Tuesday, December 30, 2008

Duda

*Mula sa isang "bulag" na nagpakilala at nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaibigan


Iba ang kalakaran kapag sa magulang nanggaling ang puna. Iba 'pag sila na ang nagsabi.
'Pag kapatid, tiya, tiyo, lolo, lola at iba. Gayundin, iba ang kalakaran 'pag sinabi ng KAIBIGAN. Ibang istorya na kumbaga. Iba na ang pinaghuhugutan. Kaibigan, kung kaibigan nga talaga.

Kailan mo ba malalaman kung konstruktibo o hindi ang isang kritisismo?
Kailan mo ba malalaman kung ang adhikain nito ay upang punahin ka at tulungang baguhin ang mga negatibong ito? Kailan mo malalaman kung ang kritisismo ay isang paraan na upang lalo kang ilubog at pababain ang kumpyansa sa sarili? Constructive? Deconstructive?
Kaibigan, kung kaibigan nga talaga.

Kailan mo nga ba malalaman? Depende sa kung sino ang nagsasalita? Subalit, kung gayon naman paano mo malalaman kung sino ang dapat na magsabi? Sino ang karapat-dapat magsabi at sino ang walang karapatan?

Bukod sa magulang, kapatid at iba pang nakakakilala sa'yo, may mga kaibigan ka. Paano mo masisigurong kaibigan din ang turing nila sa'yo? Kung tunay man ang pagkakaibigan, wala bang puwang sa siraan? Paano nga ba masusukat ang pagkakaibigan?

Konstruktibo at hindi.
Kaibigang tunay. Kaibigang huwad (?)

Minsan, kung sino pa ang bulag, siya pa ang mas maraming nakikita.

Friday, December 26, 2008

On Front-Line Reporting

"As every reporter knows, being in the right place at the right time is part of a journalist’s skill set. And “Doro” or “Mando,” as he is either called by colleagues and acquaintances, had just arrived in Paris from New York on Nov. 10, 1970 to cover the Vietnam peace talks, only to be met with the headline on El Figaro: “De Gaulle est mort.” Indeed, in his illustrious career he has shown an uncanny knack for showing up at historical crossroads and the mettle not just to cover events but also put them in social, political and historical context. >> read the entire article

Suppression of the Public's Right to Information = Journalistic Oppressions (abuse, killings, etc.)
>> View the cases!

Wednesday, December 24, 2008

ISANG PAGBATI

Sana'y maging masagana ang bawat hapag,
Sana'y manitiling malusog tayong lahat-- walang madadagdag, walang mababawas
Sana ating muling pagsalat, buo pa rin tayo -- sa loob at labas.

Sana maging mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon --
Ibang klaseng ngiti at panibagong pag-asang haharapin.
Sana ang diwa ng mga okasyong ito ay panghabang-buhay.
Magpaligaya at maging maligaya.

Tumigil sandali, at lasapin ang presensya ng Pasko.
Pagmamahalan at kapayapaan para sa darating na taon.

Wala sa handa. Wala sa bagong damit. Wala sa dami ng napamaskuhan.
Higit sa mga materyal, higit sa lahat...
Magpasalamat sa patuloy nating pagmumulat.
At walang sawang pinatutuloy sa temporaryong daigdig na ating ginagalawan.

Sana masaya ka. Sana masaya tayong lahat.

MALIGAYANG PASKO!:)

Tuesday, December 23, 2008

Simbang Gabi. Simbang Pop.

Ang pagiging Katoliko? Pana-panahon.

Katoliko.

Ang Misa de Gallo ay bahagi na ng buhay Katoliko o ng mas nakararaming Pilipino sa bansa. Dulot ng pagbabago sa lipunan at ang mabilis na pagpasok ng diwang hindi sa atin, nagkaroon nang ganap na ebolusyon mula sa tradisyunal patungo sa makabagong pamamaraan ng pagdalo sa Simbang Gabi o ang nakagawiang siyam na misa mula Disyembre 16.
  • Ang dati rating alas-kwatrong misa sa umaga, ngayo'y may anticipated mass na. Ito yung pang alas-otso ng gabi na magsisimula sa ika-15 ng Disyembre.
  • Hindi malayong isipan ngunit tila nagiging maka-simbahan o banal lamang ang gawi ng iilan sa tuwing may tawag ng pangangailangan -- yung tipong makapasa sana sa graded exams, makahabol sa pag-akayat ng barko, maipasa ang licensure exam, bar exams at iba pang para sa mga Katoliko ay nangangailangan ng divine intervention. Bagaman, hindi ko nilalahat. Tayo ay saksi sa mga ito.
  • Huwad? Sinasabing ang misa ay panata at sakripisyo. Ngunit marami ang minamadali ang samba. Maraming nagmamadali upang maabutan ang paboritong telenobela (para sa anticipated mass). Maraming nagmamadali upang makabalik sa kama, o di naman kaya'y sa lakwatsa. Pilit na minamadali ang kung tutuusi'y isang oras para sa 24 na oras na buhay, na patuloy na ibinibigay sa atin. Komitments?, sabi ng iilan. Bahagian natin ng isang oras ang ang isa sa pitong dimensyong bumubuo sa ating pagkatao -- ang ispiritwal na dimensyon.
  • Pumapasok lang ng Simbahan para masabing nagsimbang gabi siya? Nakumpleto niya? O kaya naman para makapag-wish lang? Simpleng tagpuan ng mga magkakabarkada bago ang lakwatsahan?
Naipapako natin ang ating sarili upang mag-alay ng bahagi ng ating sarili bilang isang dedikasyon. Tulad nga ng pagsisimba o pagkumpleto sa siyam na misa.
  • "Look your best, always." Hindi naman ako tumatanggi dito -- dahil nararapat lamang na maging presentable tayo sa pagharap at pagpasok sa ating Simbahan. Ngunit, nais ko lamang ipunto na ang Misa de Gallo ay hindi katumbas ng porma lamang. Ang ibang kabataan mas inaatupag pa ang susuuting damit para sa mga susunod na gabi kaysa sa pagbatid sa tunay na diwa ng dinadaluhang misa. Nariyan ang magagarang damit -- Bench, Penshoppe, Human, at iba. 'Yung iba nga, palakihan pa ng font para sa tatak. Naging magarbo ang pananamit ng iilan. Walang masama. Ang hindi lamang katanggap-tanggap ay ang hindi pagseryoso sa esensya ng misa, ang malabnaw na pagtanggap sa konsepto nito. Para bang simbang gabi at eksibit ng mga brand names.
  • Nagiging parke pa ang simbahan ng mga magkasintahan. Para bang Simbang Gabi at ang PDA (Public Display of Affection) ng mga nag-iibigan at bale wala na ang misa.
Ano nga kaya ang problema? Ang relihiyon ba: dahil sa pagsilang pa lamang natin, hindi tayo binigyan ng pagkakataon upang mamimili bagkus ay ipinayakap na lamang ito sa atin ng ating mga magulang (na Katoliko)?

May epekto ba ang colonial experience o ang tao mismo?

*Kahit ako, hindi ko nakumpleto. Hindi ko naumpisahan.
______________________
TWELVE (BAD) DAYS OF CHRISTMAS by Professional Heckler (here)

Sunday, December 21, 2008

Hiwalay

Igala ang mga mata, at mapapansin kung saang mga tagpo makikita ang paghihiwalay ng bulto ng tao -- sa napakaraming magkakaibang senaryo.
  • Sa CR ng mall at ng iba pang kahawig na lugar
  • Sa entrance at exit ng mall, at iba pang tindahan sa loob nito
  • Simbahan/Relihiyon
  • Pinapasukang eskwelahan o pamantasan, inuuwiang bahay at iba pang tutunguhan
  • Dine-in o Take-out o Drive-thru
  • Sa ICU o Emergency Room o sa Ward
  • Saang istasyon baba sa LRT/MRT
  • Anong TV channel ang nais
  • Sa langit at lupa
  • Sa dami ng kita
  • Sa dami ng anak
  • Sa dami ng nakahain sa hapag
  • Sa kakain at magugutom
  • Sa papasok at aabsent sa trabaho
  • Sa may trabaho at bakante
  • Sa may uuwiang pamilya at wala
  • Sa magiging masaya sa Pasko at hindi
Ano pa ba? Tiyak marami pa.

Friday, December 19, 2008

A Journalist's Fury

Through an informal interview, December 12 Rally: An industry pioneer in the field of journalism talked about the role of a journalist and its role as a citizen. Because of time constraint, I was not able to refine the points, so I made added research given the limited views.

Taking journalism as a prime profession is the duty to the public who has the right to be informed -- to possibly report the different sides of the truth; whether the story is good or not, whether a journalist agrees to it or not and considers the ethics which guide every journalistic endeavor. It is important to take note that news personalities and broadcasters are fortunate that they are given the means and the power to air out first their opinions and sentiments. They were given the choice to reflect on the usual scene or diffuse if not reiterate the commentaries of the common people themselves. However, a media organization should also set its avenue for the other actor to answer allegations, whatsoever.

The journalist's role as a citizen is but another storyline. When covering political affairs, a journalist is there to exhibit his/her public service through responsible journalism. (by this, I can say that duties as a journalist and as a citizen are not really inseparable, since journalists serve the people in their way, through news and information). The media sector has also
been the source of public discussions. Commentaries, opinions and violent reactions do exist but not in formal newscasts or any informative show for that matter (TV Patrol, Bandila, Saksi, 24 Oras, etc.) There is a special room for these things in the newsroom according to the nature of certain public affairs show, which is yet to be guided by the same strand of accountability. For if not, this results to the alteration of the profession's definition and to its search for the Truth. (defeating the purpose of "news journalism")

Some media institutions have been misinterpreted by critics including the state, especially when their correspondents report live public uprising if not airing news stories that are anti-administration. Bias reporting now enters the story (well in fact they are just streaming what the people should understand) Journalists are not enemies of the state. They serve as watchdog for possible abuse of state-power (tyrannical tendencies) and forces the state to explain its actions regarding a certain issue of national affairs. For all cases, I think that there is really a need to bolster organizations that will set the standard for responsible journalism (KBP, the station itself, NUJP, PCIJ, among others) -- to identify which activities are still within the ambit of law, and which are cases of power abuse both for the journalists and the state.

Topping last week's news: An Iraqi journalist who threw his pair of shoes to an incumbent president as a sign of "contempt." As the case shows, a journalist's dichotomy has been stretched in full extent -- as an Iraqi journalist and as an Iraqi citizen who cannot take the words of the out-going US President George W. Bush given Iraq's historical experience with the US:


Tuesday, December 16, 2008

Status Symbol?

Pala-palagay.

Kung kanino ang may pinakamatingkad, magarbo o maluho,
marahil, sa aspeto ng materyal na kondisyon, nakaaangat ka nga sa lipunan.
Kung iisipin mas marami pang mas mahahalagang bagay ang nanaising bilhin ng iba,
kaysa sa mga palamuting hindi naman nakakain.

Binubusog ng nagtitingkarang ilaw, christmas ball, ribbon, bulaklak
at minsan pa nga'y mga stuff toy o kahit anong maisipang gayahin sa Kanluran!
Kung kanino ang may mas mataas, mas bongga kung tawagin nila,
marahil, nakaaangat ka nga sa lipunan.
May anghel o tala sa tuktok,
pinalilibutan ng hugis dambanang kolorete,
pinalilibutan ng pulang hugis medyas
at minsan, may thematic element pa!

Motif para sa iilan.
Kulay ng Pasko para sa nakararami.

Sa pagdaan ng ilang Pasko, hindi ko maiwasang maitanong:
Bakit kaya hugis tatsulok ang Christmas Tree?
Simbolo nga ba ng Pasko? O sagisag ng katayuan sa lipunan?
Simbolo pa nga ba ng Pasko o simbolo na ng hindi pagkapantay-pantay?

Hindi nga masusukat ang diwa ng Pasko sa ganitong paraan.
Ngunit hindi maitatanggi ang pagkakaiba sa eksposison ng dalawang magkatunggaling uri.
Habang para sa nakararami'y maganda na ang mula sa Dibisorya,
Sa Rustans, sa SM, sa Rob -- dito lang ang tanging bilihan ng iilan.

Sa mga ganitong pagkakataon, may mas maliwanag na mensahe o larawan na nais ipabatid ang pagkakatayo ng Christmas tree, higit sa rikit nito.

Pataasan. Pamahalan.Parikitan.
Pagaraan ng Christmas Tree --

Palawakan ng Pagtitingkad.

Pa'no kaya kung pabaligtad?
(Google Image)

Saturday, December 13, 2008

Kilos-Protesta Laban sa ChaCha, Idinaos

Yfur P. Fernandez

Makati, RP -- "CHACHA ni Gloria, Ibasura! CHACHA ni Gloria, Pahirap sa Masa!"-- ito ang nagkakaisang boses ng libong nagsipagdalo sa ginanap na malawakang kilos-protesta sa kahabaan ng Ayala at Paseo de Roxas, Biyernes, Disyembre 12. Ito ay dinaluhan ng mga grupong pulitikal, mass-based organizations, civil society groups, kinatawan ng iba't ibang sektor, pulitiko at iba pang indibidwal sa gitna ng patuloy na pag-igting ng pagkilos laban sa nakaambang Charter Change (pag-amyenda sa 1987 Constitution) ng kasalukuyang administrasyon.

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Makati ang pagtatayo ng entablado kasabay ng paghahanda sa rutang daraanan ng mga raliyista. Dumalo sina Dating Pangulong Joseph Estrada, Senador Rodolfo Biazon, Mar Roxas, Franklin Drilon at Manny Villar at mga kongresista kabilang sina Satur Ocampo at Teodoro Casino (Bayan Muna), Luzviminda Ilagan at Liza Maza (Gabriela) at Rafael Mariano (Anakpawis). Dumalo rin ang Whistleblowers' Association of the Philippines sa pamumuno si Sandra Cam. Naroon din si NBN-ZTE star witness Jun Lozada Jr at ibang dating opisyal na binansagang Hyatt 10.
Dumalo rin ang iba pang pang grupo kabilang ang Concerned Citizen Movement, Karatula, Courage, Anakbayan, Nacionalista Party, Bangon Pilipinas, National Union of People's Lawyers at iba pang mass-oriented groups. Aktibo ring nakilahok ang mga miyembro ng akademya.

Namataan rin sa pagtitipon ang ilang personalidad tulad ni Armida Sigueon-Reyna na nag-alay ng isang dramatikong tula sa panulat ni Amado V. Hernandez. Sinundan ito ng isang kultural na pagtatanghal mula kay Danny Fabilio at grupong Anakbayan- Iligan. Kabilang sa palatuntunan si
Juana Change na gumamit ng komiko upang ipahayag ang mga posibleng epekto ng ChaCha. Nagbigay ng kani-kanilang talumpati sina Carol Araullo at Zenaida Soriano na pinalakpakan ng madla nang sambitin ang mga katagang "Anong klaseng ina ka Gloria Arroyo?." Binigyan naman ng pagkakataon ang lahat ng pulitikong dumalo sa pagtitipon upang makapagbigay ng kani-kanilang mensahe, kabilang na ang pinuno ng lungsod, Jejomar Binay na binansagang "Obama" ni Rez Cortez na siyang tagapagdaloy ng programa.

Nagsimulang kumapal ang bilang ng mga tao dakong alas-kwatro ng hapon sa kahabaan ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas. Tulad ng inaasahan, nagsanib pwersa ang lokal na distrito ng Philippine National Police upang gwardiyahan ang mga raliyista. Kumpleto ang media organizations kabilang ang ABS-CBN2, GMA7, TV5, RPN9, IBC13 at iba pang mamamahayag mula sa print media.

Sa kabuuan, sinasabing matagumpay ang pagdaraos ng malawakang kilos-protesta bagaman may pagtingin na ito umano ay isang paborableng pagkakataon para sa mga pulitikong nag-aasam sa pagkapangulo sa 2010; lahat halos ay kilalang maka-oposisyon. Ayon kay Prof. John N. Ponsaran,
"The greatest strength of Gloria/administration is the weakness (disunity) of the opposition." -- News Story December 12, 2008.

Sunday, December 07, 2008

Vacant

Sa unang bahagi ng oras, pinilit kong ubusin agad ang bawat kalahati ng minuto -- pagliyabin ito upang bumilis ang takbo. Marahil, minsan mas gusto mong mabagal na lang sana ang oras, lalo na pag eksam o kaya naman kung bakasyon. Sana'y mabilis naman kung nakasalang ka sa recitation o gisa ng prof.

Pinag-iibayo ko ang pang-aaliw sa aking sarili.

Limang minuto na rin ang lumipas at narating ko na ang mall. Pinababayaan ko lang mawaglit ang oras. Hinahayaan kong maging katulad ng tubig na umaapaw sa balde. Naaksaya at hawakan ito sa pinakamaluwag na paraan.

Dalawpung minuto na ang lumipas at naikot ko na halos ang buong ground floor ng mall. Mabuti na lamang at nakita ko ang isang garage sale ng libro at doon tumunghay ng mga prospektibong aklat na hindi ko nakikita sa silid aklatan ng pamantasan. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang umabot na sa ikaapat na istol ng libro, inunat ko nang muli ang tuhod ko.

Hindi pa rin abot sa tantiya kong oras. Marami pa ang nalalabing panahon. Pumunta na lang ako sa isang CD store upang alamin kung magkano na nga ba ang isang CD ng Caregiver na nakatakada kong ipadala sa aking ina sa labas ng bansa. Nakakareleyt ba. Sinabayan ko na rin ng pagtingin tingin sa mga posibleng regalo pamasko.

Hanggang, maya maya pa'y inabot na nga ng pitumpu't limang porsyento ang nakonsumo kong oras. Mabuti at patuloy akong inaaliw ng kung anong uri ng gayuma meron ang mall. Sa puntong ito, sa mga 50% sale na damit at pantalon linihis ang paningin.

Aktong nararapat nang bumalik sa eskwelahan, para sa natitirang sampung minuto. Pabalik ang ruta mula sa Pedro Gil patungong Faura. Tsaka ko lamang napagtanto, sadya bang ganito ang kontradiksyon sa ilang aspeto katulad na lamang ng oras at panahon?

Mababatid,

Mahirap din pa lang ubusin, kung "nakatiwangwang" lang ang isang oras.
Kulang naman kung marami ka pang dapat gawin.
Kay bilis, sa mga pagkakataong hinihiling mong sana'y mabagal na lang.
Kay bagal naman, sa mga pagkakataong sana'y mabilis na lang...
.......................................
........................
...............
.......
..
.
Sa wakas, natapos rin ang vacant.

Tuesday, December 02, 2008

SC

Alam kong may laman ang bawat tahol na iyon.
Alam kong hinihingal siya sa bawat paghinto ng sasakyang magdadala sa kanya sa tahanan.
Halata na ang kulubot sa kanyang noo.
Halata na rin ang bahagyang panginginig ng kanyang bahagi.
Nais niyang nakawin ang hiram na sandaling iyon,
Sa bus na may destinasyong sumasalo sa karukhaan ng Kamaynilaan.

Ilang saglit pa, palinga linga at inaabangan ang tamang lugar kung saan, dapat pumiglas sa kinakapitan.
Balisa sapagkat may pagdududang magkamali sa palatandaang pinalabo na ng paningin.
Magkamali sa palatandaang palatandaan din ng nakararami.
Sa kung anong sulok ng kalye matatagpuan ang 7-Eleven.

Hanggang sa lumipas ang maningning na ilaw mula sa parol,
Silaw ng billboard at pag-alpas sa malaking arko.

Bakas ang pagod sa mga ugat na nakalitaw sa kanyang balat.
Tuliro ang lahat sa paghagilap sa kung saan nga ba nila naitabi ang tiket ng bus.
Itinayo na niya ang kahoy na tungkod, at inayos ang plastik na siyang sisidlan ng inilako.
Panay din ang ayos sa antiparang putol ang kaliwang sukbitan.
Tanaw sa maong na kupas ang pagkahapo sa buong hapon.

Baka lang makaligtaan,
Ilang sandali pa bago humantong sa paroroonan.
Dumako na ang inspektor sa kanyang upuan.
At sa paglabas niya ng tiket mula sa kaluping banig,
ay ang sabay na pagluwa ng isang kwadradong bagay --
pirmado at de-litrato.

Hindi sinasadyang natanaw ng mata ko.
Constancia Vasquez.*
Senior Citizen.