Tuesday, September 30, 2008

Five Tips according to Colayco (Pera mo, Palaguin mo!)
  • Start early.
  • Any amount can get you started.
  • Arrange for automatic deductions.
  • You ought to be aware about your credit cards.
  • Do not mind status symbols!

The configuration should be: Income – Savings = Expenses,
and not Income – Expenses = Savings,
to emphasize that one should have a fixed amount to save.


Four stages to Financial Independence:
  • Start-up Stage
  • Build –up Stage
  • Fine- tuning
  • Retirement

Small is Beautiful:
  • Requiring so much, accomplishing little
  • Modern industry is inefficient as it surpasses the ability of the people.
  • Ever bigger machines, bigger concentration of powers, greater violence against the environment and denial of wisdom
  • To see the bigness out of smallness
  • Misdistribution of population leads to misdistribution of access to resources: prevalent to the Third World Nations
  • Buddhist economics not modern materialism
  • Dual economy – two different patterns of living as widely separated in two different worlds; two ways of life existing side by side (agro-industrial)
  • Organic Development – development in our own pace
Contradiction of the welfare- state:
  • to ensure that needs and grievances of the people are properly addressed while making favors to accumulate capital for economic survival

Wednesday, September 24, 2008

Ang Sabi ng Bubuwit...

  • "Inalam ko mismo kung totoo ba ang sinasabi ng konsepto ng flexibility of labor sa lipunan. Totoo nga. Sa dalawampung kaherang tinanong ko (mula Cashier 1 hanggang Cashier 20 sa supermarket ng Robinson’s Place Manila) wala ni isa ang nagsabing may security of tenure sila. Lahat sila contractual."
  • "Napansin mo ba kung gaano kaganado,minsan pa nga’y nagmamakaawa ang mga subcontractual/contractual na sales lady/ sales man sa mall, bumuli ka lamang isang boteng pabango sa kanya? Tila wala na silang pinag-iba sa mga masisipag na naglalako ng sampaguita sa harap ng simbahan – sinasalubong ang mga papasok at palabas."
  • "Hinahanap ng mata ko ang bagay na nakakawala ng stress ‘pag nasa mall ako. Ang kulay ba? Ang mga ilaw ba? Nidadama ko ang mga bagay na nakakawala ng stress. Ang lamig ba? Ang ambience ba? O ang pakiramdam na pag nasa mall ako, malamang na tapos na ang gawain ko?"
  • Political economy of the Joker: "Si Joker ay isang madman, no to profit, yes to destruction and chaos, malapit sa ugali ng mga anarchist. Pansinin na sa pelikulang the Dark Knight, sinunog lamang ni Joker ang mala-bundok na salapi. (isang pelikula na ayon kay Doc Edvil ay produkto ng kulturang pop, kasama nina Spiderman at Ironman)"
  • From each according to his ability, to each according to his needs: Communism
  • From each according to his ability, to each according to his work: Socialism
  • Ang mga mahihirap ay patuloy na naghihirap, ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman: Kapitalismo
  • Evolution: smooth; Revolution: cataclysmic (in positive notion)
  • "Efficient utilization of resources di'ba? Tama. Bakit kaya ganoon ang ibang tindahan sa Midtown? Napakalawak ng salamin, ngunit kapirasong produkto lang naman ang iniendorso. Relo, Bag, Pantalon, T-shirt."
  • "Kung uumpisahan mong gaygayin ang Faura patungo sa Chef d’ Angelo, kapansin- pansing ang Maldita ang unang tindahang nasa labas ng salamin ang mga modelong manikin."

Monday, September 22, 2008

Stanger

The Journey to Mt. Banahaw.

As a stranger in the place, though will sound superstitious to my fellow students, I tried to ask permission before entering the said holy ground. Prior to the journey, at the foot of the mountain we made silent prayers for the local spirit of the mountain, asking consent and for favorable conditions for our trek, and for our safe passage in the cave which has an apparent small fissure. For me, it’s not only for that purpose but a respect that should be paid by a visitor.

Mt. Banahaw is Quezon’s sacred mountain. It continuously manifests protective powers through events that appear miraculous and certainly providential, even though these may be stared by outsiders as mere coincidence. Banahaw is thought to protect its chosen ones: no outside danger can scare the people's still faith intertwined with its inexpressible peace. According to a research, there are basically four classifications of people who frequently climb Mount Banahaw.
  • The religious and the sects who consider the mountain the site of the New Jerusalem.
  • There are those who scale the slopes of Banahaw as part of their sacrifice in exchange for blessings or "miracles" that they are seeking, including the treat for those afflictions from sickness.
  • Other visitors are in hunt of anting-anting, psychic or paranormal experiences.
  • Then there are mountaineers or outdoor groups wanting to breathe fresh air from one of Southern Luzon's largest forests.

Saturday, September 13, 2008

Pieces

  • Sa panahong ito, kung saan marami at iba't iba ang paraan upang maitawid ang pahayag, mensahe, katha, maging ang ekstensyon ng lecture at mismong politikal na edukasyon sa pamamagitan ng channels at iba pang midyum tulad ng blog -- lahat ay maaari nang maging journalists. At, dahil iba-iba rin ang estilo sa pagsusulat, magkakatalo na lamang sa kung ano ang mga nararapat isulat (convergent journalism).
  • Electronic na (gamit ang USB at iba pang computer device) ang paraan upang makakuha ng impormasyon sa City Hall. ARTICLE III SECTION 7, PHILIPPINE CONSTITUTION: The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents, and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law. May isang pagkakataong nangailangan kami ng local development planning at socio economic profile ng munisipalidad / lungsod kung saan kami kabilang. Sa Manila City Hall, walang bayad. Samantalang sa Cavite, P55.00. Bakit kaya? Kung wala akong P55.00, hindi ko pala abot-kamay ang pampublikong impormasyon.
  • Mula sa dalawang mamamahayag (sa magkaibang panahon at kondisyon):
    • Benigno "Ninoy" Aquino: "The Filipino is worth dying for."
    • Ces OreƱa- Drilon: "No story is worth a journalist's life."

Friday, September 12, 2008

Switch

Para sa mga taong gustong labanan at tapusin na ang anumang uri ng emosyon,
narito ang isang kathang nakita ko sa dalawang pahinang scratch paper na nagkalat sa drawer, naglalarawan ng isang talinhaga - ang switch at ang iba pang bagay sa paligid niyo. Kung hindi ako nagkakamali, ang temang nito ay hawig ng isang contest piece na nanalo sa paligsahan sa paglikha ng pinakamaikling storyline.

--------------------------------------------------------------

Hindi ko naman inaalis na maaring magkatotoo. Pero hinihingi ng pagkakataon na magong rasyunal, hindi ko maitatangging mas lamang ang magkaibigan na lang kami kaysa magka/ibigan.

Sa bawat pagkakataong naiisip ko siya. Ipinapanalangin ko rin sana'y iniisip niya rin ako. Kahit anong pilit kong isipin na hindi ganon ang nararamdaman ko para sa kanya, tila lalo ko lamang inilalapit ang sarili ko sa pananabik. Hindi ko akalaing hahantong sa kasalukuyang estado ang dating pinagwawalang bahala ko lamang. Sa partikular na panahong ito, parang tama nga yata ang "habang pinipigil, lalong nanggigil!" -- dahil habang pinipigil ko itong sarili na isipin siya, lalong nanggigigil ang emosyong sana'y nailalabas ko na. May isang ideyang hanggang sa ngayon ay hindi ko lubusang pinaniniwalaan -- ang posibilidad na maaring nahuhulog na nga ako sa kanya.

Unang naisip ko ay ang humanga, wala ng iba. Alam kong hindi pa niya alam kung nasaang bahagi o yugto na ng paghanga ang nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot na akong magkamali dahil baka maisakripisyo ko ang aming pagkakaibigan. Kung hahayaan mo na emosyon lang ang maghari sa lahat ng desisyon mo, wala ka nang pinagkaiba sa lahat ng uri ng prutas na pwede nang kainin, may balat man o wala. Walang aabangan. Walang kataka-takang pakiramdam. Wala nang espesyal na dapat paghandaan. Wala nang dapat talupan. Wala nang dapat ilantad.

At, nakasave sa inbox ang mga text messages niya. Siya lang ang naiisip ko sa tuwing nakaririnig ako ng love songs.

Ang tangi kong hiling ay isang bahay na ikababawas ng paghangang ito. Sa madaling salita, isang ultimate turn off. Paminsan minsan, nakakatulong din pala ang turn off. Bagaman nalalaman kong hindi ito ang tiyak na solusyon sa hindi ko naman itinatanging suliranin-- kahit papaano, alam ko, mawawalan ako ng gana pag nakakita ako ng isang ultimate turn off.

Sana ganon na lang kadali.
Turn on. Turn off. Parang switch.

Kung ganito lang sana kadali ang lahat ng bagay sa mundo.
Kung ganito lang sana kabilis maisakatuparan ang mga desisyon.
Kung ganito lang sana kadaling patayin ang emosyong sana'y hindi mo na lang nararamdaman.

Kaya nga lang, hindi.

---------------------------------------------

Wednesday, September 03, 2008

Ang Sabi ng Bubuwit...

"Eskapismo pa rin ang TV Programs. Sinasabing paano naging eskapismo ito, kung tinatalakay pa rin ang parehong tono ng suliranin sa loob ng isang pamilya kabilang na ang tunggalian? Eskapismo kasi may pakiramdam ng pakikiaalam. Nakikialam ang mga manonood sa kung anong dapat ginawa ng bida sa kontrabida. Sa sandaling pagkakataon, mas inaatupag ito kaysa sa mas kagyat na pangangailangan ng tunay na buhay. Ika nga, may psychological attachments na nagaganap."

"Maaring hindi niya nga nararamdaman ang kalam ng sikmura ng mahihirap pero sa nakikita ko isa siya sa nagiging daan upang ipaalam ang kanilang hinaing -- para bang modern illustrado ang dating? Hindi siya kabilang sa uring pinaglalaban niya, pero siya ang isa sa unang nakabatid, nakapagsiwalat -- kumikilos para sa pagbabago!"

"Tunay nga bang ang organization ang susi sa pag-aalis ng kung anumang sa tingin kong nakakaabala...Hmmm.. katulad na lang ng sa pulitika? Pag naorganisa ba ang mga tao, tiyak na malalansag ang bulok na sistema? Sana totoo ito sa Pilipinas."

"Idadaan ko na lang ba sa lakas ng boses sa kalsada? Sana nakikinig naman sila!"

"Sabi niya, may hangganan daw ang passion,
parang hindi ko alam ang gagawin ko kung may ganito."

"Ang iba kahit hindi galing sa uring kanilang ipinagalalaban, sila mismo ang nakakakita at unang naging sensitibo sa kalagayan nila, at ginagamit ang kanilang pamamaraan upang ipabatid ang maling naghaharing sistema. Bilang artikulador, maunawaan din sana ng mismong uring pinaglalaban kung ano ang mga isyung ito. Sabi ni Rizal, ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansa't mabahong isda.
Si Rizal ay Pilipino. Ang wika niya'y Filipino.
Anu-ano bang katha niya ang ORIHINAL na naisulat sa Filipino kundi man Tagalog?"

"Mabuti naman at unti-unti nang inaayos ang Rob (Faura,Pedro Gil) para gawing kahawig ng Midtown, dahil kung hindi, lubos mong mapapansin kung paano nito pinaghihiwalay ang mga uri, at kung paano pinatitingkad ang pagkakaiba -- sa helera ng mga tindahan, sa presyo ng mga bilihin, sa light and design arrangements hanggang sa makintab na floor tiles."

"Kinaiinisan, pinandidirihan, kinatatakutan, pinapatay, ang mga ito lang ang tangi kong naririnig dati. Ngayon, maraming uri ng bagay na ang ikinakabit sa amin -- computer mouse, mouse mallow, mouse joystick, at si Mickey Mouse. Pati pala kaming mga bubuwit, komersyalisado na rin at nagamit na ng kapitalista!


Dapat ba kong maging masaya?
"


*Si Bubuwit ay nakatira sa ilalim ng mesa, naghihintay ng momo mula sa makalat na pamilya.
Naghihintay makalabas sa lungga, tatlong araw sa isang linggo. :D


Monday, September 01, 2008

Sa Kanyang Pagbabalik

"Hindi kami madalas magkita ng kaibigan kong 'to. Pero, kapag dumarating siya, agad kong naililista sa aking talaarawan ang mga pangyayari kung kailan kasama ko siya. At, sa araw na ito mismo, nakasama ko na naman siyang muli."

Inaantay kong tumawid ang pinakahuling araw, upang sunduing muli ang kaibigang kong ito. Kasabay nito, nabatid ko ring mag-iisang taon na ako sa blogosphere.

Masaya ako at ganoon din ang iba. Kahit mahirap para sa akin ang salubungin siya dahil sa mga panahong 'yon ay tambak ang kwises, eksam, reports at iba pang kahilingan sa iba't ibang kurso, nakakatuwa pa rin dahil hindi siya nagtatampo. Pinakikisamahan namin ang bawat isa. Antayan lang. Aalis. Darating. Aalis. At muli na namang magbabalik.

Sa tuwing dumarating siya, hindi ko maiwasang magbalik- tanaw sa mga nakaraang taon. Lagi. Si Ver, ang nagbibigay simbolo sa kaligayahan ko at maaring sa iba pa naming kaibigan. Sa kanya ko natututunan ang diwa ng ilang mahalagang pangyayari na may kaugnayan sa aking relihiyon, pag-unlad at pagbabago.

Siyempre pa, nalalapit na naman ang kaarawan ng isang kaibigan. Marami kaming pupuntahang lugar at kaarawan. Napakarami pa naming plano, sa susunod, ipagpapatuloy pa rin namin ang pagpunta sa mga kaarawan ng iba't ibang tao.

Nakakapagtaka lang talaga dahil batid siya ng napakaraming tao. Pero, sa pagmumulat sa akin ng mundo, naunawaan ko na rin kung bakit. Sa iba, marami ang dapat ipagdiwang. Sa iba, anibersaryo ito. Sa iba isang hudyat ng mas mahaba pang serye ng kasiyahan. Sa mga susunod na araw, ako at si Ver ay pupuntang MULI sa paliparan. Ihahatid namin ang tatay ko at ang (halos) kapatid kong si Maw. Kasabay ng labinlimang araw ng pamamalagi ni Ver ay ang pag-alis naman ng dalawang karaniwan kong dinaratnan sa bahay. Malungkot ang mga susunod na araw pagkatapos 'nun. Pero, alam kong paliligayahin pa rin ako ni Ver. Sasamahan ako ni Ver sa pagtatapos ng eksams, sa pagpili ng panibagong mga asignatura, pagkuha ng klaskards, pag-eenrol, pag-eenjoy sa sembreak, paglalakwatsa, at marami pang iba!

Tapos, dadalawin namin ang mga namatay kong kamag-anak, na akalain mong kilala niya rin. Tapos, magdiriwang kami ng Pasko! Pipiliting kong maging masaya, kahit wala ang aking mga magulang. Maliban na lang kung sasang-ayon sa akin ang pagkakataon na doon ako mag-Pasko.

Hindi ako matatakot mamatay sa piling ng kaibigan kong si Ver. Lahat na ng uri ng emosyon ay naipapakita niya. Lahat ng mga pagbabago sa akin, nasaksihan niya. Kararating niya lang, kanina. Hudyat ng amoy puto-bumbong, bibingka, kasiyahan, pagtatapos at pagbubukas ng semestre. Pasko. Si Ver, ang kaibigan ko. Kaibigang hindi ako iniwan sa napakaraming panahon. Si Ver ang nagsisilbing hudyat ng pagiilaw ng mga daan at ng iba pang disenyong nagliliwanag.

Kaya lang, hindi ko siya nakikita. Nararamdaman lang. Nararamdaman ko na siya. Kasabay ng pagpunit ko sa kalendaryo ng buwan ng Agosto, napansin kong muli ang hudyat. Napansin kong pare-pareho na ng apelyido ang mga sumunod na buwan. Maligayang pagbabalik sa isa kong matalik na kaibigan. Pinunit ko na ang Agosto. Sa pagpasok ng SeptemBer 1, ay ang eksaktong pagdating ni Ver.

Ikaw, kaibigan mo rin ba siya?