Sunday, August 24, 2008

Advertising at Media

Nakadalo ako sa isang alternatibong pamamaraan ng diskusyon sa klase at ang paksa sa pagkakataong iyon ay Social Aging. Doon ipinakita ang ilang tagpo kung saan nailalarawan ang penomenon sa pagitan ng social aging at media.

Ang asersyon ng tagapag-ulat: naiimpluwensyahan ng media ang persepsyon ng tao sa kung ano ang dapat maging batayan ng kagandahan at kabataan. Inilulunsad ng media ang stimulo upang pag-isipan ng masang manonood ang kondisyong magpapatibay na ito ang tunay na sukatan ng kung anuman. May punto ang argumentong ito, ngunit tingnan natin ang isang pagtingin na kinasasangkutan ng media at ng advertising.

Media at advertising. Nararapat nating linawin ang hangganan ng dalawa.

Ang media ay binubuo ng print, broadcast, mass, news at anu pa mang elementong may kakayahan upang itawid ang mensahe sa isang channel, gamit ang isang midyum. Ang mga broadcast network / TV Stations / radio stations at iba pang himpilan ay broadcast, news at mass media sapagkat sila ang may behikulo upang ipabatid ang impormasyon kailangang malaman ng publiko - gamit ang mga broadcast equipment tulad ng OB van (out broadcast van), SNG (satellite news gathering), mikropono, radyo, kamera at ang mismong broadcast journalist/commentator/etc. Sa kabilang banda, media rin ang tawag sa Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Bulletin at iba pang pangunahing pahayagan sa bansa, kasama na ang magazines (politikal man o showbiz) at kabilang sila sa tinatawag na print media. Samakatuwid sila ang may kapangyarihan at may awtoridad upang ipalaganap sa pinakamabilis na paraan (means) ang mga pampublikong impormasyon.

Ang advertising ay ang pangkalahatang pamamaraan ng panggaganyak sa publikong komersyante ukol sa isang produkto, pangyayari o anumang bagay na nangangailangan ng "promotions." Isinasagawa ito sa iba't ibang stratehiya o dulog kabilang ang paggamit ng sikat na persona, jingle, pagiging eksaherado at iba pa. Sa paanong paraan? Sa paggamit ng media, sa lahat ng kauri nito kabilang ang Internet, print, visual/TV, radyo at iba pa.

"Marapat nating isipin ang pagtingin na ito: na ang media at advertising ay hindi mapaghihiwalay na ideya, ngunit, magkaibang konsepto. These are inseparable ideas but they are not the same."

Sa kaso ng paggamit ng media sa advertising upang ipakita ang batayan at ideya ng "aging", kabilang na ang paggamit sa mga artista sa public ads, dala ang isang mapanghamig na story line, may dalawang truth theories na inilahad sa diskusyon:
  • social learning
  • people's perception of reality (what is perceived by the majority)
Kung ang media ay instrumento lamang ng advertising upang ilako ang isang produkto, saan nga ba maaring iugat ang mga truth theories na umiiral sa lipunan: sa Media nga ba o sa Advertising?

________________
*Kahit sa kursong Mass Communication, iba ang distribusyon ng majors, may pagkakataong mamili ang mga estudyante sa advertising, broadcasting at writing. Nag-iiba lang ang katawagan, kung hindi man nilalahukan pa ng ibang kategorya.

Wednesday, August 20, 2008

Umuulan Blues

Ang kalalaba lang na pekeng puting tsaks teylor ay bahagyang naging kulay abo. Mas litaw na ang putik at ang ilang patak na kumapit na sa telang sapatos. Ang plantsadong tiket sa bus na kanina'y hawak ko, di ko namalayang nagkapunit-punit sa tindi ng hawak ko. Hindi ko alam kung paanong bitbit ang gagawin para buksan ang itim na payong ko, kasabay ang napakaraming taong nagtutupi at nagbubukas ng mga tumutulong payong nila. Basa na rin ang bag ko.

Tumutulo sa balikat ko. Sinipsip na ng tela ng damit ko na gumapang na hanggang sa likod. Pareho rin pala ang kaso nito sa pantalon ko. Sinipsip na pataas ng pantalon ko ang tubig-ulan na may halong putik, na ngayon ay umabot na sa bandang tuhod. Basa na ang manggas ko, siguro dahil sa maliit na saklaw ng payong na ito. Basa na rin ang kamay ko.

Hindi nga magkamayaw ang mga tao para sa mabilis na paglakad. Kanya-kanyang diskarte para makatawid sa kabilang kalye o makauna sa sasakyang jeep, FX o kaya nama'y pila sa LRT. Ang ibang walang payong, napilitang gawing pandong ang sliding folder at clearbook na hawak nila. Samantalang sa di kalayuan, panalo na ang gabi ng mamang nagtitinda ng tig-P50.00 na payong. Dito ko nabili ang itim na payong na gamit ko.

Kahit bali na ang isang bahagi ng kalansay nito, naihatid ko pa rin naman ang isang kaibigan sa dorm at pati na rin ang sarili ko.

__________________
*Ang pangalan ng bagyo ay Karen, na may international name na Nuri
. Binabagtas nito ang daan pahilaga at direktang natatamaan ang mga lugar sa Hilaga -- Cagayan at Isabela. Dala ng buntot ng bagyo, nagdudulot ito ng malakas na pag-ulan sa Kamaynilaan, gayon din ang mas lumalang BAHA.

"Typhoon NURI (KAREN) now bearing down along the coast of
Extreme Northern Luzon. This system may enhance the SW Monsoon
Rains across Western Luzon. (Typhoon2000.com)"

Sa mga may katanungan sa pinakahuling balita sa lagay ng panahon, pangalan ng bagyo, bilis/galaw, saan patungo, apektadong lugar, maging ang kasalukyang estado nito, abot-kamay niyo na ang mga eksaktong detalye ukol dito, sa aking sidebar link sa pangalan na "MAY BAGYO BA?" Ito ay mula sa typhoon2000.com.ph.

Tuesday, August 12, 2008

Hambog

"Hindi ko alam kung bakit napakataas ng ere niya. Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong pakisamahan ang nakapang-iinit ulong sitwasyon sa tuwing nandyan siya. Hindi ko alam, ngunit hindi ko magawang titigan siya nang lubusan..."

Kung umasta siya akala mo haring kailangang bigyang pugay! Madalas, napakaraming tao ang pipiliing tumungo na lamang upang hindi na siya makita. Gayon din, maraming tao kabilang na ako ang napapakunot ang noo, at napagsasalubong ang mga kilay sa tuwing mararamdaman ko ang nakakatuyo niyang presensya. Wala naman kaming takas, dahil tila ba sinusundan kami ng papansing ito. Nito lang mga sumunod na araw, parang nasa pugon ako nang naramdaman kong andyan na siya, parang – kumukulo na ang tubig sa takure, nasusunog na ang sinaing sa kalan, uling na ang iniihaw na isaw.

Sa loob ng shopping mall, sa chilling section ng grocery, sa Starbucks, sa bilihan ng yelo, sa anumang kwarto o lugar na de-aircon o kahit pa sa loob ng ref, at sa kung saan mang lugar na maari kong hintuan upang makaramdam ng kaginhawaan kahit saglit lang, sisikapin kong makarating sa lahat ng ito. Nag-iba na kasi ang ihip ng hangin. Hindi ko na malaman kung kailan ko siya dapat iwasan. Hindi ko na matiyempuhan kung kailan siya darating. Kahit anong oras nararanasan ko, at naghihirap ako sa kanyang bagsik. Para bang nanunukso. Nakakatuyo! Hindi nagtagal, napansin kong mas nag-aalab ang nararamdaman ko. Nakita ko ang aking sariling nagpupuyos. Mas nakakairita ang bawat araw na nagdaraan. Ibang iba na talaga ang hagupit ng kaangasang iyon sa ngayon kaysa dati.

Sa kabila ng katangiang ito, wala man lang maglakas loob na lapitan siya, kahit man lang pagsabihan siya. Wala kaming magawa kundi manatiling malayo sa kanya. Anumang pamamaraan an gaming gawin – tila mas malakas siya ngayon. Ang iniiwasan niyang bagsik ng malagkit na bagay na ipinapahid ko dati, ngayon wala nang bisa sa kanya. Walang dating. Walang kuwenta. Ang tanging pananggalang ko na lang hanggang sa ngayon ay ang aking palad (panakip sa mata, para hindi ko na talaga siya makita) at ang isa pang secret weapon upang padilimin ang nagbabaga kong paningin sa tuwing nandiyan siya. Pwede rin naman akong pumikit na lang nang parang natutulog lang, pero, hindi sa lahat ng pagkakataon maari ko itong gawin – madadapa ako kung naglalakad ako, matatalisod ako kung tumatakbo ako, baka madulas pa ko, baka mahulog pa ko sa manhole.

Nakipagkasundo na ko sa kanya. Inuunawa ko na lang siya dahil mapapagod lang akong ipilit ang gusto ko. Oo, naging bahagi na siya ng buhay ko. Tsaka napagisip-isip ko, mas maganda pa rin pala ang araw ko kung siya ang kasama ko. Kahit badtrip minsan.

Pero, alam kong may katapusan ang lahat. Tulad ng ningning ng isang bituin, karera niya’y matatapos rin at tuluyang mawawalan ng ningning. Tulad ng isang bituin,init niya’y mananamlay at siya’y lilipas din. Kung kailan ito mangyayari? Hindi ko rin masasabi, siguro -- ikaw, ako, tayong lahat lusaw na rin sa pagkakataong ‘yon. Sa ngayon, makikisilong muna ko sa natitirang puno, magsusuot ng shades kung kinakailangan, siyempre, isisilid na ang pamaypay sa bag, magbabaon ng tubig sa isang sisidlan, kahit wala nang talab ang sun block -- alam kong ang iba, gagamitin pa rin ito upang protektahan ang kanilang balat.

Sa ngayon, patuloy pa ring haharapin ang buhay, patuloy pa rin ang pagsalubong sa isang umaga, kasabay ng pagsilay sa nakasisilaw na liwanag ng Araw...araw-araw -- maliban na lang kung umuulan.


------------------------------
*Isang lathalain ukol sa pagbabago ng klima dulot ng global warming. Kung dati'y inaabangan siya tuwing Marso hanggang sa unang dalawang linggo ng Hunyo, ngayon kahit Agosto, pinapaiinit niya ang urban domains sa temperaturang naglalaro sa 33 hanggang 36 antas ng sentigrado. Gayon din, matatandaang sa panahon ng tag-init o summer, nagkaroon na ng panakanakang pag-ulan.
**Tuguegarao ang pinakamainit na lugar sa Pilipinas, dito naitala ang pinakamataas na temperatura - antas sentigrado (faqs.org at minsan ring naitanong sa PGKNB?)

Thursday, August 07, 2008

Bakit Pamamahayag?

Ang pamamahayag ay binibigyang dangal bilang isa sa pinakaglamoroso at natatanging propesyon. Kahit na mababa ang benepisyo, mababa ang sahod, walang tiyak na oras ng trabaho, marami pa ring may talento ang pilit na dumidikit sa magnet ng newsroom. Bakit? Dahil hindi nakasandal sa materyal na bagay ang tunay na pamamahayag. Ang kawalang bentaha sa materyal na aspeto ng mga mamamahayag ay tinatapatan naman ng mga malalawak at mala-alamat na benepisyo: power of the press, ang ligayang hatid kapag nailagay na ang pangalan sa isang naiwastong artikulo (byline), ang kasiyahan na isa ka sa mga nakauna sa impormasyong dapat malaman at ang di matatawarang karanasang lumubog at makihalubilo sa alinmang sektor ng lipunan upang kalapin at ipaalam ang kanilang kuwento. Ngunit, sa hinaharap, maraming uri ng pang-aabuso ang kinasasadlakan ng larangang ito. Bakit?

Una, inaabuso ng ilang pulitiko ang larangang ito. Dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihang politikal, ginagamit ang media bilang taktika sa pagnanais na mas palawakin pa ang saklaw ng kanilang pansariling interes (pogi points). Ang pagpayag ng mga mamamahayag sa kasunduang nabanggit ay sa sarili nito'y isang uri ng pang-aabuso. Inaabuso ng mga iresponsableng media practitioners ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila ng publiko sa pamamagitan ng pagpanig sa may kapangyarihan katumabas ang partikular na halaga (materyal man o hindi), ito ang tinatawag na envelopmental journalism -- ang pagpabor sa iilan at pagbali sa katotohanan.
This is nothing but a disservice to the public they all serve.
Sa kabilang dako, ang pagbibigay ng higit na pansin sa isang isyu ay isang uri rin ng pang-aabuso. Ito ang tinatawag na sensationalism. Kadalasan, binibigyan ng kakaibang atensyon dito ang mga isyung sa palagay nila ay mabenta at ikamamagha ng masa. Sa maraming pagkakataon, ito ay masasaksihan natin sa mga dokyumentaryo at iba pang investigative journalism sa telebisyon. Sa madaling salita, may punto ang opinyong "pinalalaki ng media ang isyu." Halos may koneksyon ang envelopmental journalism sa sensationalism. Bakit?

Dahil maari ring pinalalaki ang isang isyu upang panigan ang napangakuang may kapangyarihan (halimbawa, pagbibigay ng higit na diin o pagpapalutang sa isang bagong isyu -- isang diversionary tactic upang ilihis ang atensyon ng publiko sa isang iskandal sangkot si Mayor.)

Ang pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag ay isang isyung hindi na lingid sa kaalaman ng karaniwang Pilipino. Ito naman ang uri ng pang-aabusong mula sa pangil ng pamahalaan. Hindi pa nga nakakaahon sa malupit na nakaraan ang sistema ng kasalukuyan, bitbit pa rin nito ang diktaduryal na katangiang minana pa sa mga naunang rehimen. Kung huhugutin sa napapanahong konteksto, ang Manila Peninsula Siege ay isa lamang sa napakaraming senaryo ng panunupil sa pamamahayag. Hindi nakaligtas ang mga mamamahayag sa pwersahang pagposas sa kanila at pagkumpiska sa mga broadcast equipment. Dahil dito, tinatanggalan ng karapatang mabatid ng ordinaryong Pilipino ang katotohanan sa isang isyu at nawawalan na kaluluwa ang democratic character ng ating bansa.

Hindi pa nababanggit diyan, ang mga politikal na pagpatay sa mga mamamahayag at iba pang media practitioners na kilalang kritiko ng pamahalaan. Mababatid na ang rehimeng Marcos ay panahong may umiiral na Batas Militar, kung saan mas katanggap tanggap isipin na may mga kaso ng pagpaslang sa mga bumabatikos sa pamahalaan. Sa panahong ito, kinahaharap ng larangang ng pamamahayag ang pinakanakapanlulumong serye ng panunupil -- kung saan wala pang naidedeklarang batas militar.

Government tries to filter what the public should know
And for that, they are not only inhibiting Philippine Journalism
But also killing Filipino's will to democracy.

Sa mga sitwasyong ito, mas makikita natin kung gaano makapangyarihan ang pamamahayag at ang pagnanais ng publikong malaman at maunawaan ang katotohanan -- upang supilin, abusuhin o gamiting kasangkapan para sa pansariling interes.

Sinasabing walang absolute. Pero, hindi ibig sabihin na gagamitin na ang mga salitang ito sa mga pagkakataong nagkamali at naabuso ang sektor na ito. Oo, may kani-kaniyang karupukan. Ngunit, sa napakaraming karupukang ito, hindi natin dapat isantabi ang samu't saring paraan upang maiwasan ang mga ito.

Ang larangang ito ang nagsisilbing behikulo ng impormasyon ng masang Pilipino -- sa publikong sinasabing ang tanging armas ay ang katotohanan. Tulad ng edukasyon, karapatang malaman ng masang Pilipino ang lahat ng katotohanan, at ang mundo ng pamamahayag ang naitalaga upang ipaunawa at ipabatid sa kanila ang mga ito.
_________________________
*Para sa akin, sumunod sa pagiging guro, ang responsableng mamamahayag ang ikalawa sa pinakanatatanging propesyon sa mundo. Bakit? Sa pagyakap mo sa propesyong ito, niyayakap mo na rin ang pananagutang magbigay-alam ng katotohanan sa publiko. Hindi pagpapakamartir, ito ang tunay na layunin ng pamamahayag, at bihira ang nakatutupad sa kahilingan nito.

Sunday, August 03, 2008

Off-putting

Since I have been studying Journalism at my own pace using information from the university library, on-line journals, textbooks, television, newspapers, journals, among others, I attempted to recognize the strengths and the weaknesses of this profession. And since I have already shared (in my earlier posts) the broad societal role of journalism, the significance of media in political conflicts, its tripartite role and other positive remarks, it's about time to flip the other side of the coin.
  • Yes, the press should present the truth about any event or story. But realistically, it can present only some facts about every story, for news reporters are not the omniscient observers that they might seem to be.
  • According to David Broder, a Pulitzer prize-winning columnist and author, press reports are flawed: (1) time pressure under which reporters have to submit their news stories; (2) inability to reach all the sources they would wish to interview or research (though, it is their duty to sniff out all sides of the truth, situations themselves sometimes do not cooperate). I remembered my Journalism teacher in grade school pointing out the relevance to get the different perspectives of the people, failure to get such may also be a failure to present a truthful presentation. We have to be reminded that reporters and journalists guided with profession ethics strive to get access to all truths, but the information they have in the end is always incomplete and is just a surface sketch of what the reality is.
  • Yes, newspapers (and other print media) are the first draft in history, they should not be taken as the final authority. Readers tend to trust the printed word implicitly and newsmen pretend to have an authority which they do not possess. The same is true with broadcast/TV/radio media.
  • The weakness of the press to be manipulated by politicians. To quote Broder, "...every good politician will attempt to work the press. If you live in a country where public opinion ultimately decides public policy, any politician who's at all serious is going to try to manage public opinion, and that means working with the press."
  • Yellow journalism, tabloid journalism - lowered standard of news journalism, most of the times neglecting the basics and ethics like objectivity and fairness.
  • Sensationalism and to what Che Che Lazaro points out, "envelopmental journalism" - to bribe journalist in favor of a media coverage.
  • Libelous practices (defamation of character) such as unchecked facts, drawn assumptions, non-supported notes, printing false information, among others. Libel laws are given in order to protect the citizens against the supreme power of the press. The usual rebuttal to this is provable truth and assertion of a story done without malice.
  • Invasion of privacy, that is, some journalists thirsty of scoops resort to improper or even illegal means to gain information.
  • Obstruction of justice
  • Going beyond risky lines - Due to the inevitable news gathering competitions, some journalists resort to go beyond risky lines -- police lines, restrictive areas, etc. (case of journalist Ces Drilon). But then, there's a lesson behind every story, "No story is worth a journalist's life."
Main source:
Journalism by Estelita Constantino Pangilinan

Tropical Depression JULIAN (10W) Strengthened (According to Typhoon2000)
as of 2PM Aug 04: 19.5N 118.1E 55 kph WSW @ 24 kph Southern China

Describing SONA 2008

If the 2007 State of the Nation Address of PGMA was described to be conciliatory, how would you describe the 2008 SONA?

Senator Joker Arroyo described the president's address using the word "rapacious".
According to Dictionary.com:

Dictionary.com Unabridged (v 1.1)
[ruh-pey-shuhs]
1.given to seizing for plunder or the satisfaction of greed.
2.inordinately greedy; predatory; extortionate: a rapacious disposition.
3.(of animals) subsisting by the capture of living prey; predacious.

Senator Arroyo also used this term to describe co-Senator Loren Legarda's black gown.

If this is the case, it is very easy for us to identify who else fits to this description.