Thursday, March 26, 2009

Insentibo

Sa ilang tiyak na pagkakataon, hindi natin inaasahang maisasalba tayo ng mga insentibo -- kabilang dito ang mga bagay na magpapakapit sa iisang daliring natirang nakakapit. Kung sa balyahan ng maraming katulad mong alanganin, nasusubok ang tatag ng pagkakapit. Hindi biro ang sumugal ng swerte sa kasalukuyan. Hindi madali -- parang lahat ay handang makipagbunong-braso para sa kapalit na ginhawa. Ang dating madaling gawin, ngayon ay kabilang na rin sa hamong dapat harapin.

Sa dayalekto ng lipunan maaring mahinhuha ang kasagutan -- ang hindi pag-asa sa swerte at ang pagsusumikap na maabot ang tagumpay. Sa napakaraming pagkakataon, bahagi ng buhay-hayskul at kolehiyo ang insetibo. Rasyunal para sa kapwa estudyane ang makakuha ng insentibo. Ang karagdagang tatlumpung puntos sa isang pagsusulit. Dagdag puntos. Panalba. Ngunit sa piling pagkakataon, hindi rin maiiwasang mapaisip, kung bakit kinakailangan pang magtamasa ng insentibo ang ilang elementong hindi na karapat-dapat para rito -- partikular sa mga taong mataas na ang kinalalagyan at patuloy na pinapaboran ng sistemang hinukot ng katiwalian.

Paano pa ba dapat bigyang kahulugan ang insentibo,
kung sila lamang nakararanas nito?

Sa buwang ito, muling minamarkahan ng maraming tahanan ang kani-kanilang kalendaryo. Marso, ang hudyat ng isa sa pinakaprestihiyosong pagtitipon ng pamilya -- ang gradweysyon ni Kuya at Ate. Pinaghahandaan, kahit na magkautang-utang. Maaring basag kundi man lutang pa sa mga panahong ito ang isipan ng ilang magsisipagtapos dahil mas abala sa paghahanda ng araw nila. Sa lipunang hindi pantay ang oportunidad, saan nga ba sila dadalhin ng kanilang mga pangarap? Silang kung ituri'y bagong salta sa mukha ng totoong buhay?

Iba na ang usapin kapag nakalaya na sa apat na sulok ng paaralan. Iba na ang usapin sa panahong napagtagumpayan nang sungkitin ang inaasam na diploma. Ang papel na ito ang magsisilbing tiket sa mas mapangsubok na biyahe, at katulad ng pagsakay sa bus o dyip, kani-kaniya ang paraan upang mapangibabawan ang napakaraming kumakalabang pwersa. Iba na rin ang mga entidad na makakasalamuha -- kung sa tingin mo'y magaling ka na, maaring sa kanila'y isa kang malaking basura. Saan mo kakapain ang seguridad upang manatili? Kumpiyansa sa sarili? Maging malapit sa mga nakikinabang sa mas malawak na gantimpala o patuloy na manindigan kahit ginigipit na ng materyal na kondisyon?

Ang katotohanang ito ay hindi lamang ikinakahon sa buhay ng kabataan. Laganap ang sirkumstansyang ito sa iba pang sektor ng lipunan -- sa kaguruan/edukasyon, sa trabaho/paggawa, sa mga may isinusulong na adbokasiya at iba pang masasaklaw na sektor. Sapagkat, nahirati tayo sa insentibong kumakatawan sa mga "bonus", "add-ons", "additional" at iba pang sumasagisag sa mga suplementaryong kapakinabangan, nagiging materyal at nabibilang ang pagtingin natin sa mga insentibo.

Lulan nito, patuloy na nababago ang paglingap sa mga insentibo. Nawalan na ng saysay ang mga bagay na dati'y pareho ang palagay. Ang pinakamagarang mapapasukan ang siyang itinuturing na insentibo. At, nakalimutan nang kilalanin na ang makapagtapos ay isang dakilang uri nito.

Friday, March 20, 2009

Panayam sa Kinatawan ng Bayan Muna

Teodoro CasiƱo, Batasang Pambansa
Bisitahin: Bayan Muna Site

"Mahalaga ang pagtatanggol sa karapatang pantao dahil hindi pa rin ganap na demokratiko ang Pilipinas. Upang maging ganap ang demokrasya sa Pilipinas, isang malaking salalayan ang pagrespeto at pagtataguyod sa karapatang pantao."

Pinuntuhan ng lider ng Bayan Muna ang karupukan ng mga demokratikong institusyon sa bansa kasabay ng sistematikong pagpapahina at pagsasabutahe nito sa masang Pilipino. Direktang tinukoy ng mambabatas na ang pangunahing naglalabag sa karapatang pantao ay yaong mga nasa puder -- gobyerno at state security forces. Sa ilalim ng international conventions, ang gobyerno ang binigyang kapangyarihan sa dapat sana'y pagtatanggol sa batayang karapatan. Samakatuwid, ang gobyerno ang dapat itinuturing may pinakamalaking pananagutan sa mga pagpatay nang walang "due process", torture, nagugutom, mga iginigiit sa edukasyon, kawalan ng matutuluyan at iba pang panlipunang serbisyo.

"Napakadaling sukatin kung ang karapatang pantao ba ay nirerespeto, niyuyurakan at kung ano ang tunay na estado nito."
  • Ang esensyal na elemento ng karapatang pantao ay nararapat na sumaklaw sa mga aspetong ekonomik, pulitikal, panlipunan, kultural at sibil: Right of the Citizens. Karapatang magsalita at mag-isip.
  • right to life
  • right to liberty
  • right to education
  • right to a free press; expression
  • right to a decent wage
Panig sa ulat ni Philip Alston ukol sa karapatang pantao:

"Ito ay totoo, taliwas sa ipinapahayag ng gobyerno. Walang makakatanggi na laganap ang extra-judicial killings sa ating bansa, enforced disapperances, torture, pagtugis sa mga kritiko ng gobyerno -- pagbansag sa kanila bilang enemies of the state."
  • Binabaling ng gobyerno sa iba ang mga paglalabag na ito, partikular sa mga rebelde.
  • Ang pasismo ng estado ang siyang elementong patuloy na ginagamit upang sagkaan ang karaptang pantao mula pa sa panahon ni Marcos hanggang ngayon.
  • Hindi napanagot ang mga entidad na responsable para sa mga ito. Naging bahagi na lamang ito ng tradisyon ng kawalang kaparusahan o culture of impunity.
  • Ang nakakalungkot na bahagi rito: Hindi sinusunod ng gobyerno ang mga akmang rekomendasyon ni Alston at nanatiling nasa "state of denial" ang pamahalaang Arroyo.
Bayan Muna at ang Karapatang Pantao (sa kasalukuyan)
  • Nasa ikalawang pagbasa na ang panukalang batas laban sa torture at enforced disapperances (naasahang bago matapos ang taon ay maging isang ganap na batas na ang panukalang ito)
  • Pangunguna sa pag-iimbestiga sa Kongreso kaugnay sa mga tiyak na kaso ng paglabag sa karapatang pantao
  • Pagsasagawa ng mga ocular and on-site hearing sa Mindanao at ibang panig ng bansa
  • Sa karapatang pang-ekonomiko: patuloy na pakikipaglaban upang maitaas ang sahod ng mga manggagawa, kasama rin ang karapatan at seguridad sa paggawa
  • Pagbabandila sa karapatan ng kabataan at ng pambansang minorya
Sa kongreso, maraming komprehensibo at depinitibong batas ang ipinanunukala, anu-ano ang mga tukoy na dahilan kung bakit bigo ang mga labang tulad nito?

"Ang gobyerno ay itinaguyod para labagin ang mga karapatang ito -- itinataguyod ang interes ng iilan lamang (may ari-arian, may kaya, panginoong may-lupa), at hindi nakatuon sa pinakamalawak na mamamayan at ang mayorya ng Kongreso ang isa sa mga institusyong nagtataguyod ng ganitong uri ng sistema."

Dagdag pa ng mambabatas, ang pagtataguyod ng mga karapatang pantao ay nangangahuhulugan ng alokasyon ng badyet -- sa usapin ng edukasyon, pabahay at kalusugan. Sa mga isyung papabor sa mga mahihirap, ang gobyerno ay tradisyunal na nagtitipid. Samakatuwid, nasa mababa kundi man wala sa tuon ng pamahalaan ang mga ganitong laban sa kaakibat nitong "prioritization measures."

Ang Panawagan sa Pagkilos:

"Ang pagiging human rights activist ay ang pagtataguyod ng pagkatao at dignidad sa ilalim ng Universal Declaration of Human Rights. Everybody should be a human rights activist. Kapag ikaw ay nanahimik sa ganyang klase ng paglabag sa karapatan ng iba para mo na ring nilabag ang sarili mong karapatan."

__________
*Story ended. IMPUNITY: Ang Kulturang Sikil sa Karapatan.
Larawan mula sa aklanforum

Bayan Muna: AWIT NG PAG-ASA



Friday, March 13, 2009

Panayam kay Rep. Liza Maza

*House of Representatives

"Ang Human Rights Activism ay ang pakikipagpaban para sa pagrespeto, pagkilala, pagtataguyod at pagprotekta sa mga karapatang pantao."

Binigyang-diin ng National President ng GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership and Action) miyembro ng Komite sa Karapatang Pantao na hindi lamang sa kasalukuyang administrasyon nagsimula ang paglabag sa karapatang pantao. "Napakahalaga na patuloy nating itinataguyod at ipinaglalaban ang karapatang pantao. Napakatindi ng paglabag sa karapatang pantao sa pamahalaang Arroyo -- extrajudicial killings, enforced disappearances, torture, sexual abuse, custody under the agents of the states, lalo na ang pagpapalikas ng taumbayan sa kanayunan sa mga operasyong militar, kung kaya't sila ay nagigiit sa mga pangunahing pangangailangan upang mabuhay."

Saan maiuugat ang paglabag sa karapatang pantao?
  • wide gap between the rich and the poor; naghihirap na mayorya
  • mga nasa kapangyarihan (paggamit ng militar, batas at iba pang kapangyarihan ng estado upang supilin ang karapatan ng mga mamamayan; at sa prosesong ito, panatilihin ang pamamayani ng kanilang interes sa posisyon)
Mga elemento tungo sa pagtatamasa ng karapatang pantao:

"Ang kalayaang mabuhay...alam mo this sounds funny no? kalayaang mabuhay? hindi ba dapat natural na lang yan?"
  • kalayaang mabuhay
  • karapatang magsalita
  • karapatang mag-organisa at magmobilisa
  • karapatan sa pagkilos
  • Women's Right and Human's Right (pagturing na pantay sa isang lipunan)
  • karapatan sa nakabubuhay na sahod
  • karapatan na magkaroon ng hanap-buhay at pagkakakitaan
  • karapatang tamasahin ang "basic necessities of life"
Mga naihaing adbokasiya upang labanan ang paglabag sa karapatang pantao sa perspektibo ng GABRIELA:
  • pag-apruba ng bicameral conference sa Magna Carta of Women na magsisilbing "mother legislation of women's rights in the Philippines"
  • naihapag na resolusyon kaugnay ng imbestigasyon sa mga kaso ng mga kababaihang pinapatay, nawawala at iba't iba pang porma ng karahasan
______________
*Hinihingi ko po ng paumanhin kay Rep. Liza Maza ang pagtawag sa kanya bilang "Congressman Maza" sa aktwal na daloy ng aking panayam. Ito po ay magsisilbing aral sa akin, partikular na sa pagiging sensitibo sa kasarian/gender sensitivity. Congresswoman Liza Maza, Mabuhay Po Kayo!
**Litrato mula sa google image

Wednesday, March 11, 2009

Panayam kay Sis. Mary John Mananzan

*St. Scholastica's College, Manila

Pinuna ni Sis. Mary John ang aking tanong ukol sa kahalagahan ng pagtatanggol sa batayang karapatang pantao sa isang demokratikong lipunan tulad ng Pilipinas, sinagot niya ito ng isang retorikal na tanong:



"Demokratiko ba ang Pilipinas?
I believe that we don't have a democracy, I believe that we have democratic forms but we don't have democratic processes for a simple reason that we don't have a material base for it."

*democratic forms tulad ng eleksyon

Ayon kay Sis. Mary John Mananzan, ang pinakapayak na basehan sa isang "ipinapalagay" na demokratikong lipunan ay ang pagtamasa sa mga pangunahing pangangailangan ng nakararaming Pilipino. Ito ay sinusugan niya ng ilang patunay na hindi umiiral ang demokrasya sa Pilipinas:
  • The assumption that we have co-equal branches as legislative, judiciary and executive. Is that true? No. Kontrolado ang Senado. Kontrolado ang Kongreso. Kontrolado ang judicial.
  • Hindi demokratiko ang botohan: ipinagbibili at binibili lang!
  • You cannot go to the government to defend your human rights. The government is the perpertrator of human rights violations, in general.
  • Writ of Amparo, a very good law is not properly executed
  • Cases filed against Jun Lozada and other witnesses who state the truth. Jun Lozada is forced to stay in a "sanctuary" for the protection of his life.
  • Failure of the Ombudsman*
  • EJK, journalistic Killings, political repression and enforced disappearances, among others.
Para sa isang aktibong nanindigan noong panahon ng EDSA People Power, kapanalig/lider ng GABRIELA at progresibong miyembro hindi lamang ng Simbahan, narito ang mga basehan/esensyal na elemento tungo sa pagkakamit ng tunay na KARAPATANG PANTAO:
  • right to life
  • right to liberty
  • pursuit of happiness
  • freedom of speech
  • freedom of religion
  • right of survival (good employment, right wage)

*Sis. Mary John signed the petition to impeach the Ombudsman, as she believes that latter fails to catch, what she calls "the big fishes" of corruption scandals (i.e. Joc Joc Bolante, Benjamin Abalos, FG despite of World Bank's confirmation that Mike Arroyo's name is included in its special list, etc.)

"EDSA 1 and 2 are not a failure.
Ang failure natin ay hindi natin
binantayan ang mga susunod."



The youth should vow. Usigin ang darating na eleksyon!
Binigyang-diin ni Sis. Mary John ang mahalagang papel ng kabataan upang bantayan ang susunod na liderato at umaksyon laban sa sistemang papabor sa mga kurakot.

_______________
SR. MARY JOHN MANANZAN, OSB (click here)

*Bahagi ng dokyumentaryo ng aming grupo ukol sa Human Rights Activism (Impunity: Ang Kulturang Sikil sa Karapatan) sa kursong Third World Studies, Prof. John Ponsaran

Monday, March 09, 2009

Renaissance Man

Dr. Edberto Villegas, professor of Political Economy and Alternative Development Strategies,

"The class that predominates the economic sector can control the political direction of the society."

"True realization of political and civil liberties will come only after a restructuring of the economic system to achieve an equitable distribution of material resources."
[Dialectics of the Rights of Citizens]

"It must be emphasized that it is through the participation of the people in running the affairs of the society, either direct or indirect, can they not feel alienated from the government."

*Dr. Edberto Villegas, known to his students as "Doc Ed" or "Doc EdVil" is the chair of an independent mass research institution, IBON Foundation. He is a pillar of the Development Studies program at the University of the Philippines and a former chair of the Department of Social Sciences. He is the prolific writer of the novel, SEBYO. This year, he is planning to launch his new novel with the theme of "Insurrecion."

*TOWARDS A NEW WORLD: Political Economy for Change, TANAW.org [view his latest writings]

Mahal, Hindi Tayo Bagay

Ni Ka Axel Pinpin,
dating political prisoner at ngayo'y public information officer ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan


Makisig ka sa iyong kurbata at bagong plantsang salawal.
Madungis ako sa bestida kong suot sa pang-araw-araw.
May salapi kang kapital, ang aki’y bulsang kumakalam.
Ganda’t lakas kong puhunan mo’y iyo pang inaagaw.
Ngayong magkaniig tayo’y tinatawag mo akong “Mahal”?

Hanga’y-bilib ako sa karwahe mong hila ng mola.
Habang kahiya-hiya ako sa kariton na hila ni Ama.
Kaylawak ng iyong asyenda, lupain ko’y nasa paa.
Putik kong ikinayayaman mo’y iyo pang pinariwara.
Ngayong magkasiping tayo’y sinasambit mong “Aking Sinta”?

Nang ipagiba mo ang aking bahay, yumuko ako sa iyo.
Paglao’y dinampot ko na rin, pinandurog mong maso.
Nang ipa-ani mo ang aking palay, umiyak ako sa sakit.
Paglao’y dinampot ko na rin, bagong-hasa kong karit.
Ngayong hiwalay na tayo’y; Mahal ang kabayaran ng lintik!"

*tulang itinampok sa isang women's rally na binigyang buhay ni Ma. Isabel Lopez

Friday, March 06, 2009

Panata sa Karapatang Pantao

Ako’y Mamamayang Pilipino
Tungkulin ko ang kilalanin, igalang at itaguyod
Ang dignidad at karapatan ng bawat tao
Maging dayuhan man o kalahi ko.

Itataguyod ko ang diwa ng pagkakapantay-pantay ng lahat
Nang walang kinikilingang kasarian, lipi, paniniwala
at katungkulan sa buhay
Sa larangang Pang ekonomiya, Pampulitika,
Pangkultura, Panrelihiyon at Panlipunan
At malaya sa lahat ng uri ng diskriminasyon
at karahasan – kabilang na ang sa tahanan.

Diringgin ko ang tinig ng kabataan
Nang may respeto at pagkilala sa kanilang ideolohiya at kakayahan
At huhubugin sila na maging matatag na salinlahi sa kinabukasan.
Titiyakin ko na ang bawat bata ay hindi salat sa pagkalinga,
may matiwasay na lipunang ginagalawan
At ang mga pangangailangan ay natutugunan ng pamahalaan.

Igagalang ko ang nakatatanda at aalalayan kung kinakailangan
Bibigyang puwang sa lipunan ang mga may kapansanan.
Tutulungan ko ang mga biktimang nawalan ng tahanan at kabuhayan
Dulot ng kalamidad, demolisyon, militarisasyon, at armadong labanan.

Pagyayamanin ko ang kultura ng katutubong Pilipino.
Bubuhayin ko ang pag asa ng bagong buhay sa mga bilanggo.
Tututulan ko ang pagmamalabis sa kapangyarihan,
katiwalian at pagyurak sa karapatan
Ng mga manggagawa sa pribadong tanggapan, sa pamahalaan
At maging ng mga Pilipino na sa ibayong dagat ay namamasukan.

Paninindigan ko, na sa aking kapwa, ako’y may pananagutan.
Babantayan na ang Estado ay nagagampanan
ang obligasyon sa lipunan.
Sa ngalan ng KARAPATANG PANTAO,
tayo’y makibahagi at magtulungan
Sa pagsulong sa katuparan ng lahat ng karapatan.

_____________
*Mula sa Commission on Human Rights of the Philippines

Tuesday, March 03, 2009

Freedom of Information Act

Agricultural Innovations and Changes

Agriculture Secretary Arthur Yap delivers a speech [January 2009] covering the latest agricultural changes and innovations in the Philippines. He further points out how sustainable the Philippine agriculture has become with respect to government's initiatives to take part for agri-development.

I must commend the government for one thing -- for its consistency!
Consistent in playing charades -- blurring the information about the current state of the many different sectors. Consistent in playing deal or no deal -- as it fails to reject the offer of US-Imperialist "bankers". Consistent in wearing camouflage to state the illusory gears of our "real" material condition.

The government manages to uplift the ideals of the peasantry before its huge crowd. In reality, peasant's fundamental rights are yes, aggregated but not articulated. Yap's alleged "development" must carry along certain tags, aside from "backward."

Misinformation. Prophetic. Illusions.
According to my Ds151 Course: Idealistic