Saturday, August 29, 2009

Kuya Guard

Kumperensya para sa Praktikum 2009 ng Pag-aaral Pangkaunlaran, abala ang bawat pangkat sa paghahanda ng mga larawang pang-eksibit, AVP para sa programa kasabay ng pag-aasikaso sa mga natokahang komite. Nang naipaskil na sa kahabaan ang mga larawan, napuna ito ng isang security guard ng Pamantasan. Itinatampok dito ang mga larawan na may layuning mapagpakumbabang bigyang-buhay ang mga karanasan ng mga praktikumer sa mga nilubugang kumunidad.

Napansin ni Kuya Guard ang isang hilera ng larawan ng mga katutubo/pambansang minorya mula sa pangkat na nakipamuhay sa Mindoro. Iniuugnay niya ang diskurso sa usapin ng wage increase sa ganitong paraan (hindi eksaktong linya):

"Alam mo hindi rin solusyon ang wage increase e dahil kung titingnan mo, ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa ay nangangahulugan lang naman ng muling pagtataas ng mga dati nang mataas na presyo ng bilihin o produkto. Siyempre, paraan 'yan ng gobyerno para makabawe."

"Pero, kung titingnan mo, at least tayong mga nandito, parang quits lang. Kase 'pag tumaas ang sahod namin, tataas ang bilihin. Ibig sabihin, 'pag may pagbabago sa mga presyo ng produkto, makakaangkop pa rin dahil may pagbabago sa sahod. Parang pareho pa rin. E, sila?"

"Sa bansa natin, may mga taong hindi kayang sumabay sa pagtaas ng bilihin. Kung ano sila ngayon, nanatiling lugmok sa hirap. Sa atin sa Maynila, may pagbabago nga. Nakakaadjust kahit papaano, pero sa kanila? Wala.

"Tataas ang sahod namin, tataas ang presyo ng bilihin.
Sa kanila, mahirap ka 'pag mahirap ka.

Patuloy na tataas ang presyo ng mga bilihin habang walang kahit katiting na pagbabago sa kalagayan nila."


Katutubong Alangan- Mangyan

Manwal na Paglulugas


"Sa huli, patuloy lang silang naghihirap."
(Sabay turo sa larawan ng mga katutubong Alangan Mangyan)

"Hindi lang dapat taasan ang sahod, ang kailangang pag-ukulan ng pansin ay 'yang mga benepisyo -- health benefits at iba pa."

[Angkop na angkop nga ang aming tema,
Daluyong: Ang Pakikibaka ng Masa sa Gitna ng Krisis.]

______________
*Larawan mula sa Mindoro practicumers. Kiriwi. 2009.
*Kredito: Bb. Frances Politud sa muling pagpapaalala.

Thursday, August 27, 2009

The News Prism



"As we understand the optics of a prism for measuring the spectrum of light, so must we understand and accept the transecting planes of different cultural and political traditions that refract the divergent perceptions of our world."




- William A. Hachten
The World News Prism
Changing Media, Clashing Ideologies


Monday, August 24, 2009

Which is which?


53? 31;23? 44?

________________
*Mula sa random pictures ng Google Image sa entry na "broadsheet"

Wednesday, August 19, 2009

Mukha

Mukha ng kahirapan sa kalunsuran. Maliban sa tipikal na senaryo ng kasalatan kundi man kawalan ng pagkain (food poverty) at paraan upang maging abot-kamay ang mga ito.

  1. Mga gusaling tumpok tumpok, establisamyento at iba pa -- katambal ang napakaraming underpaid, overworked, exploited.
  2. Mga informal settler (iskwater). Putikang damit. Anak dalita. Pagpag. Urban poor.
  3. Mga bakanteng loteng ginagwardyahan ng barb wires at bato kung saan ang tanging naninirahan ay hindi tao ngunit malulusog at matataas na damo't talahib. Isama pa ang lahat ng elementong bumabansot sa lupa.
  4. Maruming kalsada. Polusyon. Bulnerableng kalusugan. Mga maralitang may dalang lata, gitara, shades, sumbalilo at saklay. Gula-gulanit na kasuotan. Taong-grasa.
  5. Pinipilahang emergency rooms. Atrasadong kondisyon ng mga pampublikong ospital at iba pang institusyon ng panlipunang serbisyo kabilang na ang human resource ng mga ito.
  6. Pinipilahang lotto outlets at pagsali sa game shows.
  7. Sementeryong hindi lang mga bangkay ang naninirahan.

Karagdagan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Saturday, August 15, 2009

TOEFL

TOEFL. Abroad Education. American Dream.

Test of English as a Foreign Languange o TOEFL, isang pagsusulit kung saan sinusubok ang ating kakayahan sa pagbabasa, pakikinig, pagsasalita at pagsusulat sa wikang Ingles. Ito ay isang rekisito para sa mga non-native English speakers bago makapag-aral sa mga kolehiyo at pamantasan na gumagamit ng wikang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagkatuto.

“In fact, more institutions accept TOEFL test scores than any other test scores in the world — more than 7,000 colleges, universities and licensing agencies in more than 130 countries, to be exact. And, with more than 4,500 test centers worldwide, taking the test is convenient and easy.*"

Test of English as a Foreign Language nga ba o
Test for Eastern countries as Financial Lenders?

Ang TOEFL ay nakasandig sa regulasyon ng Educational Testing Service o ETS, ang pinakamalaking pribado at umano’y “non-profit organization” sa daigdig na naglulunsad ng pandaigdigang pamantayan ng pagsusulit o anumang uri ng pagtatatasa kabilang ang TOEFL. Sa kabila ng pagiging non-profit organization, lumalabas na kalahok ito sa kompetisyong komersyo bilang isang “malaking negosyo” na halos kapareho na ng katangian ng mga monopolistang multi-nasyunal -- pagkakamal ng labis na kita mula sa pagpapataw ng mataas na singil sa mga inihahaing pagsusulit tulad ng TOEFL. Sapagkat hindi kailang maraming tiga-Silangan ang nag-aasam na makaapak sa Kanluran, nabibigyang katwiran ang pag-iral ng TOEFL bilang pasaporte sa pagpasok sa mga institusyong pang-akademiko kung saan maaring magamit ang aktwal na galing at potensyal ng mga non-native English speakers tulad ng mga Asyano.

Para sa mga makabayan, kabisado na ang layunin at taktika ng mga tiga-Kanluran! Isang malinaw na pagtatangka na muling isulong ang “wika ng makapangyarihan” sa malawakang antas. Sukdulan itong iturin bilang isang direktang porma ng neokolonyalismo, lalo’t higit na ang pokus nito ay ang paghila sa mga kabataang nais mag-aral sa Kanluran, at turuan ng oryentasyong Kanluranin – oryentasyong maaring maging mapanganib sa sariling kulturang pinagluwalan ng mag-aaral. Ngunit para sa mga isinilang sa kulturang pop, ang TOEFL ay isang hakbang o susi upang makaahon sa kasalukuyang pang-ekonomikong kondisyon at makatakas sa mga suliraning binalikat nila sa pagdaan ng panahon. Ika nga, isang paraan upang makamit ang inaasam na american dream. Sabi nga sa paalala ng tanyag na manunulat at social realist na si Lualhati Bautista, “Hindi langit ang Amerika.”


Internet-based TOEFL:

http://www.ets.org/ [ETS: Go Anywhere From Here]

http://www.abroadeducation.com.np/ [ABROAD EDUCATION: Study Abroad Guide]

Sunday, August 09, 2009

Ispesyal

Kung susuriin, bakit ba sinasabing ispesyal ang isang bagay?

Halimbawa sa halu-halo?

Mas mahal ang halu-halo ispesyal sa karaniwan.

Kung sa karaniwan, binubudburan lamang ito ng pinipig at binubuhusan ng minatamis na langka. Ang ispesyal ay may kasamang mas malalaking hiwa ng leche flan at ube na kung minsan pa nga ay pwede pang mamili kung anong flavor ang ipupukol na icecream sa pinakaibabaw.

Kung ang pagtingin natin sa ispesyal ay yaong may dagdag o sa madaling salita ay ‘yung "iba sa karaniwan," ispesyal pa rin ba kung may KULANG? - - "iba pa rin naman ito sa karaniwan," hindi ba?

Sino bang nagsabi na ang ispesyal ay dapat ikulong lang sa ideya ng “higit o may dagdag sa karaniwan”?

Hindi ba’t ispesyal din ang tawag sa “kanila” -- yaong may pagkukulang?

Pero, ano ang turin sa kanila?

Wednesday, August 05, 2009

The Profile

Written by Ienne Eguico

Endowed with brilliance, he inevitably expunges mediocrity.
Stirred by his convictions, he resolutely pilots himself towards excellence.
Struck by sagacity, he conveniently induces fecundity.

There exists an invisible bridge which only he could pass through. The amalgamated destination would be rationality and imagination, constantly pushing him to liberate his fervor for self-expression. Discontented with settling for mere positivism, he unshackles his mental faculties and guarantees relevance of material. With his abundant strokes arises a truthful depiction of reality. From his keen mind originates a conveying medium starkly separated from the mainstream. Indeed, he does not go gentle into that good night. He rages -- rages against the dying of the light.

Saturday, August 01, 2009

MLE*


Alin ang mas matimbang,

ang wika ng makapangyarihan?

O ang kapangyarihan ng wika?


Kaysa mangapa sa salimbibig ng banyaga,
Unahing alamin ang sariling "titik" at "letra."
Nanaising gamitin ng sinuman ang kanyang lingua franca bago ang ibang salita.



Sa susunod na ang A-B-C (ey-bi-si) at uunahin ang A-B-K-D (a-ba-ka-da).
Sa susunod na ang A-B-K-D at uunahin ang dayalekto nila.

Kung yayakapin ang kanilang wika,
hindi madaling umugnay sa kanilang salita.
Mas madaling matutunan ang wikang banyaga,
kung mauunang suriin ang iyong salita.
Mas madaling isulat ang salin nila,
kung kilala mong lubos ang iyong lingua franca.
Mas mabilis tumimo ang leksyon,
kung sa ating salita nakakonteksto ang takda.

Unawain muna ang sarili bago maunawaan ang iba.

*Mother Tongue-Based Multilingual Education
_______________
Tingnan:
http://mothertongue-based.blogspot.com/
Department of Education (DepEd) Order No. 74, Series of 2009: MLE

Larawan kuha ni Lenerwin Onanad. Apat Dapat. 2009.

In the news, Former President Corazon Aquino dies at 76.