May punit na ang kaliwang bahagi kung saan una niyang nasilayan ang liwanag. Ito ang isang umaga kung kailan hindi makabuo ng armonya ang mga pipit. Pagtatapos ng "happy holidays" kung kailan pinausong muli ng Kanluran ang ilusyon ng white christmas sa Pilipinas, na siya namang kinakagat ng middle class.
Ito ay isang yugto ng tagsibol ngunit hindi magawang lipulin ng tangkay ang mga dahon nito upang makapagbigay-lilim. Punit ang kaliwang mata ng bata at inaalala ang malagim na pagkakadapa sa kasisindi lang na paputok mula sa isang retailer ng fireworks sa Mall of Asia -- dalawang araw pa lamang ang nakalilipas mula ng ipinagdiwang ang Medya Noche! -- este ang Bagong Taon. Nakatanghod sa nagwawalis na Pulis OYSTER, sinusundan ang hawi ng tingting na lumilinis ng kalsadang kinumutan ng kulay manila-paper na kalat mula sa sari-saring paputok.
Kinakausap ni Popoy ang kanyang sarili. Nagwawari at tila sinakluban ng kaluluwa ng lutang at may hang-over. Nakatanaw at nagsusumamong paniwalain ang sarili na ang isang taong may siyam na daliri ay wala naman talagang pinagkaiba sa may sampu, o yaong kumpleto.
Makalipas ang dalawang TV shows o katumbas ng isa't kalahati hanggang dalawang oras, sa wakas, natapos na rin ang kanyang pagmumuni-muni sa kung ano ang ilalagay o ipapalit niya sa nag-iisang puwang sa kamay. Sa puntong ito, nakalampas na siya sa hindi mapigilang depresyon at moodswing. Ang tangi niyang inaalala ay ang muling pagbubuo ng bagay mula sa isang bahaging hindi niya pag-aari. Napatitig siya sa nakagarapon at nakalubog na bagay sa alkohol o sa kung anumang tawag sa kemikal na may nakasusulasok na amoy pang- "preserve" -- daig pa ang Solignum. Ang masaklap pa, tsaka niya lang nabatid na wala na palang pagpapasukan ng engagement ring ang kanyang pinakamamahal na kabiyak sa hinaharap. Katulad ng lumang linya, halos tumangis na lamang siya sa pagsisi, kasabay nito ay ang tila mapang-asar, nananadya at saktong pag-ere ng patalastas ng DOH ukol sa Iwas-Paputok Campaign sa telebisyon. Apektado. Sapul. Tagos.
______________________
Sana'y sa ating pagsalubong sa bagong taon, buo pa rin tayo sa loob at labas.
Sana'y sa pagsalat ng ating katawan, buo pa rin tayo mula ulo hanggang paa.
Maligayang Pasko at Mapagpalayang Bagong Taon sa iyo!
SILIPIN:
Mood Swings
Eskapismo't Pagpapanggap
Unang Tagpo: Disyembre, Hudyat ng Pasko
Ikalawang Tagpo: Sa May-bahay, Ang Aming Bati!
Ikatlong Tagpo: Hataw sa Takilya!
Ikaapat na Tagpo: Said [Sa-id]

Rizal Day, Disyembre 30
No comments:
Post a Comment