especially the stories which are not given ample space in the realm with greater opportunity -- the worthy stories of the marginalized and the oppressed. Responsible journalism is the provision of objective and fair information which will help shape socio-political consciouness and opinion; foster an enabling environment to perform the public's citizen-critic duty and maintain the essence of press freedom as a hallmark of genuine democracy -- by these we are assured that the "right to be informed, right to information and public's right to know" clauses are properly staged.

______________
*a manifestation of bourgeois journalism

Wednesday, July 01, 2009

Ang Sabi ni Nanay Nenita*

Ang sabi ni nanay, ikuha mo ako bunso ng panggatong at isasalang ko,
ang kapeng papawi sa lamig ng sikmura ng tatay mo;
Ang sabi ni nanay, ipitas mo ako ng upo, siguruhin mong sa gulang ay wasto;
at gugulayan ko ang sardinas na ihahain sa ating "grupo";

Ang sabi ni nanay, angkinin niyo ang tahanan
at mapagkumbaba kong iiwan ang panahanang binansot ng kawayan;
Pagpasensyahan niyo tutoy at darating ang araw -- patitikasin muli
ng bagong tabas na buho ang panahanan;

Ang sabi ni nanay, sasadyain ko na ang bayan,
huwag kayong mabahala,
at ang kapirasong kusing ay ibibili ko ng tinapay,
kasabay ng monggong binalot sa harina, paborito ni bunso -- ngatai't abangan;

Ang sabi ni nanay, nais kong makapag-aral aking mga supling,
kahit katunggali ko ang kanilang amang ang tanging naisin,
ay matutunan
ang buhay-saka at ilinya ang tudling;

Ang sabi ni nanay, kumain kayo nang marami't huwag mahihiya,
matutuong kumain ng dahong sa Maynila'y luray na;
matutong makipamuhay sa piling ng masa,
at wasakin ang konseptong mapang-alipusta;

Ang sabi ni nanay, maligo kayo sa sapa, damhin,
ang payak na pamumuhay ng kabundukan,
labhan ang pirasong damit na naputikan, sa malawak na ulanan isalansan;

Ang sabi ni nanay, saan kayo pupunta? Kailan ang alis at bakit kailangan pang,
lumipat nang tutuluyan gayong kumportable na?
Bukas ang pinto ng aming tahanan,
kung gusto niyong bumalik, alam niyo na ang daanan,
kung sakaling nakapinid yaong pintuan,
alam niyo na ang sikutan at kung saan ang lusutan;


Ang sabi ni nanay, akala ko'y palungsod na, ang grupong aking inalagaan?
binusog ng kaalaman mula sa presyuha't tulungan, bumalik man kayo rito'y,
handa pa rin inyong tulugan
;

Ang sabi ni nanay, sa aming pagkikita, mag-ingat ka iho, pabalik sa Kamaynilaan, hanggang sa susunod na pagkikita, kailan kaya itatakda?

Sa lahat ng ito'y may hindi sinabi si nanay,
ngunit mas ramdam kaysa kung inusal
nabatid na hindi na kailangang sabihin pa --
ang isang tahimik na tagubilin mula sa kanya.

Hindi niya man sinabi ngunit pinaramdam,
ang pagiging lahat at ang pagiging ina.

_____________
*Si Nanay Nenita, kabiyak ni Tatay Efren na naitampok natin, Hunyo 15. Isang inang magsasakang naging manininda sa kalunsuran. Isa sa mga inang nagturo, nag-aruga at kumalinga sa aming pangkat sa nakaraang praktikum. Hindi ko man mapagsama-sama ang larawan, ang mga tagpong nasa itaas ang sumasalamin sa aming pakikimapuhay sa iba't ibang panahana't pamilya, sa piling ng masa.